Chapter 76: Indulge

1.9K 93 74
                                    

"Are you okay? Are you hurt?" Nag-aalalang tanong ng tinig na kilalang-kilala ni Samantha.

Napakunot-noo si Samantha.

Hindi kaya may lason ang mga tinik na sumabit sa katawan niya?

And maybe... it's a deadly poison?

Dahil kung hindi, bakit naririnig niya ang boses ni Arem?

Goodness! Nagdedeliryo na siya!

Kung anu-ano na lang ang nai-imagine niya.

Like, nakayakap si Arem sa kanya habang nararamdaman niya ang takot at nerbiyos sa malamig nitong boses...

He's even trembling while tightly hugging her.

Anak naman ng...

Is she dying? Already?

Nanghapdi ang mga mata ni Samantha.

Parang ang hirap namang tanggapin na sa ganitong paraan lang siya mawawala. Halos dalawang araw niyang pinaglaruan ang mga lalaking 'yun. Ni wala siyang kagalos-galos. Pagkatapos, narinig niya lang ang boses ni Arem, nawala na siya sa focus?

Is she mental?

"Am I dying? Are you the grim reaper? Bakit magkaboses kayong dalawa ng asawa ko?" Tanong ni Samantha sa mahinang tinig.

The person hugging Samantha stiffened.

"Hah! I'm dying, right?" Mapait na tanong ni Samantha.

Naramdaman na lang ni Samantha ang biglang pagtayo ng taong nakayakap sa kanya.

"McKenzie!"

Humahangos na lumabas ito ng kweba at paulit-ulit na tinawag ang pangalang 'McKenzie'. Nanatiling nakatulala si Samantha. Still depressed. Hindi niya matanggap na mawawala lang siya ng dahil sa wild plants na sumagi sa kanya.

"I'm here!"

"Look at my wife, what happened to her?!"

Napakunot-noo si Samantha.

Nang makalabas siya sa kweba ay tuluyan nang nagliwanag ang buong kapaligiran niya. Noong inupo siya ng lalaking may buhat-buhat sa kanya sa isang folding chair, saka lang siya lumingon dito.

Itinagilid na Samantha ang ulo para mas lalong mapagmasdan ang 'grim reaper' na nasa harapan niya.

As expected, he's ethereally handsome.

"You also look like my husband," nulas sa labing anas ni Samantha.

Hindi niya mapigilan ang sariling kamay nang tumaas iyon at maingat na hinaplos ang mukha ng lalaking nasa harapan. He looked so ethereal. Though he has dark circles under his eyes, hindi iyon nakabawas sa karismang taglay nito.

"What's wrong with her?" Nag-aalalang tanong ni Arem.

Pero sa halip na ang kaibigang doktor ang lumapit, isang may edad na babae ang lumapit kay Samantha at Arem. Tiningnan nito ang mga sugat sa katawan ni Samantha.

"Tama nga ang hinala ko. Sa kanya ang bagay na ito," itinaas ng may edad na babae ang scrunchie na madalas makita ni Arem na nakatali sa buhok ng asawa. "Kailangan lang niyang matulog. Sa loob ng dalawampu't apat na oras, maaaring lagnatin siya at mag-hallucinate. Huwag niyo siyang bigyan ng kahit ano maliban sa tubig. Hindi siya maaaring uminom ng mga tabletang gamot. Walang ibang gamot na pwedeng gamitin sa kanya. Kung hindi siya lalagnatin, mas mabuti. Pero kung sakaling tumaas ang lagnat niya, humingi kayo ng gamot na herbal kay Nana Belen,"

Napakunot-noo si Arem. Who on Earth is that?

Ganoon din ang kaibigan niyang doktor na si McKenzie.

"Totoo po? Hindi ako mamamatay?" Excited na tanong ni Samantha.

The DivorceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon