Chapter 74: Terrifying

687 38 4
                                    

Bago tuluyang lumubog ang araw ay nag-empake na ang buong cast at staff ng variety show.

"Ren, sasama na ako sa sasakyan nila tita Aria, pero iiwanan ko ang maleta ko sa sasakyan, okay lang ba?"

Dahil sobrang abala sila sa maghapong iyon na maging ang mga assistant ay tumulong na rin para maayos na maitawid ang closing ceremony ng naturang show, pagod na pagod na si Ren at ang tanging gusto niya na lamang ay ipikit ang kanyang mga mata ng mga oras na iyon.

"Sure. Text me if you need anything," pagod na sabi ni Ren.

Nang matapos makipag-usap dito ay nagtungo naman si Samantha sa sasakyan nina Ginang Aria at Ginang Elena. Nakipag-kwentuhan siya sa dalawa habang naghihintay silang tatlo na makompleto ang ibang grupo sa kani-kanilang mga sasakyan.

Nang humudyat na si Direk Tasha na aalis na sila, kaagad na nagpaalam si Samantha sa dalawang ginang na babalik na siya sa sasakyan ni Ren. Nang lumabas siya ay nagpaalam naman siya saglit sa isa sa mga staff na nasa tabi lang mismo ni Mirabelle na iihi lang siya sandali.

Makalipas ang limang minuto. Umalis na ang buong cast kasama ang buong staff ng variety show. Pagod ang lahat dahil sinikap nilang matapos ang lahat sa araw na iyon.

Ni walang nakapansin na habang sunod-sunod na tumatakbo paalis mula sa lugar na iyon ang limang private cars at dalawang mini-bus, pinagmamasdan ni Samantha mula sa itaas ng puno ang mga sasakyan.

Nang tuluyang mawala sa kanyang paningin ang mga sasakyan. Pinakiramdaman ni Samantha ang buong kapaligiran niya. There's a total of five people who's looking at her direction. Sinadya naman talaga niyang makita siya ng mga ito bago siya umakyat sa puno. Alam niyang hindi gagawa ng kalokohan ang mga habang naroon ba ang cast at staff ng variety show.

These people are ex-convicts. They're all convicted of being rapists. Ilang taon silang nakakulong. Napaisip si Samantha ng mga sandaling iyon kung paano na-kontak ng maganda at mukhang mahinhin na si Mirabelle ang mga lalaking 'yun.

Sometimes, money is truly terrifying.

It can make you do all the things, good and bad.

Limang rapist para turuan si Samuella ng leksyon? Samantha pursed her lips. Anong klaseng buhay kaya mayroon ang kakambal niya sa pamamahay ng mga Allejo? At bakit ganoon na lang kung tratuhin ito ng mga pinsan. Ngayon naiintindihan na ni Samantha kung bakit ayaw siya noong lapitan ni Samuella. Kung bakit ayaw siya nitong kilalanin. Dahil iniisip nito na mas magiging safe siya sa poder ng mga taong kumupkop sa kanya.

And with her past behavior, sigurado naman talagang mapapahamak siya sa kamay ng mga taong kagaya ni Mirabelle na mukhang napakabait at napakalambing pero may itinatago pala na mahabang sungay. In her previous life, she's innocent, proud and arrogant. Kung sakali man na kukuhanin nga siya ni Samuella, baka hindi niya pa nakikilala ang magaling niyang ex ay tapos na talaga ang buhay niya.

Naikuyom ni Samantha ang kamao niya.

How did her twin sister avoid all those dangers? Hidden or not?

Ngayon, itong mga ex-convicts na ito. Sa susunod? Anong klaseng nilalang na lang ang babayaran ng mga ito para lang mabigyan ng leksyon si Samuella.

Habang nagmamasid sa paligid ay paulit-ulit na nagp-play sa isipan ni Samantha ang mga katagang binitiwan ni Mirabelle.

"They have to touch her. They must touch her. Play with her. Rape her. Do whatever they want. Leave the evidence of their deed. I'm sure that old man would be heartbroken if he saw his beloved granddaughter full of bruises and love bites. And then, we'll just count how many more days he will live. Hmp. I don't care about his money at all. I hate it when he uses his money to manipulate our family's lives. I'm sure to give Samuella an experience she won't forget for the rest of her life. She doesn't need to worry about Sebastian. I can take care of him in her stead."

The DivorceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon