Nakangiting tinanggap ni Samantha ang mga regalo na inabot sa kanila ni Shopkeeper Magtanggol at ng mga kaklase ng triplets. Maging ang City Mayor ay nag-iwan ng regalo bago ito umalis.
"Okay everyone, let's eat!" Masayang inaya ni Samantha ang lahat.
Siyempre, iyon ang pinakagusto niyang parte.
Masayang nagtungo ang lahat sa dalawang mahabang table na pinagdugtong. Maayos na nakahilera ang mga pagkain na inorder ni Samantha at Arya kahapon. Lahat ng iyon ay mga gusto nila.
"Ate, 'yung cake muna. Kailangan niyong magsubuan ni kuya ng cake,"
Ani Arya na kaagad namang sinang-ayunan ni Samantha.
Kumuha siya ng isang maliit na slice saka isinubo kay Arem ang unang gayat na kinuha niya gamit ang kutsara.
Sandaling napatitig si Arem sa babaeng kaharap. Napaka-normal ng bawat kilos nito na para ang ilang beses na itong ikinasal dahil parang praktisado ang bawat galaw nito.
Napakunot noo si Arem.
Pero kaagad naman niyang kinain ang cake na nakahain sa harap ng kanyang bibig.
Matapos itong subuan ay ibinigay ni Samantha ang maliit na platito na naglalaman ng cake dito. Gamit ang kutsarang ginamit niya sa pagsubo, kinuha ni Arem ang natitirang piraso ng cake sa platito saka iyon isinubo kay Samantha.
At wala ulit narinig na kahit anong reklamo si Arem sa kanyang asawa.
Isinubo lang nito ang pagkain na para bang wala itong pakialam kahit na siya pa ang naunang gumamit ng kutsara.
Ganito rin ba siya sa iba?
Arem quietly swallowed his dissatisfaction.
What can he do?
What authority does he have to express his opinions?
"Ate may bisita kayo,"
Mula sa pagpapak ng icing ay nag-angat ng paningin si Samantha.
Lumingon siya kay Arem, nagtatanong ang mga mata.
"I invited some of my friends. But I'm not sure if they'll come," seryosong sabi ni Arem.
At sinong loko ang pupunta sa kasal niya ng hindi niya iniimbitahan? Sinabi niya lang na may inimbitahan siya pero wala talaga. Knowing his buddies, they're all gossipmongers.
"Hmmm, parang alam ko na kung sino," ani Samantha.
She licked the frosting from her mouth nonchalantly. Arem felt his throat tighten while looking at Samanths. His eyes darkened.
This woman!
"C'mon, let's welcome our visitors," nakangiting hinila ni Samantha si Arem na napatingin na lang sa lapastangang kamay ng babae habang hinihila siya papunta sa harapan ng kanilang bahay
Oh, right.
Kamay nga pala 'to ng asawa niya.
Surprisingly, he doesn't feel repulsed by her soft small hands.
"You guys, please entertain our visitors. Kami na ang bahala sa mga bagong dating. Pakainin niyo na muna sila sa likuran ng bahay," bilin pa ni Samantha sa triplets.
Inilagay niya talaga ang venue ng pagkain sa likuran kung saan walang ibang tao na makakakita noon. Dahil hindi naman sila nag-imbita ng marami, ayaw ipangalandakan ni Samantha na may nangyayaring handaan sa bahay nila.
Mahirap na. Uso pa naman sa ibang parte ng probinsya ang magpunta sa handaan kahit hindi invited.
Ano na lang ang matitira sa kanila?
BINABASA MO ANG
The Divorce
Non-FictionIn her past life, Samantha died at the hands of the person she trusted the most. Though he didn't kill her directly, he was the reason for her early demise. Upon waking up, Samantha promised to live her second life without regret. But first, she mus...