Chapter 49: Negative And Positive Emotions

799 45 10
                                    

Napabalikwas ng bangon si Samantha nang magising.

"Arem?"

Hindik na tawag niya.

"Arem?"

Kinakabahan na tawag niya ulit.

Ang natatandaan niya ay may importante silang pinag-usapan kagabi. Pero nawala na sa isip niya iyon dahil sobrang antok na antok siya. Siguro dahil ilang araw din siyang nagpuyat kagagawa ng mga designs na pwedeng ilaban sa kompetisyon na gaganapin pa sa ibang bansa.

Of course, she has to give her best shot.

She wanted to win lalo na at sarili niyang gawa ang kalaban niya. That dog Kian won in her previous life using her own ideas.

She watched him giving a victory speech while she's living on the street like a rat. No, a rat is living more comfortably than her. At least it knows where to get food while she's starving to death.

She watched him on the big LED Billboard screen na para bang sinadyang ipinapanuod sa kanya ng kapalaran ang hayagang pagtataksil sa kanya ng taong pinagkatiwalaan niya ng lubos. At that moment, Samantha felt how unfair the heavens were. Paulit-ulit na ipinatikim sa kanya kung gaano kapait ang buhay.

Huminga ng malalim si Samantha.

"A-arem? P-prank ba 'to?" Kinakabahan na tanong pa rin niya.

Alam niyang palaging moody at malamig makitungo ang magaling niyang asawa, kaya naman pilit niyang inaalala kung ano pa ba ang pinag-usapan nilang dalawa kagabi dahil pati ba naman sa panaginip ay pinapaalalahanan siya nito tungkol sa pinag-usapan nilang dalawa.

Mali-late na daw ito sa flight. Pero ano namang kasalanan ko kung mali-late siya? Hindi naman ako ang eroplano.

Samantha's brain is working fast. She's thinking about how to apologize properly.

Nag-aalalang inilibot ni Samantha ang kanyang paningin sa kwarto pero napatili na lang siya noong makita ang kabuuan noon.

"Where am I?!" Takot na tanong niya. Isiniksik ang sarili sa mamahaling sofa.

Ipinatapon na ba siya ng magaling niyang asawa? Pero saan?

Malakas ang kabog ng dibdib na inilibot ni Samantha ang kanyang paningin sa paligid. Kanino naman kayang opisina 'to?

Kalma Samantha. Ikalma mo!

Mariing pumikit si Samantha saka iyon paulit-ulit na ipinaalala sa sarili.

Nang unti-unting kumalma ang sistema niya, unti-unti niya ring naalala ang mukha ni Arem kanina at kung paano nito tinapik ang ulo niya.

Oh my!

Umupo ng tuwid si Samantha. Paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan kung gaano ka-gentle makipag-usap sa kanya ang supladong asawa.

I think I need to go to the hospital to have my brain checked.

Huminga ng malalim si Samantha. Ang natatandaan niya pa sa sinabi ni Arem ay matulog daw siya sa opisina nito.

Opisina?

May sarili itong opisina?

Maang na inilibot ni Samantha ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Hindi iyon kalakihan pero malinis at maayos iyon tingnan.

Dahan-dahang tumayo si Samantha. Nagtungo siya sa lamesa at isa-isa niyang tiningnan ang mga gamit na naroon na mukhang mamahalin. Unang lumapit si Samantha sa mahabang table kung saan may mga bagay na maayos na nakahilera.

There's a digital scale for precise measurements, and a gold testing kit to determine purity, a jeweler's loupe for close examination. Katabi noon ang iba't-ibang uri pa ng microscope at scales para sa mga alahas.

The DivorceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon