Chapter 6: Bargaining Chip

867 33 0
                                    

Dinampot ni Samantha ang walis tambo na nakita niyang nakatayo sa may gilid ng magaspang na pader. Marahan niyang ipinalo ang handle ng tambo sa kanyang palad. Nang masiguro niyang matibay iyon, humarap siya kay Pepito na bigla na lang pinagpawisan ng malamig.

Dahan-dahang lumapit si Samantha dito. "Kapag sumigaw ka, itong handle ng walis ang isasalaksak ko diyan sa bibig mo," banta ni Samantha na halos ikatumba ng matabang si Pepita dahil sa nararamdamang nerbiyos.

Noong inalis ni Samantha ang nakapasak na panyo sa loob ng bibig ni Pepita, kaagad na itinikom ng matabang babae ang sarili niyang bibig sa takot na baka palitan nga ang panyo ng handle ng walis tambo.

"Unang tanong, nandito ka para bantayan sila, hindi ba?" seryosong tanong ni Samantha.

Hindi niya pinansin ang tatlong nilalang na nagsiksikan sa isang sulok habang nanlalaki ang mga mata at tahimik na nanunuod sa mga kaganapan.

Sunod-sunod na tumango si Pepita. "O-opo! Opo!"

"Good. Pangalawang tanong, katulong ka lang sa mansyon ng mga Syquia, hindi ba?"

Sunod-sunod ulit na tumango ang matabang babae. "O-opo," utal na sagot ni Pepita. Kahit ang matatabang tuhod niya ay nanginginig na rin.

Hindi lang siya natatakot sa hawak na walis ni Samantha. Mas natatakot siya sa paraan ng pagtitig nito na para bang tinititigan maging ang kaluluwa niya.

"Pangatlong tanong, inutos ba sa'yo ni Helda Syquia na abusuhin at saktan mo ang mga pamangkin niya?"

Nanlaki ang mga mata ng matabang babae.

"Alam ba ng mother-in-law ko na sinasaktan mo ang tatlo?" Malamig na tanong pa ni Samantha.

"Alam ba ng fiance' ko na sinasaktan mo ang mga kapatid niya?"

Unti-unting nawalan ng kulay ang mukha ng matabang babae.

"Sinasaktan mo sila dahil alam mong walang sisita sa'yo hindi ba? Dahil alam mong hindi magsusumbong ang mga bata at dahil nga ikaw naman ang batas dito," nakangising sambit pa ni Samantha.

Habang pinagtatagni-tagni niya ang mga bagay-bagay ay mas lalong kumukulo ang dugo ni Samantha. Hindi niya inaasahan na ganitong uri ng pang-aabuso ang unang-una niyang makikita after her rebirth.

"Kung nandito ka dahil inutusan ka ni Helda Syquia para saktan at bugbugin ang mga pamangkin niya, pwede kayong kasuhan ng child abuse. K.A.Y.O," pagdidiin ni Samantha. "Magkasabwat kayo. Siya bilang tagautos at ikaw bilang tagasunod,"

Napalunok si Pepita.

Unti-unti na siyang nakakaramdam ng takot dahil sa pinagsasasabi ng babaeng kaharap.

"Kahit na kaya nilang bayaran ang korte dahil sa dami ng pera nila, pwedeng masira ang reputasyon nila oras na makaladkad sa kaso ang pangalan nila, at ikaw naman, syempre dahil katulong ka lang, kahit na sabihin mong ikaw ang pinagkakatiwalaan ni Helda Syquia, sa palagay mo ba ipatatanggol ka niya sa harapan ng mga pulis and worst sa harap ng korte?"

Samantha looked at the fat lady coldly. She's not expecting this kind of situation at all. Ang inaasahan niya ay ang senaryong aapihin siya ng kanyang mother-in-law dahil hindi siya nito tanggap or ang sitwasyon na ib-bully siya ng kanyang sister or brother-in-law dahil hindi siya katanggap-tanggap bilang isang sister-in-law.

Pero ang sitwasyon na ganito?

Kahit kailan ay hindi naranasan ni Samantha ang masaktan ng mga katulong lalo na sa sariling pamamahay. Kahit na sabihin pang hindi siya tunay na anak ng mga dela Vega, hindi niya naranasan kahit na kailan ang maltratuhin sa sariling pamamahay ng kanyang foster parents.

The DivorceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon