Chapter 66: Bullying The Bully

639 34 2
                                    

Apat na grupo ng mga baguhan at beteranong artista na maglalaban-laban sa naturang variety show. Ang tatlong grupo na kalaban nina Samantha ay pawang may mga aktor habang ang grupo nila ay puro mga babae lamang.

Dahil hindi naman mahilig manuod ng telebisyon si Samantha, hindi niya kilala ang mga ito. Mapwera na lang sa mga nakasama na niya sa ibang project noon. May ibinigay ng impormasyon si Ren patungkol sa mga ito. Pero salamat na lang din dahil walang kaibigan sa industriya si Samuella. Likas na ang pagiging ilag niya at suplada kaya naman sa tuwing matatapos na ang scene niya ay nagtutungo na siya sa sarili niyang tent para magpahinga o magbasa ng sariling script.

"Okay, sino na sa inyo ang naka-experience mag-harvest ng talong?" Malakas na tanong ng komedyanteng lalaki na siyang host sa naturang variety show na ginagawa ng mga bigating artista.

Halos lahat ng mga inimbitahan para sa variety show na iyon ay galing sa mga may sinabing pamilya.

Kaagad na nagtaas ng kamay si Ginang Aria.

"Well, my daughter-in-law loved planting and she planted a row of eggplants,"

"Whoa! So may vegetable garden kayo, Miss Aria?"

The host is a good person. Lahat ay binibigyan nito ng pantay na exposure. He has a consistently positive demeanor and is always in a jovial mood. He has a knack for making witty and humorous remarks that never fail to elicit laughter from all the participants around him.

"Yeah," nakangiting sagot ni Ginang Aria. Makahulugan nitong sinulyapan si Samantha nang matapos magsalita.

Samantha played dead.

"Then that's good for you Miss Aria," puri ng host. Pagkatapos ay isa-isa nitong tiningnan ang bawat grupo. "Para sa second challenge niyo ngayong araw. Ang gagawin niyo ngayon ay napaka-simple lang. Magha-harvest kayo ng talong. Nakikita niyo ba ang mga linya na ito ng mga talong? Every plot of this plant was the same. What you will do is to harvest everything from your designated plot. Ang unang makatapos ay siyang makakatanggap ng pangrekado para sa lulutuin niyong pang-ulam mamayang gabi. Ang first place ay makakatanggap ng isang kilo ng karneng baboy, condiments at gulay na gusto niyo. Ang second place ay makakatanggap ng isang kilong manok, condiments at dalawang uri ng gulay na gusto niyo. At ang third place ay makakatanggap naman ng itlog, condiments at talong, habang ang forth place ay makakatanggap lamang ng talong at condiments,"

Sinundan ni Samantha ng tingin ang plot na itinuturo ng host. Masyadong mahaba ang bawat linya, bukod pa doon ay maraming bunga ang mga talong.

Her mother-in-law knows about her capability.

Samantha is well aware that Samuella grew up in an environment where she was constantly pampered and taken care of by her wealthy family. That's why for sure, Samuella did not have the opportunity to learn basic life skills, such as gardening. As a result, she lacks knowledge in the area of growing and harvesting plants. She has not learned how to nurture a plant, therefore, she lacks the fundamental knowledge required to grow and harvest plants.

And what she needs to do right now is to act like a pampered little princess!

She's Samuella now.

She cannot act like a capable Mrs. Samantha Daureen Syquia so that her mother-in-law will never suspect her.

"Kumuha kayo ng mga basket niyo. And ready set go...!"

Excited na kumuha ng basket ang dalawang ginang na kasama ni Samantha. Habang masayang nag-uusap ang dalawa, namimitas sila ng mga talong. Tahimik lang sa isang tabi si Samantha habang mabagal na kumukuha ng talong.

Wala siyang gamit na kahit ano sa pagpitas maliban sa sariling kamay niya lang. Kaya naman may kabagalan ang paglalagay niya ng talong sa basket. Malapit nang makapuno ang dalawang ginang na kasama niya pero hindi pa rin nakakakalahati si Samantha.

The DivorceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon