Chapter 47: Upset

798 44 3
                                    

Pinagmasdan ni Samantha ang katatapos lang niyang drawing. Lumingon siya kay Arem na may kung anong ginagawa sa loob ng isang brown envelope.

"Do you think it's good?" kaswal na tanong ni Samantha.

Inilapag niya sa tabi ni Arem ang bagong drawing na desinyo na hindi na niya mabilang kung pang -ilan na ba. In her previous life, that good-for-nothing ex of hers used the old drawing she gave him as a gift when she was in college and she believes that he will use it again in this upcoming competition.

"Everything you draw is good. Pero alin ba talaga ang gusto mong ipasa para sa kompetisyon?" Hindi mapigilan ni Arem ang bahagyang pagsakit ng ulo niya.

Halos lahat ng ginawa ni Samantha ay magagandang disenyo at nakikita niyang kikita iyon ng malaki kung ilalabas nila sa market. Pero hindi niya naman iyon pwedeng gawin lalo na at gustong sumali ng magaling niyang asawa sa gaganaping kompetisyon next month.

"You choose. 'Yung hindi mo mapipili, give it to Ninong Abel. Malapit na ang December. Plano kong bumili na ng mga Christmas decorations para hindi pa masyadong mahal ang mga presyo," tukoy ni Samantha kay Shopkeeper Magtanggol.

"Alright," Arem helplessly answered.

Sa dami ng ginawang design ng asawa niya, pakiramdam niya ay mauubusan na siya ng pambayad ano mang oras.

Her ideas are endless.

Naupo si Samantha sa higaan niya. Matapos ang kasal, ibinalik ulit ni Arya ang kanyang higaan kaya naman doon na ulit siya natutulog. Thankfully, she's drunk that night. At least she doesn't remember how she spend the whole night without her own bed.

"Right. I have something to give you,"

Mula sa pag-lalagay ng moisturizer sa mukha ay nag-angat ng paningin si Samantha. Tiningnan niya si Arem na papalit sa kanya, dala-dala ang ilang folder.

Ibinaba noon iyon sa vanity table.

"Ano 'yan?" Curious na tanong ni Samantha.

"I heard from the triplets about what my maternal aunt did to mom's properties. For fifteen years, they have treated those properties like their own,"

"Hmmm? Hindi ba ipinagpalit nila 'tong bahay nila sa Apartment Complex ni mommy?" Nagtatakang tanong ni Samantha.

"Ipinagpalit? They don't even own anything. When my father gifted this place to my mother, they begged her to let them stay here for a while. And mom being the kindest of them all, let them. They act as if they own this place, the farm at the other barangay, and the rice field at the other province,"

Nanlaki ang mga mata ni Samantha. Kaagad siyang napahinto sa kanyang ginawa.

"Seryoso?"

"They took over all of the properties by showing everyone's mom's medical records. Palagi nilang sinasabi na walang ibang mag-aasikaso sa mga properties dahil nakaratay sa ospital si mommy. And my grandparents don't care at all. They kept on telling me that those properties were just toys I could play with in my spare time. These properties have been under my name since I was twelve years old. It's a gift from Mom saying she doesn't need it. They never intended to have the triplets. But now, I'm planning to divide those properties into three,"

Napatitig si Samantha sa mga dokumento na naglalaman ng pangalan ni Arem.

"Ibig sabihin, kinuha nila at pinakinabangan ang lahat ng ari-arian niyo at pagkatapos ay inabandona nila sila mommy?"

Hindi mapigilan ni Samantha ang pagkunot ng kanyang noo. Talaga palang may mga taong hindi tinatablan ng salitang konsensiya.

"Umn,"

The DivorceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon