"Done!"Kamuntik ng matumba mula sa pagkakaupo niya si Arem nang tumambad sa kanyang paningin ang nag-ayos na si Samantha.
Kung kanina ay nagrereklamo siya ng palihim dahil sa kagustuhan ng asawang mag-ayos. Ngayon ay hindi niya alam kung ano ang iisipin.
His wife, Samantha, looks so haggard and tired in her make-up.
"Ah, wait, wait," kumuha ito ng kung ano mula sa damitan nito. "Talikod ka. Huwag kang haharap!"
Naiiling na tumalikod na lang si Arem.
Hindi niya maintindihan kung paanong napapasunod siya ng babaeng 'to sa lahat ng mga gusto nito.
Naramdaman na lang niya na naghuhubad ito ng damit.
Damn this woman!
Arem clenched his fist. Hindi rin niya mapigilan ang pag-iinit ng magkabila niyang tenga.
"Okay, I'm done," excited na bulalas ni Samantha.
Ni hindi na marinig ni Arem sa tinig nito ang pagdadalamhati na ipinapakita nito kanina.
"Look, look at me, uy!"
Arem helplessly turns around. Only to be shocked again.
It's a good thing that Arem knows how to handle his emotions properly. Kaya kahit na nagulat siya, hindi iyon nahalata man lang ni Samantha na ngayon ay nakasuot ng lumang bestida, may tagpi-tagpi pa.
"Let's go?" Arem said in a helpless voice.
"Okay. P-pero okay lang ba hawakan ko ang kamay mo?"
Umigkas paatas ang kilay ni Arem.
"Hindi ako manananching okay. G-gusto ko lang na, I mean... paano kung umatake ang anxiety ko? H-hindi ba dapat hawak lang kita para kalmado ako?"
"Fine. Let's go,"
Matamis na ngumiti si Samantha at kaagad na humawak sa braso ng asawa.
Salamat sa pag-iyak niya kanina, parang sumama sa sandamakmak na luhang inilabas niya ang hangover niya.
Magkasabay silang naglakad palabas ng pintuan.
Sabay-sabay na lumingon sa kanila ang mga taong nasa labas.
Gimbal na napatitig si Ginang Aria sa nakitang itsura ng daughter-in-law niya.
Kaagad namang lumarawan sa mukha ng mag-asawang dela Vega ang pag-aalala nang makita si Samantha.
"S-sam?"
Parang slow motion na nag-angat ng paningin si Samantha. Palihim niyang kinurot ang kanyang sarili para naman tumulo ang luha niya. At dahil sa ginawa niyang pag-iyak kanina, namumula-mula na ang kanyang mga mata.
"M-mom!" Mabilis na kumalas si Samantha kay Arem.
Tinakbo nito ang pagitan nila ng kanyang foster mother. "I miss you mom!" Habang umiiyak ay bulalas ni Samantha.
She's not acting though. She really misses her foster mother. After all, this woman treated her like a real daughter.
Emosyonal na hinaplos naman ni Ginang dela Vega ang likuran ni Samantha.
Matapos yakapin ang Ginang ay binalingan naman ni Samantha si Ginoong dela Vega.
"Dad..."
"How are you?" Malumanay na tanong ni Ginoong Dela Vega, pero dama ni Samantha ang distansya na bigla na lang namagitan sa kanilang dalawa ng foster father niya.
BINABASA MO ANG
The Divorce
Non-FictionIn her past life, Samantha died at the hands of the person she trusted the most. Though he didn't kill her directly, he was the reason for her early demise. Upon waking up, Samantha promised to live her second life without regret. But first, she mus...