Chapter 15: Willing

828 36 0
                                    

"Para po!"

Kaagad namang huminto ang jeep nang marinig ang bahagyang pagsigaw ni Samantha. Bitbit ang maraming paper bags ay pumasok ang dalaga sa nakabukas na gate. Bagong palit din iyon, hindi na katulad noong unang dating niya na kinakalawang ang bakod na yari sa bakal.

"Arya, bakit nakatulala ka diyan?" Nagtatakang tanong ng dalaga. Nilapitan nito ang dalagita na para bang walang naririnig. "Uy!" Bahagyang sinipa ni Samantha ang binti ni Arya dahil paa lang naman ang pwede niyang gamitin para gisingin ang nagdi-daydream na dalagita. Punong-puno ang mga kamay ng dalaga dahil sa mga paper bags na dala-dala niya.

Saka naman tila natauhan si Arya. Pero nakatulala ito noong titigan si Samantha.

"A-ate..."

"May problema ka ba?" Nagtatakang tanong ni Samantha. "Halika, tulungan mo akong magbukas ng mga paper bags para matuwa ka naman," dagdag pa ng dalaga saka pumasok sa loob ng bahay. Hindi na nito hinintay pa ang isasagot ni Arya dahil nabibigatan na siya sa kanyang mga dala-dala.

"Ang dami mo namang dala ate Sam, nang-holdap ka?" Pabirong tanong ni Arthur.

Maagap nitong tinulungan si Samantha sa pag-aalis ng mga paper bags sa kamay nito.

"Nag-sumbit ako ng ilang mga designs sa bagong bukas na jewelry company sa Siudad, nagustuhan nilang lahat ang mga designs ko at binayaran din nila iyon kaagad. Kaya naman namili ako para sa celebration natin," nakangiting saad ni Samantha.

She is genuinely happy.

In her past life, gustong-gusto ni Samantha ang gumawa ng nga jewelry designs. Hindi man lang niya naranasan magpasa kahit na sa maliit na jewelry shop ng mga designs niya dahil nga inuna niya ang kabobohan. Kung hindi siguro siya masyadong insecure noon, baka nagagawa niya ang mga bagay na gusto niya talaga. Like designing things. She's an art student, at grumaduate siyang cum laude sa kilalang University sa San Agustin.

Napaka-supportive ng mga foster parents niya kaya naman nagagawa ni Samantha ang lahat ng kanyang gusto noong mga panahon na nasa poder siya ng mga ito.

Gusto sana siyang kontratahin ng AJS o A's Jewelry Shop pero tumanggi ang dalaga. Mas gusto niyang magpasa ng mga designs na pinagtuunan niya ng panahong gawin kesa i-rush siya ng mga ito kapag ginusto ng mga ito. Ayaw pa naman sa lahat ng dalaga ay iyong nir-rush siya sa kanyang ginagawa.

"Art, this is for you. This one is for Aris, and this one..." Maingat na sinipat ni Samantha ang laman ng isang malaking paper bag. "Oh, it's for mom," itinabi ni Samantha ang isang malaking bag na punong-puno ng mga cosmetics products.

Kinuha niya pagkatapos ang tatlo pang paper bag at ibinigay iyon lahat kay Arya.

"Para sa pinakamagandang si Arya, dahil tuwang-tuwa ako sa mga damit na nakita ko sa Siudad, para sa'yo lahat 'to Señorita," panunudyo ng dalaga sa dalagita na napalapit na ng husto sa kanya.

Dahil lumaking walang nakaka-interact na mas bata sa kanya, Samantha treated Arya as her own sister.


"Wow!"

Namilog ang mga mata ng dalagita noong mailabas ang magagandang dress, polo shirts, maong shorts at maong skirts.

"Ang dami ate!"

"That's your reward dahil kasama ka sa top 10," ani Samantha saka kinindatan ang dalagita.

"Hehe," hindi naman mapigilan ni Arya ang mapahagikhik. Maging ang dalawang binatilyo ay masaya para sa kapatid nila.

