Pagkatapos kumain sa canteen ay nilibot ni Samantha at Adrienne ang buong campus habang masayang binabalikan ang alaala nila sa naturang paaralan.
"Akala ko for keeps na kayo ng Andrew na 'yun. Ilang buwan mo ding iniyakan ang lalaking 'yun ah," nangingiting saad ni Samantha.
"Hmp! Simula noong manahin niya ang negosyo ng pamilya nila, nawalan na siya ng gana sa akin. Nalaman ko na lang engage na. After that, nakalimang boyfriend pa ako. Pero ni isa walang nagtagal. Hanggang sa nag-focus na lang ako sa pag-arte," pagkukwento naman ni Adrienne.
"Wow ha. Halos isang taon pa lang tayong nagkakahiwalay pero napalitan mo na kaagad ang first love mo ng limang beses?" Kantiyaw ni Samantha sa kaibigan.
Huminto silang dalawa sa trak and field area. Bukod sa canteen, ito ang pangalawang lugar na madalas nilang tambayan noon.
"Wala eh. Masyado akong insecure that time. Wala akong mapagsabihan ng nararamdaman ko. Hindi kita ma-kontak dahil nanakaw ang phone ko. Nandoon ang lahat ng contacts mo. Biglaan pa pa ang pakikipaghiwalay ni Andrew. Alam mo 'yun, I felt so betrayed. Kaya ang ginawa ko, hinanap ko sa iba 'yung atensyon at pagmamahal. Kaso, hindi ko naman nakita. Nag-lie low na lang ako sa pakikipagrelasyon noong makuha akong second female lead sa isang movie. Hanggang sa magsunod-sunod na ang breaks ko. Ngayon may gagawin akong teleserye. Wala na akong panahon para sa jowa-jowa na 'yan. Magpapayaman na lang ako," pagkukwento ni Adrienne na kaagad namang sinang-ayunan ni Samantha.
"Sorry dahil hindi man lang kita na-comfort noong broken ka," seryosong sabi ni Samantha.
Sandaling natahimik si Adrienne.
"Ako din naman may pagkukulang sa'yo. Sorry dahil wala ako noong panahong nagdedesisyon ka para sa sarili mo. I know it's hard. And I know you did your best. Basta sa next wedding mo, bridesmaid na dapat ako," pabirong wika ni Adrienne.
Natatawang tinanguan ni Samantha ang kaibigan. Parehong namumula ang kanilang mga mata, pero hindi maipagkakaila na masaya silang makita ang isa't-isa.
"Oo nga pala, kung gusto mo ng ibang mapagkakaabalahan, nagtayo ang ate ko ng Learning Center para sa mga pre-school. Naghahanap siya ng art teacher. Naisip kita kaso nga lang wala akong contact sa'yo, hindi ba?"
Kaagad na kumislap ang mga mata ni Samantha dahil sa narinig.
"Kailan ba magbubukas?" Curious na tanong ni Samantha sa kaibigan.
"Next month. Magbibigay muna sila ng mga libreng klase para naman makita ng parents ang kalagayan ng school at kapasidad ng mga magtuturo,"
"May libreng bahay ba?"
"Are you that poor?" Nakataas ang kilay na tanong ni Adrienne sa kaibigan.
Ngumisi lang si Samantha. "Sadly, I am that poor now. But don't worry, I'll be rich soon. I'm planning to buy a small villa. Pero habang wala pa akong pambili, syempre kailangan ko ng ibang matitirahan,"
"Hmp! Sure. I'll tell my ate na magpagawa na rin siya ng dorm para sa mga teachers niya. Pero kailangan mong mag-report doon ah,"
"Sure. Give me your sister's contact information and her address. Bibisitahin ko siya one of these days," excited ni wika ni Samantha.
Hindi niya inaasahan na sa pagbabalik niya sa dating paaralan na pinasukan ay may dalawang bagay kaagad siyang makukuha. Trabaho at ang makita ang dati niyang kaibigan.
Dahil sa maghapong pagkukwentuhan ay nakalimutan na ni Samantha ang tungkol kay Arem at kung ano ba ang relasyon nito sa abogadang si Gabrielle Pilar.
Pagkatapos ng klase ng mga estudyante nila ay nagpaalam na rin ang magkaibigan sa isa't-isa.
BINABASA MO ANG
The Divorce
Non-FictionIn her past life, Samantha died at the hands of the person she trusted the most. Though he didn't kill her directly, he was the reason for her early demise. Upon waking up, Samantha promised to live her second life without regret. But first, she mus...