To chucker_23 & McWriters0 thank you so much 🥰
*****
Mabilis na kumaripas ng takbo si Arya dala-dala ang mga baunan ni Samantha. "Takbo ate, bilis! " Hiyaw pa ng dalagita.
Natatawang sumunod si Samantha kay Arya. Ito ang unang pagkakataon na umulan ng malakas after her rebirth. Noong unang beses na umambon pagkagaling nila sa Barangay Hall noon, hindi naman na iyon lumakas. Kaya ito ang unang pagkakataon na muling narinig at makita ni Samantha ang malakas na dagundong ng kulog at ang nangangalit na kidlat sa kalangitan.
Lakad takbo ang ginawa ng dalaga paalis sa bukid kung saan maghapon siyang nagtanim. Dahil wala sa mood gumawa ng designs ay inubos na lang ni Samantha ang oras sa pagtatanim ng mga gulay.
Noong mas lumakas ang pagbuhos ng ulan ay mabilis na ring tumakbo ang dalaga. Pero kahit na gaano pa kabilis ang pagtakbong ginawa niya, dahil sa lakas ng ulan ay basang-basa na si Samantha noong makarating sa bahay.
"Maligo na tayo, ate,"
Hindi naman nagpatumpik-tumpik pa si Samantha. Walang pagdadalawang-isip na sumalok ito ng tubig mula sa malaking batya na tinungga na ni Arya. Nagpagawa na rin ng poso si Samantha para hindi na nakikiigib sa ibang bahay sina Ariston at Arthur. Tuwang-tuwa ang dalawang binatilyo noong umuwi galing sa school at makitang may sarili na silang poso.
Doon na rin nagsabon at nagbanlaw ang dalaga. Noong matapos siya, si Arya naman ang ipinagtungga niya ng tubig na gagamitin nito. After 30 mins ay nakatapos silang dalawa sa paliligo.
Akmang papasok na sila sa loob ng bahay habang nakasuot ng basa nilang damit pero sinalubong na sila kaagad ni Ginang Aria.
"Doon na kayo sa banyo magbihis. Pinakialam ko na ang mga damitan niyo ha,"
Napatitig si Samantha sa damit na ibinigay ng mother-in-law niya. It's the v-neck ruffle trim sleeveless floral dress na may slit sa gilid. Hindi iyon pambahay, at mas lalong hindi rin iyon pangtulog.
Maang na napatitig si Samantha kay Arya.
Kung naguguluhan si Samantha, kitang-kita rin ng dalaga na naguguluhan din ang dalagita. Walang imik na iniladlad ni Arya ang mint green chiffon dress na para naman sa kanya.
"Mukhang babagyo pa naman tapos pagsusuutin tayo ni mama ng ganitong dress, ate? Iti-treat niya ba tayo sa labas?" Naguguluhang tanong pa ng dalagita.
Hindi malaman ni Samantha ang isasagot kaya ang tanging nasabi na lang niya ay isuot na lang nila ang damit. Nilalamig na rin sila at basang-basa ang mga suot nila.
Bukod sa damit ay may kasama din iyong suklay, moisturizer at lip tint, head band at hair clips.
"Iba talaga ang pakiramdam ko ate, parang bigla naman akong kinabahan," mahinang bulong ni Arya. Kahit hindi naman sanay ang dalagita na maglagay ng kung anu-ano sa mukha, since nilagyan na siya ng moisturizer ng ate Sam niya, pinabayaan niya na lamang ito.
Ito rin ang naglagay ng kaunting lip tint sa labi niyang natural na mamula-mula. Pagkatapos ayusan ng kaunti si Arya ay inayusan naman ni Samantha ang sarili.
Dahil madalas siyang isama ng mag-asawang dela Vega sa mga parties, nakasanayan na ni Samantha ang mag-ayos noong high school pa man siya. Even after her rebirth, hindi niya nakakalimutan ang bagay na iyon dahil halos normal na araw na lang ang pag-aayos sa mansyon ng mga dela Vega.
Hindi siya pwedeng lumabas na mukhang bruha o mukhang pinabayaan ng parents niya dahil babalik sa mga ito ang mga negative comments na ibibigay sa kanya ng mga taong nagmamasid.
BINABASA MO ANG
The Divorce
Non-FictionIn her past life, Samantha died at the hands of the person she trusted the most. Though he didn't kill her directly, he was the reason for her early demise. Upon waking up, Samantha promised to live her second life without regret. But first, she mus...