Alam naman nila kung paano itrato ng mga kaklase nila si Arya. Mas madalas nitong kasama ay iyong mga estudyante rin na kapos sa buhay. Palagi itong tinitingnan nang pailalim ng ilang mga kaklase nila na nakakaangat lang naman sa kanila ng kaunti.


Dahil nakakapag-suot ang mga ito ng sunod sa uso kahit na counterfeit pa iyon, walang panama ang mga damit ni Arya na halos apat o tatlong taon na nitong nagagamit. Bigay pa iyon ng pinsan nila mula sa kanilang mother side. Hindi na rin iyon maganda noong ibigay. Ginawan na lang ng paraan ni Arya para mapakinabangan pa nito. Para sa kanilang mga lalaki, walang kaso kahit na ano pa ang isuot nila, pero para sa babaeng si Arya, big deal iyon pero hindi ito nagreklamo kahit na kailan.

Kaya naman mula sa kaibuturan ng kanilang puso, sobrang nagpapasalamat si Ariston at Arthur dahil sa mga bagay na ibinigay at ibinili ni Samantha para sa kanila.


"Thank you, Ate!"

Nakangiting tumango si Samantha. "Isukat mo na iyan, kung may maliit itabi mo at papalitan ko. Huwag mo tanggalin ang tag, okay?"


"Okay po!"


"Dalhin mo na 'tong para kay mama doon sa kwarto niya. Magluluto na ako ng hapunan," ani Samantha saka iniabot kay Arya ang mga damit na para naman sa mother-in-law niya.

Bukod sa damit ay binilhan niya rin ito ng bagong phone para naman may magamit ito in the future. Hindi na niya sinabi sa mga bagets ang tungkol sa phone dahil katakot-takot na pasasalamat na naman panigurado ang ibibigay ng tatlo.




Balak din ni Samantha na bilhan sana ang magkakapatid pero hindi niya alam kung magugustuhan ba iyon ng tatlo. Balak niyang isa-isang isama sa Siudad ang mga ito at papiliin ng gusto nilang phone.

Pagkatapos ipamigay ni Samantha ang kanyang mga pasalubong, kinuha niya ang mga seafoods na binili niya. Noong nakaraang araw pa siya nagki-crave ng chili garlic seafoods, kaya naman gagawa siya ng ganoong putahe para sa kanilang hapunan.


Para kay Samantha, mabilis lang ang buhay kaya naman kung may pambili naman siya, bibilhin na niya ang mga pagkain na gusto niya, ang mga damit na gusto niyang maisuot, at gamitin ang pera para sa sarili niya at sa mga taong mahalaga sa kanya.


Dahil ipinararamdam sa kanya ng pamilyang ito na importante siya, maliit na bagay lang para kay Samantha ang suklian ang kabutihan ng mga ito. Tutal naman ang isang milyon na perang nasa kanya ay galing din sa pamilya ng mga ito. At hindi porke may taong nanamantala sa kanya in her past life, magdadamot na siya at magiging makasarili in her present life.

Ngayon, mas pipiliin na lang niya kung sino ang tutulungan niya. And since this small family is treating her like she's one of their own, she never felt conflicted when she's helping them. Natutuwa siyang makitang masaya ang mga ito sa mga bagay, maliit man iyon o malaki—na ginagawa niya para sa mga ito.


"Tutulungan na kita ate," presinta kaagad ni Ariston. Mabilis na tumakbo ito sa sarili nitong kwarto para ilagay doon ang mga damit na ibinili ni Samantha dito. Pagkatapos ay sumunod na ito sa kusina para tulungan si Sam sa pagluluto.


Napailing at napangiti na lang ang dalaga.


Mabuti na lang mas pinili niyang palitan si Daureen kesa makipagtanan na naman sa walang kwenta niyang ex. Bukod sa natulungan na niya ang kanyang foster parents na makasama ng mga ito ang kaisa-isa at tunay nilang anak, tahimik pa ang pamumuhay niya ngayon sa piling ng kanyang mga in-laws.

In the future kung dumating man ang kanyang mapapangasawa at hindi nito magugustuhan ang proposal ni Samantha. Willing naman ang dalaga na umalis at magpakalayo-layo.

The DivorceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon