Chapter 63: The Allejo Family

655 29 2
                                    

Maingat na ibinalik ni Samantha ang binder notebook sa secret drawer na nakalagay sa mamahaling kahoy na bed frame. Siguro tinutulungan siya ng kalangitan kaya hindi inaasahang natuklasan niya ang tungkol sa sekretong iyon.

Balak niyang basahin ulit iyon mamaya. She wanted to know more about Samuella. About her life and experiences.

Nang matiyak niya na maayos na ang pagkakalagay noon ay nagtungo sa banyo si Samantha. Naghilamos siya at nagpalit ng damit ni Samuella.

Pagkatapos ay nagtungo siya sa kama. Kinuha niya ang lahat ng mga ibinigay na impormasyon ni Ren sa kanya bago sila naghiwalay kanina. Kung kahapon ay pahapyaw niya lang na binasa ang impormasyon patungkol sa mga kapatid at pinsan ni Samuella, ngayon ay isa-isa niyang kinilala ang mga ito.

Hindi siya papayag na kontrolin pa rin ng mga ito si Samuella. Lalo na at natuklasan na niya ang katotohanan. Hindi siya papayag na apihin pa ng mga ito ang kapatid niya. Now that she's here, she wanted to share her sister's burden and pain. Hindi pwedeng sinosolo nito ang lahat.

Although Samuella looks cold and aloof on the outside, Samantha can tell that she's a softie.

Samantha gazed fondly at the picture of her twin sister, Samuella, and felt her heart swell with warmth. After her rebirth, she had been contented with the thought of buying a small piece of land, building her villa, and enjoying the peace of her own company.

But now seeing her sister's face that looked so much like hers stirred something deep within Samantha.

Suddenly, she felt a longing to connect with her sister, to learn more about her, and to spend time with her. She realized that she had been missing out on the joy of having a family. She wanted to be a part of Samuella's life and to share her experiences.

Marahang hinaplos ni Samantha ang higaan ni Samuella.

The thought of having a sister to confide in, to laugh with, and to create memories with filled Samantha with a sense of excitement and happiness that she had never known before. She knew that her life was about to change in the best possible way, and she couldn't wait to start this new chapter with her sister by her side. She smiled happily. A sister, huh?

Huminga ng malalim si Samantha. Pilit na pinapakalma ang nai-excite na sarili. Muli niyang pinag-aralan ang mga impormasyon na ibinigay ni Ren.

May dalawang anak ang mga magulang na kinikilala ni Samuella. The 32 years old Markus and the 23 years old Margarita. Lihim na napakunot-noo si Samantha. That Margarita looked older than her but she's only 23? Napailing na lang si Samantha, hindi makapaniwala dahil sa natuklasan.

Muli niyang sinipat ang listahan.

May apat anak ang lolo ni Samuella. Ang kinikilala niyang ama na si Mason na ang asawa ay si Rosita, ang pangalawang anak na si Mara at asawa nitong si Ronald Thompson-may tatlo silang anak, ang panganay na si Enrique-27 years old, ang pangalawang si Jasmine na 20 years old at ang bunsong si Dylan na 15 years old, ang pangatlong anak na lalaki na walang kahit na anong impormasyon at ang bunsong anak na babae na si Mira na may apat na anak sa asawang si Julius Montano na sila Juvy Mark-28, Mirabelle-25, Moises-23 at Moira-16 years old.

Mabilis na natandaan ni Samantha ang mukha ng mga ito maging ang mga impormasyon na kalakip noon.

Ayon pa sa impormasyon, tanging ang 15 years old na si Dylan at 16 years old na si Moira lang ang nakikipag-usap kay Samuella. Ang ibang mga pinsan niya na kalapit niya ang edad ay walang pakialam sa dalaga. Maging ang mga lalaki niyang pinsan ay mas mataas din ang interes sa mana kesa sa kanya.

"Miss?"

Kaagad na itinago ni Samantha ang folder sa ilalim ng unan nang makarinig siya ng sunod-sunod na pagkatok sa may pintuan. Pero hindi pa siya nakampante kaya naman tinakpan niya iyon ng comforter.

The DivorceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon