Nakahalukipkip na hinarap ni Samantha ang ilang taga dswd at ang Barangay Chairman sa loob ng barangay hall. Hindi niya matanggap ang sinasabi ng isa sa mga taga-dswd dahil parang mas kinakampihan pa nito ang ginagawang pananakit ni Pepita sa mga bata.
"So sinasabi mo na dinisiplina niya lang ang tatlo? Na dapat hindi kami nagpunta dito? Na kami lang dapat ang umayos sa sarili naming problema? Sa palagay niyo ba wala kaming balak magreklamo sa pulisya?" Sunod-sunod na tanong ni Samantha sa mga ito.
"Kaya nga kami nandito, kase 'dinidisiplina' niya ang mga bata sa parang siya ang nagpapakain sa tatlo. Tingnan niyo nga ang mga pasa na 'to oh! Ito ba, itong mga pasa na 'to ba makukuha ng anak niyo pagkatapos niyo silang disiplinahin?" Isa-isang ipinakita ni Samantha ang mga pasa sa katawan ng tatlong bagets.
"Fifteen years old pa lang ang mga 'to. Underage pa. Wala ang kuya nila at ang nanay nila nakaratay sa higaan, tapos sasabihin niyo sa akin pagdidisiplina lang 'to ng nakatatanda? Oo nakakatanda siya, pero ano bang karapatan niya? Sinuswelduhan siya para samahan ang mga ito sa bahay. Anong karapatan niyang disiplinahin ng ganito ang mga kapatid ng fiancé ko?" sunod-sunod na tanong ni Samantha.
Dahil sa mga pasa, hindi kaagad nakaimik ang mga tao sa barangay. Ang babaeng kamping-kampi kay Pepita kani-kanina lang ay nawalan na ng kulay ang mukha. Sinisiraan pa nito si Samantha kanina, at dahil tagadoon ito, ito ang mas kinampihan ng mga taong naroon. Pero pagkatapos masilayan ng mga tao ang katawan ng kambal, maging sila ay hindi matanggap ang ginawang pananakit ng katulong na si Pepita.
"Pwede kong dalhin sa pulisya ang babaeng 'to at dun siya kasuhan, pero sigurado ba kayong hindi kayo mahihiya na ibang department of social welfare and development ang tutulong sa amin?" Isa-isang tinitigan ni Samantha ang mga taga dswd sa barangay.
Halos lahat ng mga ito ay nakakunot-noo habang nakatitig sa babaeng panay ang pagtatanggol kay Pepita kanina pa. "May kaibigan akong lawyer. Kahit papuntahin ko siya ngayon mula sa Siudad, sigurado akong maglalaan siya ng oras para lang makapunta. Itatanong ko sa kanya kung makatarungan ba ang ginagawa niyong 'to sa mga bata," mahinahong dagdag ni Samantha.
Kung sa palagay ng mga ito ay nagbabanta siya. So be it. Iyon naman talaga ang ginagawa niya dahil gusto niyang mabilis na maaksyunan ang sitwasyon ng triplets.
Aware si Samantha na walang mangyayari kung magwawala siya sa lugar na iyon. Kaya ang tanging magagawa niya lang ay ang magbanta in a calm way. Hindi siya pakikinggan ng mga tao doon kung hindi niya iyon gagawin, lalo na at hindi naman nagko-complain ang mga bata, bukod pa doon, bagong salta lang siya kaya sino ba siya para pakinggan ng mga taga-doon?
Matapos marinig ng mga ito ang huling pangungusap ni Samantha, tuluyang nagising ang lahat.
Isa-isa nilang nilapitan ang triplets at saka tinanong ng mahinahon ang tatlo. Tuluyan ng tinakasan ng kulay ang mukha ni Pepita. Hindi nito inaasahan na magiging ganoon ang kalalabasan ng pagpunta nila sa Barangay.
*****
Nagniningning ang mga mata ng triplets habang nakatitig sa papalayong police car. Sa loob ay nakasakay ang nagwawala at umiiyak na si Pepita.
"Thank you, ate Sam," emosyonal na bulalas ng tatlong bagets sa dalaga.
Samantha looked at them. Even though they're all skinny, they're all good-looking children.
Madali na lang patabain ang mga ito lalo na kung napapakain ng masasarap at masusustansiyang pagkain.
"No problem. Maliliit na bagay," nakangiting sagot ni Samantha sa tatlo. "Uwi na tayo, baka naghihintay na si mama," dagdag pa niya.
"Oo nga!"
"Opps! Umaambon! Takbo bilis!"
Napailing na lang si Samantha habang pinagmamasdan ang tatlo na nagmamadaling tumakbo pabalik sa kanilang bahay. Malayo-layo rin ang bahay ng mga ito mula sa barangay hall. Bagaman hindi tumakbo si Samantha, bumilis naman ang bawat paghakbang na ginagawa niya para hindi siya tuluyang mabasa ng ulan kung sakali man na lumakas iyon.
BINABASA MO ANG
The Divorce
Non-FictionIn her past life, Samantha died at the hands of the person she trusted the most. Though he didn't kill her directly, he was the reason for her early demise. Upon waking up, Samantha promised to live her second life without regret. But first, she mus...