Chapter 9: Wrong Script

847 33 0
                                    

Hindi inaasahan ni Samantha ang tanong na iyon ni Arya.

"H-hindi mo kami pinandidirian, hindi ba ate Sam?" ulit na tanong ng dalagita sa kinakabahang tono. May kasamang takot at pangamba ang tingin na ibinibigay nito sa dalaga.

Namumula na ang mga mata ng dalagita at nanginginig ang dalawang kamay na nakahawak sa tasa.

"No," Samantha said firmly.

Doon na tumulo ang mga luha ng dalagita.

"H-hey..."

Napalunok si Samantha. Hindi niya inaasahan na biglang iiyak ang dalagita.

"T-thank you! Thank you ate Sam!"

Pakiramdam ni Samantha ay may bagay na sumasakal sa puso niya ng mga sandaling 'yun. Pinakitaan niya lang ang mga ito ng kaunting kabaitan, at dahil nagsabi siyang hindi siya aalis, naiyak na ito.

Samantha bit her lower lip.

Oo, hindi siya aalis sa ngayon.

Pero walang nakakaalam kung anong mangyayari sa hinaharap.

"Mula po noong pinaalis nila si yaya Loleng, wala na pong gustong makinig sa amin. Iniiwasan po kami ng lahat na para bang may nakakahawa at nakakatakot kaming sakit. Pero okay lang.  Nasanay na po kami," mahinang wika ni Arya "Okay lang naman po kahit na hindi kami kilalanin ng mga Syquia, ate Sam. Okay lang kahit ganito ang bahay namin. Ang gusto lang namin ay makasama si kuya kahit minsan. Dahil feeling ko, iyon po ang makakapagpagaling kay mama. Love na love kase niya si kuya eh. Ang pinakahinihiling lang naman po namin ay makitang bumuti po ang kalagayan ni mama," sunod-sunod na tumulo ang luha mula sa mga mata ni Arya. "K-kapag may hindi ka gusto sa amin ate, sabihin mo lang po. Aayusin po namin. Mas gusto ka namin para kay kuya Arem. Hindi ka maarte at hindi ka rin nandidiri sa amin," emosyonal na sabi pa ng dalagita.

Huminga ng malalim si Samantha.

Hindi niya talaga inaasahan na ganitong sitwasyon ang maaabutan niya. Pakiramdam ng dalaga ay maling script talaga ang ibinigay ng direktor sa kanya.

Naghanda pa naman siya ng maraming pasensiya at pang-unawa. Para kung away-awayin man siya ng kanyang mother-in-law, at least, marami siyang baong pasensiya.

Tsk.

Where on Earth did this script come from?!

Napabuga sa hangin si Samanta.

Pero dahil nandito na siya sa sitwasyong 'to, wala naman siyang ibang choice kung hindi ang tanggapin iyon. At least, Daureen will not have to handle this kind of drama in her life. Mas mabuti nang nandoon ito sa sariling mga magulang. At siya, bilang sanay naman na siya sa kahirapan ng buhay, na-train na rin niya ang sarili kung paano ang mag-isa, maning-mani na lang para kay Samantha ang ganitong uri ng pamumuhay.

Samantha taps her fingers on the table.

Hindi mapigilan ng dalaga na balikan sa isipan ang pamilya ni Helda.

Sa hilatsa pa lang ng pagmumukha ni Ginang Helda, malakas na ang pakiramdaman ni Samantha na hindi ito basta-bastang kontrabida. Palagay ng dalaga ay hindi kakayanin ni Daureen na masyadong mabait katulad ng mommy nito ang isang kagaya ni Ginang Helda na marunong magpaikot ng mga tao.

Habang siya, bukod sa naranasan na niyang matulog ng ilang buwan sa kalye. Hindi maligo at hindi rin kumain ng tama sa oras, kayang-kaya niya rin makipagbasagan ng bungo. Kung pisikal na labanan, hinding-hindi magpapatalo si Samantha sa mga ito. At kung verbal naman, paniguradong hindi rin uubra ang mga ito sa kanya. Pero kung tusuhan ang labanan, malakas ang kompiyansa ni Samantha sa sariling kakayanan.

The DivorceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon