Chapter 42: Concerned About Her

810 36 0
                                    

Masakit na masakit ang ulo nang magising si Samantha kinabukasan. Nagtatakang napatingin siya sa kamang kinahihigaan.

Teka lang, bakit nandito siya?

Saan napunta ang higaan niya?

Kahit masakit ang ulo ay inilibot ni Samantha ang kanyang mga mata. Pero hindi niya talaga mahanap ang higaan.

Napatitig din si Samantha sa suot niyang damit. Nakasuot siya ng malaking t-shirt at jogging pants.

Napakunot-noo siya. Hindi niya matandaan na naligo siya kagabi. Malakas ang kutob niya na nalasing siya. Hindi niya alam kung gaano kataas ang tolerance niya pagdating sa alak pero iyon ang unang pagkakataon na nag-inom siya sa tanang buhay niya.

Kahit nga sa nakaraang buhay niya ay hindi niya naranasan ang uminom. Kaya naman noong inalok siya ng shot nila Arya kahapon ay kaagad siyang pumayag. Ayaw na niyang maging inosente sa buhay. Pero hindi niya naman inaasahan na pagkatapos ng ilang shot ng pomelo gin ay ganito ang mangyayari.

Wala siyang maaalala.

Amnesia?

Imposible. Natatandaan niya pa rin naman ang lahat maliban lang talaga sa nangyari kahapon matapos niyang uminom ng ilang baso rin ng pomelo gin.

Bukod sa sakit ng ulo ay wala ng iba pang matandaan si Samantha.

Nagtatakang lumabas siya ng kwarto.

Napakatahimik ng buong kabahayan. Pumasok na siguro ang triplets sa school. Pero nasaan ang mother-in-law niya? Nasaan ang asawa niya? Anong oras ito umuwi kagabi?

Sunod-sunod na tanong pa rin ang patuloy na pino-produce nang groggy na isipan ni Samantha.

"Siguradong matutuwa siya kapag nalaman niya ang pagpunta niyo,"

Nang marinig ni Samantha ang masayang tinig ng kanyang mother-in-law ay kaagad siyang nagtungo sa may terrace kung saan nanggaling ang tinig na iyon.

Mahigpit na hinawakan ni Samantha ang doorknob ng front door.

"Daureen is also getting married. We want Samantha to meet her brother-in-law,"

Sandaling napahinto sa gagawin sanang pagbukas ng pintuan si Samantha. Tinig iyon ng kanyang ina. Rinig niya mula sa tinig nito ang excitement.

Mabuti na lang dahil kahit na may hang-over pa ay gumagana pa rin ang mga braincells ni Samantha. Hindi niya tuloy mapigilang isipin.

Na kaya siguro pumayag na rin sa arrangement niya noon si Daureen ay dahil may boyfriend na ito. Well, that's good. At least, Daureen will marry the person that she likes.

Huminga ng malalim si Samantha. Pilit na nilalabanan ang kumikirot na ulo niya.

Muling pinihit ni Samantha ang seradura ng pintuan para buksan iyon. Sa totoo lang ay kinakabahan siya na makita ang kanyang foster parents.

Ilang taon siyang kinupkop ng mga ito pero hindi nila pinalitan ang kanyang pangalan. Kung ano ang pangalan na nakalagay sa papel na kasama sa bag na dala-dala niya noong natagpuan siya ng mga ito, iyon ang ipinagamit ng mag-asawa sa kanya.

Siguro iyon ang dahilan kung bakit kahit na trinato siyang tunay na anak ng mga ito, ibinigay ang lahat ng pangangailangan at pinalaki ng maayos— pakiramdam ni Samantha ay may kung anong pader na nakaharang sa kanilang relasyon. Bukod pa doon, hindi tumigil ang mga ito sa paghahanap kay Daureen, to the point na pati siya ay naghahanap na rin in her own way.

Most of the times, she's feeling afraid. Dahil wala namang katiyakan na magiging solid pa rin ang buhay niya sa bahay ng mga ito lalo na at sampid lang siya.

The DivorceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon