Sumandal sa pader si Samantha habang nakaupo sa magaspang na sahig. Kanina pa man ay alam na niya kung ano ang iniisip ng lalaking unti-unti ng nagdidilim ang mukha. Pero pinabayaan niya lang ito na isipin kung ano man ang gusto nitong isipin.
She doesn't care.
All she wanted was to retire early, buy a small house, build her garden, grow vegetables, and live peacefully with her cat and dog.
Yes, she will buy a male cat and a male dog.
That way, may companion naman siya sa buhay.
Hmm, ano pa ba?
Dapat din pala siyang bumili ng sasakyan para may service siya sa tuwing mamimili ng stocks.
Napahalukipkip ang dalaga.
Habang palihim siyang nagdi-daydream, napatitig siya sa lalaking nakatikom ang bibig habang nakatitig din sa kanya.
He seemed vigilant.
"Ahem," mahinang tumikhim si Samantha.
Nanatiling tikom ang bibig ng lalaki habang nakatitig kay Samantha na para bang binabalaan ng tingin nito ang dalaga na umakto ng naayon sa tama.
Nagkibit-balikat si Samantha. It's not the first time na makakita siya ng gwapo okay? Hindi naman siya hayok sa laman para pagsamantalahan ito. And besides she's the girl. Kung may mangyayari man sa kanila, siya ang nasa disadvantage at hindi ito. Tsk.
"You're handsome, yes..." Panimula ni Samantha sa tinig na kaswal.
"But..." Samantha narrowed her eyes and gave him a thorough look from the top of his head down to his toes.
"Don't get me wrong. I don't have any ill intention. Swear!" Itinaas pa ni Samantha ang kanang kamay niya na para bang nanunumpa.
Nanatiling walang kibo si Arem.
"Well, you're handsome, yes, but considering your situation right now, I think you're not a good candidate for a husband. But then, I would like to propose a deal with you." Seryosong wika ni Samantha. "Don't give me that look, okay? I'm not interested with your body," ani Samantha na hindi na nagpaligoy-ligoy pa.
Hindi niya talaga kayang tagalan ang tinging ibinibigay sa kanya ng lalaking 'to. Na para bang isa siyang mapagsamantalang nilalang.
Naghikab si Samantha.
Tch. Oras na ng tulog niya pero dahil gusto niyang liwanagin ang lahat sa lalaking 'to, kalahating oras na niyang pinipigilan ang antok niya.
Arem gazed at the woman in front of him. Her laid-back attitude made him frown and furrowed his forehead.
Indeed, he cannot understand this person at all.
At first, he thought that she wanted to do something immoral. But after staying inside the room for half an hour, nothing out of the norm happened.
And this woman didn't look at him like the other women did.
"Proposal...huh,"
Tiningnan lang ni Samantha ang lalaki. Hinintay niya na magsalita ito.
"Alright, let me hear it,"
Umupo ng tuwid si Samantha. Ito ang mga salitang ilang buwan na niya inaasam-asam na marinig! Sa wakas!
Excited na tumayo ang dalaga at naupo sa tabi ni Arem. Ang lawak ng pagkakangiti nito na para bang tinamaan nito ang mega jackpot sa lotto.
Hindi naman mapigilan ni Arem ang mapakunot-noo. Is he right after all? This woman is a bad news!
BINABASA MO ANG
The Divorce
Non-FictionIn her past life, Samantha died at the hands of the person she trusted the most. Though he didn't kill her directly, he was the reason for her early demise. Upon waking up, Samantha promised to live her second life without regret. But first, she mus...