Monday. 7 AM. Saint Rose Capital.
Maingat na ipinarada ni Samantha ang sasakyan sa parking ng CIHS. Dahil may taping ang mother-in-law niya, siya ang natokang sumama sa triplets para i-enroll ang mga ito sa panibagong paaralan na papasukan ng tatlo.
"Let's go?" Nakangiting tanong ni Samantha nang makababa na sila ng sasakyan.
Mabilis na humawak si Arya sa braso ni Samantha. Kitang-kita ang kaba sa mukha ng triplets habang nakatingin sa magara at malapalasyong building ng Capital International High School.
"Ate, kinakabahan ako," ani Arya na dama ni Samantha ang bahagyang panginginig.
Iyon ang unang beses na umalis ang magkakapatid sa probinsiya. Kaya naman hindi inaasahan ng tatlo na ganito kagara ang bagong paaralan na papasukan nila.
"Wala naman kayong dapat na ikabahala. Hindi ba, ni-review na kayo ng limang tutor last Saturday at Sunday. Hindi naman nahuhuli ang kaalaman niyo sa nalalaman ng mga estudyanteng nandito. Guys, isipin niyo na lang na kapag nakapagtapos kayo dito, mas madali kayong makakapasok sa University na gusto niyo. Isipin niyo na lang na ginagawa niyo ito para kay mommy," malumanay na paliwanag ni Samantha sa tatlo.
Hinayaan lang ni Samantha na nakahawak ng mahigpit si Arya sa kanya.
Dahil doon siya nag-aral ng high school, alam ni Samantha ang pasikot-sikot sa loob ng campus. Ipinakita niya lang sa guard ang transfer information ng tatlo at pinapasok na sila kaagad sa loob.
Sigurado ang mga hakbang na nagtungo si Samantha sa faculty ng school. Nakahiwalay ang building ng mga guro sa malapalasyong style ng mga silid-aralan.
Mahinang kumatok sa nakabukas na pintuan si Samantha.
Napatitig naman sa kanya ang lahat.
Nakasuot lang si Samantha ng maong na pantalon at maluwag na t-shirt.
"Good morning po," nakangiting bati ni Samantha.
"Ano pong kaila—hey, I know you!" Nangislap ang mga mata ng babaeng lumapit kay Samantha.
"Sammy!"
Tinitigan ito ni Samantha.
Sa tagal na ng panahon na grumaduate siya ng high school, hindi na niya maalala kung sino ang babaeng nasa harapan. Gustuhin man niya itong batiin ay hindi niya alam kung paano ito tatawagin.
"Tsk. It's me, Adrienne, remember?"
"Adrienne?"
Napakunot-noo si Samantha. Pagkatapos ay hindi niya mapigilan ang pagkislap ng kanyang mga mata.
"Addy?!"
"Yes! It's me!" Masayang lumapit ang magandang dalaga at saka mahigpit na niyakap si Samantha.
Gumanti rin ng mahigpit na yakap si Samantha. Hinding-hindi niya inaasahan ang pagkikita nilang dalawa ng taong ito.
Pareho silang art student. Iyon nga lang sa pagd-drawing naka-focus si Samantha habang sa pag-arte naman naka-focus ang kaibigang si Adrienne.
Ang alam niya ay nagtungo ito sa ibang bansa para mag-audition sa isang indie film.
"How are you? Halos isang taon na tayong di nagkikita," nakasimangot na turan nito.
"Parang kasalanan ko?" Pinagtaasan ni Samantha ng kilay ang babaeng kaharap. She's still as pretty as before. Her good friend, Adrienne Madrid.
Ang buong akala niya ay sa ibang bansa na ito maninirahan ng permanente dahil simula noong umalis ito sa Pilipinas ay nawalan na sila ng kontak sa isa't-isa.
BINABASA MO ANG
The Divorce
Non-FictionIn her past life, Samantha died at the hands of the person she trusted the most. Though he didn't kill her directly, he was the reason for her early demise. Upon waking up, Samantha promised to live her second life without regret. But first, she mus...