Chapter 46: A Normal Day

832 45 2
                                    

Matapos ang kasal ay muling bumalik sa dati ang routine ng pamilya. Palaging naiiwanang mag-isa sa bahay si Samantha dahil pumapasok sa eskwela ang triplets habang nagsimula naman sa pagtatrabaho sa jewelry shop si Arem. Si Ginang Aria naman ay nakakuha ng magandang role sa isang telenobela na ipapalabas sa susunod na buwan.

Busy ang lahat maliban kay Samantha na siyang naiwanan sa bahay. Dahil pagd-drawing lang naman ang ginagawa niya, gagawa lang siya
ng jewelry design kapag trip niya. At kung wala naman siya sa mood ay hindi rin siya gagawa. Mas gusto niyang magpunta sa kakahuyan na nasa likuran ng kanilang bahay para bisitahin ang kanyang mga halaman.

Para sa hapunan nila sa gabing iyon ay naisipan niyang magluto ng ginataang langka dahil binigyan siya ng dalawang matanda na madalas niyang makausap habang nagtatanim ang mga ito sa karatig ng kakarampot na lupa ng mga Syquia. Po

Kasama palagi ng dalawang matanda ang magandang apo ng mga ito na unti-unting napalapit kay Samantha dahil napakasipag nito at ni minsan ay hindi niya narinig magreklamo.

Madalas nasa kanila ito kapag wala silang ginagawa sa taniman para samahan si Samantha.

"Wari, umuwi ka na. Magdidilim na," ani Samantha sa dalagita na nagliligpit ng mga ginamit niya sa likuran ng kanilang bahay.

"Tatapusin ko lang po ito ate Sam," anang dalagitang si Himawari saka mabilis na tinapos ang paglilinis na ginagawa. Nang matapos ay nagpunta ito kay Samantha para magpaalam.

Laking gulat ng dalagita noong mag-abot si Samantha sa kanya ng lutong ulam.

"Tinulungan mo ako sa pagkakayod ng niyog kaya ito ang share mo. Heto ang limang kilo ng bigas, iuwi mo na din sa inyo. Saka pambaon mo bukas," mabilis na isinilid ni Samantha ang one hundred pesos sa bulsa ng hindi kaagad nakahumang dalagita.

Napatitig na lang ito sa gulay na nakalagay sa malaking bowl. Punong-puno iyon ng sahog na hipon. Bukod doon, hindi mapigilan ng dalagita ang maging emosyonal ng makita ang bigas.

"A-ate Sam, a-ang d-dami po nito," halos mautal na saan pa ng dalagita.

"Share mo 'tong gulay. Itong bigas at baon naman ay pasasalamat ko dahil simula noong mag-isa na lang ako dito sa bahay palagi mo akong sinasamahan pagkatapos ng klase mo. Isipin mo na lang kung gaano ako kalungkot kung wala ka? Kaya sana nama'y huwag kang magsawang pumunta dito para samahan ako," nakangiting wika ni Samantha saka kinindatan ang dalagita.

Sa totoo lang ay nababawasan ang pagkaburyong niya dahil kay Himawari. Kapag may gusto siyang puntahan ay isinasama niya ito at palagi naman itong game na sumama.

"Thank you ate Sam! Uuwi na po ako!" Masayang nagpaalam ang dalagita dala-dala ang lahat ng ibinigay ni Samantha.

Kumaway lang si Samantha dito.

Nang mawala na ito sa paningin niya ay nagtungo siya sa likuran ng bahay para tingnan ang mga kalat niya sa likuran. Hindi na siya nagulat nang makita niyang napakalinis noon. Nalinis na lahat ni Himawari.

Tumingin sa wall clock si Samantha para tingnan ang oras. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang makitang malapit ng dumating si Arem at mga kapatid nito.

Dahil may ginagawang project sa school ang triplets, late na nakakauwi ang mga ito. Kaya naman hinihintay ni Arem sa paradahan ang tatlo para sabay-sabay na silang umuwi.

Dali-daling nagtungo sa kusina si Samantha. Kumuha siya ng dalawang pot holder at saka kinuha mula sa likuran ng bahay ang gulay na niluto niya ng matagal sa kahoy.

Pagkatapos ay naghain na siya sa lamesa dahil alam niyang anumang sandali ay darating na ang apat.

Nang matapos siya sa paglalagay ng kanin sa bawat pinggan ay may aninong bigla na lang humahangos papalapit sa kanya.

The DivorceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon