Dahil sa palaging tinitingnan ni Ginang Aria ang bawat galaw ni Samantha, kaagad na nagpresinta si Samantha na magluto. Iisa na lang ang magagawa niya para tuluyan ng tumigil ang ginang sa kakatitig at kakaaral sa bawat galaw at kilos niya.
Hindi lubos akalain ni Samantha na magiging ganoon ka-effective ang ginawa niya. Nagbate lang siya ng itlog at voila!
Kaagad na siyang pinalitan ng dalawang ginang sa pagluluto. Pero para maging kapani-paniwala ang lahat, hindi dapat siya sumuko. Hanggang sa hindi magbago ang tinging ipinupukol sa kanya ng kanyang mother-in-law, pagsusumikapan niya talagang magtagumpay sa bago niyang misyon. Ang papaniwalain ito na siya si Samuella Allejo.
"I- I want to help po," ani Samantha sa tonong tila ba nagmamakaawa na pagbigyan siya sa kagustuhan niyang makatulong. Lumapit siya sa dalawang ginang na kaagad namang umatra.
Ngumiti ang mga ito.
Ngiting may kasamang kaba.
Mas mukha nga iyong ngiwi.
"H-hindi na hija. Limang itlog lang ang ibinigay sa atin. Binate mo na ang dalawa kasama ang mga egg shells k-kaya... tatlo na lang ang matinong magagamit na 'tin. Kapag nagkataon, baka hindi na tayo makakain ng tortang talong," ani Ginang Elena saka mabilis na inilayo ang tatlong itlog mula sa mapagparusang mga kamay ni Samantha.
Halos lumuwa ang mga mata nila kanina ng bigla na lang durugin ni Samantha ang dalawang itlog sa isang bowl kasama ang egg shells. May kasama pang ipot ang egg shells dahil deretsong binili iyon sa farm na nadaanan ng crew.
Hindi lang sila napahawak sa bibig. Muntik na talaga silang masuka!
Malapit ng mag-alas dose kaya naman hindi na sila nag-abalang hugasan pa ang itlog. Dahil ang iniisip nila, bibiyakin lang naman iyon sa dalawa at pagkatapos ay ilalagay sa bowl ang puti at egg yolk. Pero hindi. Hindi ganoon ang ginawa ni Samantha!
Pareho niyang inilagay sa bowl ang dalawang itlog, binasag iyon at dinurog nang dinurog ang egg shells. Kung dilaw ang kulay ng normal na binateng itlog. Kulay brown ang itlog at egg shells na binabati ni Samantha.
The two women felt horrified!
Excited pa naman silang dalawa na panuorin ang magandang dalaga habang nagluluto.
Pero halos mahulog ang puso ng dalawang ginang nang makita ang ginawa ni Samantha! She's not cooking at all. She's trying to murder the eggs.
Magkasabay na hinawakan ng dalawang ginang ang kanilang mga dibdib. Pakiramdam nila ay magkakaroon sila ng anxiety attack dahil sa napanuod.
They never knew that some people beat eggs that way! Halos maiyak din si Ginang Elena dahil sa sobrang panghihinayang.
Tuluyan namang nakalimutan na ni Ginang Aria na ikumpara si Samuella sa pinakamamahal niyang si Samantha. Kung kanina ay nagdududa siya, ngayon ay nabura na ang lahat ng mga pagdududa niya.
They're definitely not the same person. She's so sure of that. Her beloved Samantha would never waste food!
Her Samantha can even cook a perfect omurice without a single speck of eggshell.
"A-ahm, I-i can r-remove the eggshell," kinakabahang kinuha ni Samantha ang bowl na ginamit niya kanina. Tinitigan niya iyon at pagkatapos ay dumampot siya ng kutsara.
Nagyuko siya ng ulo habang seryosong inaalis ang pinong-pino na shell ng itlog.
"A-anak, h-hindi na kailangan," nanginginig ang tinig na saad ni Ginang Elena. "Hindi na rin natin makakain 'yan. Puro ipot ang shell ng itlog, hindi naman ako ipupunla para lagyan ng fertilizer. Kami na lang dito, sige na, maglaro ka na lang doon," dagdag pa ni Ginang Elena sa malumanay na tinig.
BINABASA MO ANG
The Divorce
Non-FictionIn her past life, Samantha died at the hands of the person she trusted the most. Though he didn't kill her directly, he was the reason for her early demise. Upon waking up, Samantha promised to live her second life without regret. But first, she mus...