"Lala!"
Sabay-sabay na napalingon ang tatlong babae sa humahangos na si Ren.
Hindi maipinta ang mukha nito at para bang nagising ito na hindi maganda ang naging pagtulog.
"O? What happened to you?" Nagtatakang tanong ni Samantha sa assistant ni Samuella.
"You cannot do the folk dance anymore!" Gigil na bulalas ni Ren. Kitang-kita ang inis at kinikimkim na galit sa tinig nito.
Huling araw na nila iyon sa Baryo. At bilang pagtatapos ang lahat ng mga grupo ay magp-perform bilang regalo sa mga simpleng mamamayan na naroon.
Bago ang naturang variety show, isa-isa nang sinabihan ang bawat participants sa kanilang gagawing performance sa pagtatapos ng show. At natapat kay Samuella ang folk dance na Pandanggo sa Ilaw.
Hindi talaga porte ni Samantha ang pagsayaw, pero kung pagpa-practice-an niya, kaya niya namang itawid ang nasabing dance performance. With her sharp memory and eagerness to learn, nothing is imposible.
Kaya naman sa unang araw pa lang ni Samantha sa show na iyon ay nag-practice na silang tatlo na magkakasama sa iisang grupo. Noong una ay hindi nakikisabay si Samantha. Pinapanuod niya lang si Ginang Aria at Ginang Elena sa pagsayaw na ginagawa ng mga ito at nang masaulo na ni Samantha ang dance steps ay saka pa lamang siya sumabay sa pagpa-practice ng dalawa. Walang kamalay-malay ang mga ito na on the spot ang ginawang pagpa-practice ni Samantha.
Dahil nasaulo niya kaagad ang step, siya na ang madalas magpaalala sa dalawa kung ano ang dapat maunang galaw. Tuwang-tuwa ang dalawang ginang dahil mabilis din nilang natapos ang bawat practice na kakaunti lang ang mali.
At pagkatapos ngayon, ibabalita sa kanila na hindi na nila pwedeng i-perform ang folk dance na pinaghirapan nilang i-practice?
"Bakit daw?" Nakakunot-noong tanong ni Samantha.
Sa mga sandaling iyon, iisang tao lang ang naiisip niyang salarin.
"Because of your cousin!" Bulalas ni Ren na kulang na lang ay ipadyak ang mga paa nito. "She stole your task!"
Samantha massage her temple. Sinasabi na nga ba niya. Noong unang araw pa lang na nagpa-practice sila, duda na siya sa tingin at ngiting ipinapakita ng bruhang iyon.
"A-anong nangyari? Hindi ba at si Direk ang nagbigay ng bawat task?" Tanong ni Ginang Elena na hindi mapigilang makaramdam ng bahagyang pagkainis.
Hindi niya lubos-akalain na may ganoong ugali pala ang direktor na pinagkatiwalaan at hinangaan despite her young age.
"Galit na galit nga po si Direk. Pero pinagbantaan kase siya ng isa sa mga sponsor na aalisin daw nila ang first prize na ipinangako nila kapag hindi ibinigay sa team nila Mirabelle ang folk dance. That ugly b|tch!" Gigil na bulalas ni Ren.
Napakagat-labi na lang si Samantha.
Sila ang panghuling magp-perform. At hindi naman pwedeng dalawang grupo ang magp-perform ng isang task.
"Anong original na task nila Mirabelle?" Curious na tanong ni Samantha.
"Singing,"
Singing...
"You don't know how to sing right?" Nakangiwing tanong ni Ren.
Of course, she knew that Samuella cannot sing. Kaya nga pagsasayaw ang napili nilang task. Pero ganoon din ba ang double ni Samuella? Hindi rin ba ito marunong kumanta?
"Kung kakanta kami, paano ang mga instruments?" Tanong ulit ni Ssmantha.
Buong isang linggo ay ipinakita niya sa dalawang ginang kung gaano siya kawalang-silbi. Kaya gusto niya sanang bumawi sa dalawa ngayong magtatapos na ang variety show. Ni hindi man lang nanalo sa kahit anong challenge ang grupo niya.
BINABASA MO ANG
The Divorce
Non-FictionIn her past life, Samantha died at the hands of the person she trusted the most. Though he didn't kill her directly, he was the reason for her early demise. Upon waking up, Samantha promised to live her second life without regret. But first, she mus...