Walang pagmamadali na bumaba sa malaking pier si Samantha. Chill na chill lang siya. Makalipas ang mahabang byahe, nakarating din siya sa San Leonardo. Ito ang bayang kinalakhan ni Daureen.
Huminga ng malalim si Samantha. Sinamyo niya ang sariwang simoy ng hangin na may kasamang amoy ng dagat.
Napatingin siya sa kawalan at sa kanyang puso at isipan ay taimtim na pinasalamatan ang mga magulang na nagpalaki sa kanya. Na bagaman pakiramdam niya ay kulang pa rin siya, hindi naman siya pinabayaan ng mga ito. Pinalaki pa rin siya ng maayos at hindi kinulang sa atensyon na dapat ibigay ng isang magulang sa anak. Maging sa mga materyal na bagay ay hindi rin siya pinagkaitan ng mag-asawa. At labis iyong ipinagpapasalamat ni Samantha.
Matapos kausapin ni Samantha ang mag-asawa kagabi maging ang anak ng mga ito na si Daureen ay kaagad na siyang umalis sa mansion. Ni hindi na nagpahatid pa si Samantha sa pier kung saan siya sasakay ng barko papuntang San Leonardo. Humingi lang siya ng guide kay Daureen na noong una ay atubili pang ibigay.
Gamit ang de keypad na cellphone ay tinawagan ni Samantha ang contact number na may nakalagay na pangalang 'mama'. Sa panghuling ring pa sumagot ang nilalang sa kabilang linya.
["Ano? Bakit tatawag-tawag ka pa?! Hindi ba dapat ay nandito ka na? Bakit ang tagal-tagal mo? Darating na ang mga Syquia dito!"] Bulyaw na bungad kaagad ng babaeng sumagot.
Umigkas lang ang kilay ni Samantha, pero hindi niya pinatulan ang babae. Sa ngayon, hindi pa. Huminga ng malalim ang dalaga. Ihinahanda na niya ang kanyang sarili para sa pagdadrama na kanyang gagawin.
"Ma," tawag ni Samantha gamit ang naiiyak na tinig.
["..."]
"Ma, hindi ko po alam ang pauwi diyan. Kailangan niyo akong sunduin dito sa pier," dagdag na sabi pa ng dalaga na mas pinalungkot pa ang tinig.
["Sino ka?"]
"Ma, ako po ito si Samantha. Natagpuan na si Daureen ng tunay niyang mga magulang. Nagpa-DNA kaming lahat kahapon at natuklasan nilang si Daureen ang anak nila. Kaya pinababalik nila ako sa saya ng nanay ko," sagot ni Samantha gamit ang tono na tila ba batang nagsusumbong.
Ano bang laban ng mga ito sa DNA test?
Lalo na at aware pa ang mga ito na hindi naman talaga nila tunay na anak si Daureen. Malakas ang kutob ni Samantha na hindi siya ipagtatabuyan ng mga ito.
["..."]
"Mama, hindi niyo po ako pwedeng itanggi. Kung hindi niyo po ako anak, sino po ang mga magulang ko? Bakit nasa bahay po ako ng mga dela Vega? Saan na po ako pupunta ngayong bumalik na doon ang tunay nilang anak? Ma? Mama? Hindi mo po ako pwedeng iwanan sa ere ma," garalgal na ang tinig na wika ni Samantha.
Kailangan niyang galingan ang pagdadrama para mas maganda ang emotional damage na gagawin noon sa isipan ng ginang na nasa kabilang linya.
"Ayaw ko po sanang bumalik dito, pero sabi nila ipapapulis daw nila ako at kayo. Bakit niyo daw po itinago ang anak nila sa loob ng dalawampung taon. Ma, ano na lang po ang gagawin ko?" Emosyonal na bulalas ni Samantha.
["Hintayin mo ako diyan, pupunta na kami ng driver,"]
"Okay po ma, ingat po kayo," mabilis na pinatay ni Samantha ang cellphone niya. Nagpalit silang dalawa ni Daureen ng cellphone, pero ang sim card sa phone na ibinigay niya kay Daureen ay dinala ni Samantha dahil hindi naman nito kailangang magpanggap.
Si Daureen ito noon, at si Daureen pa rin ito ngayong bumalik na ito sa poder ng tunay nitong mga magulang.
Makalipas ang kalahating oras ay may humintong Fortuner sa harapan ni Samantha. Tinitigan niya iyon habang kumakain ng siopao na binili niya sa unang tindahan na nakita niya.
BINABASA MO ANG
The Divorce
Non-FictionIn her past life, Samantha died at the hands of the person she trusted the most. Though he didn't kill her directly, he was the reason for her early demise. Upon waking up, Samantha promised to live her second life without regret. But first, she mus...