Napatitig na lang si Samantha sa sobre na ibinigay ni Arem sa kanya. Wala sa loob na binuksan niya iyon.
Tseke iyon na naglalaman ng limang milyong dolyar.
With this money, hindi na niya iisipin kung saan siya kukuha nang pambili ng pinapangarap niyang Villa.
Pero pagkatapos ng mga sinabi ni Arem sa kanya kanina bago ito umalis papuntang China, mag-uusap silang dalawa patungkol sa relasyon nila.
Sam, can we not divorce?
Parang naririnig pa ni Samantha sa kanyang isipan ang mga katagang iyon ni Arem. Just by hearing him say those words while looking into his deep affectionate eyes, all her will crumbles.
At kahit hindi siya nagsalita kanina patungkol kay Attorney Pilar, ramdam nito na hindi siya komportable kaya naman pinasundo nito sa ibang tauhan ang magandang abogado. Si Mang Ramon naman ang naghatid kay Arem patungo sa private jet nito.
Napakunot-noo si Samantha.
Saka lang parang nag-sink in sa kanya ang sinabi ni Arem kanina na hindi na ito tutuloy sa airport. Na sa halip na sumabay ito kasama ang subordinates nito sa pagsakay sa eroplano ay mag-isa na lang itong aalis sakay ng pribadong jet nito.
Bumalik na ba ito ulit sa lolo at lola nito?
Ito na ba ulit ang tagapagmana ng mga Syquia kaya nakuha na nitong muli ang mga prebelehiyong inalis ng dalawang matanda dito?
Pero hindi na iyon naipaliwanag ni Arem dahil may emergency daw sa bagong tayo nitong kumpanya na naka-base sa China. Kaya naman nakiusap ito na pagbalik na lang sila mag-usap ng maayos.
Tahimik na nagmumuni-muni si Samantha nang bigla na lang mag-ring ang cellphone niya.
Maingat na inilagay niya ang sobre akosa ilalim ng drawer niya saka sinagot ang cellphone niya.
"Hello?" Walang ganang tanong ni Samantha.
She's feeling down. Hindi dahil sa kung ano pa man, kung hindi dahil sa nami-miss na kaagad niya ang lalaking 'yun. Tsk. Pakiramdam ni Samantha ay naengkanto yata siya. Biglang-bigla ay hindi niya maalis sa isipan ang asawa. Lalo na ang huling sinabi nito.
[Miss Sam!"]
Kaagad na nagising mula sa pagd-daydream si Samantha nang marinig ang natatarantang tinig ni Ren, ang assistant nang artistang si Samuella Eclypse.
"Oh? Bakit?"
Kagabi lang ay halos hindi sila natulog na dalawa. Ang dami nitong itinuro sa kanya patungkol kay Samuella o Lala na dapat niyang matutunan sa maikling panahon dahil may naka-schedule na variety show ang boss nito.
["Hindi ko na makontak si Lala. Malakas ang kutob ko na lumabas siya ng bansa. I need your help, Miss Sam. Nasa ospital ang lolo ni Lala at kritikal ang kondisyon niya. Kapag hindi siya nakauwi bukas, baka tuluyan na siyang patigilin sa pag-aartista ng parents niya!"]
Umigkas pataas ang kilay ni Samantha. Hindi ba at inamin naman ni Lala na mag-a-out of town ito kasama ang boyfriend?
China?
Bakit pakiramdam ni Samantha, ang daming papunta ng China? Si Arem, pupunta doon, ngayon naman itong bagong employer niya.
"Okay, okay. Give me all the informations needed. Magpapaalam lang ako dito sa bahay at babalik na ako diyan,"
Kahit na may malaking pera na siyang hawak, salamat sa pagkakapanalo niya sa kompetisyon sa Paris, hindi na makatanggi si Samantha kay Ren at Lala dahil naka-oo na siya sa mga ito. Bukod pa doon, iba ang pakiramdam niya kay Lala noong una niya pa lang itong makita.
BINABASA MO ANG
The Divorce
Документальная прозаIn her past life, Samantha died at the hands of the person she trusted the most. Though he didn't kill her directly, he was the reason for her early demise. Upon waking up, Samantha promised to live her second life without regret. But first, she mus...