Magkasabay na huminto sa paglalakad ang mag-asawang magsasaka noong dumating sila sa malaking gate ng mansyon.
"Dadaanan ko na lang kayo mamaya, Siony," ani Mang Rodeo sa kanyang maybahay na labandera sa mansyon.
Maghapon itong naglalaba doon at ang tanging kapalit lang ay limang kilo ng bigas, tatlong sardinas at dalawang instant noodles.
Tumango naman si Ginang Siony sa sinabi ng asawa. Kahit na nakakapagod ang paglalaba dahil mano-mano niya iyong ginagawa, pinagtitiisang gawin iyong ng may edad na babae.
Gustuhin man ng kanyang mga anak na tumulong, ayaw niyang pumayag dahil ayaw niyang mapahamak ang mga ito.
Ilang kadalagahan na ang nagtrabaho sa mansyon. At halos lahat sila ay pinagsamantalahan ni Antonio Sandoval. Itinataon pa talaga nito na wala ang asawa at mga anak nito sa mansyon bago gawin ang kahayupan.
Lumapit sa female guard si Ginang Siony para sa body check.
Nang matapos ay kaagad siyang nagtungo sa likod ng mansion para magsimula na sa kanyang paglalaba.
"Maaga ka ngayon," nakangiting bati ng katulong ng mga Sandoval.
"Oo. Para makatapos ako kaagad," kaswal na sagot ni Ginang Siony sa katulong.
Ayaw niyang makisalamuha dito. Dahil kahit na gaano pa katamis ang ngiti na ipinapakita nito, alam ni Ginang Siony kung gaano kahaba ang sungay nito. Para sa pera, nakahanda itong pagtakpan ang mga salbaheng amo.
Nagtungo sa labahan si Ginang Siony. Mula sa laundry room ay ilalabas niya ang mga damit na inipon doon ng katulong na si Mildred. Sampung naglalakihang basket ang nasa loob ng laundry room.
Isa-isang inilabas ng ginang ang mga laundry basket.
Noong panghuling basket na ang kinuha niya, hindi inaasahang nalaglag sa sahig ang ilang medyas na nakalagay doon at nahulog sa ilalim ng lumang lamesa na nakatambak lamang sa silid at nagsisilbing tupian ni Ginang Siony.
Naiiling na yumuko ang ginang para kunin ang medyas. Inangat niya ang mahabang table cloth para lang magulat sa nakita.
Hindi lang medyas ang naroon!
May isang babae ding nakasiksik sa ilalim ng lamesa at kitang-kita ang takot sa mga mata nito. Wala itong saplot sa katawan at sa tantiya ni Ginang Siony ay nasa disi-siete o disi-otso lang ang edad nito.
Nanginginig ang katawan na isiniksik pa nito ang sarili sa sulok ng lamesa.
Sumenyas si Ginang Siony na huwag itong maingay. Saka lang nabawasan ang panginginig ng babae.
"Siony,"
Mabilis na ibinaba ni Aling Siony ang table cloth. Mariin siyang pumikit at pilit na pinapakalma ang sarili.
"Bakit ang tagal mo?" Tanong ng katulong. Sumilip ito sa loob at pinagtaasan lang nito ng kilay si Aling Siony nang makita nitong nagkalat sa sahig ang maruruming damit.
"Nawalan ako ng balanse. Natalapid ako ito sa basket. Hindi ko inaasahan na mabigat pala,"
"Tsk. Hindi ka na naman siguro kumain sa inyo, ano? Hay naku, Siony. Wala akong maipapakain sa'yo. Hala, maglaba ka na doon at kailangan nila Ma'am ang damit. Pupunta silang Canada bukas ng umaga," utos ng katulong na para bang ito ang amo ni Ginang Siony.
Tahimik na dinampot na lang ni Aling Siony ang mga damit na sadyang ihinulog niya. Nang matapos ay dinala niya iyon sa labahan at nagsimula na siyang maglaba.
Habang naglalaba ay hindi niya maiwasan na isipin ang dalagang nasa ilalim ng lamesa. Isa rin ba ito sa mga biktima ni Antonio Sandoval?
Mariing ikinuyom ng ginang ang kanyang mga kamao. Dapat talaga, makaalis na sila sa lugar na iyon. Kahit na gumapang pa sila sa kahirapan pagpunta nila sa Siudad, okay lang. Basta walang demonyong kagaya ni Antonio Sandoval na sisira sa kinabukasan ng kanyang mga anak.
BINABASA MO ANG
The Divorce
Non-FictionIn her past life, Samantha died at the hands of the person she trusted the most. Though he didn't kill her directly, he was the reason for her early demise. Upon waking up, Samantha promised to live her second life without regret. But first, she mus...