Elegance Hotel, City X China."You looked so troubled,"
Ni hindi man lang tiningnan ni Arem ang kaibigang pumuna sa kanya. Hanggang sa mga sandaling iyon ay umaalingawngaw pa rin sa isipan niya ang inis na boses ni Samantha.
"Want a drink?" Tanong pa ng kaibigan ni Arem na si Henri na isa sa mga kasama niya sa hotel na iyon. Kasalukuyan silang nasa bar ng naturang hotel.
"Nah. My wife might call later. I don't want to answer the phone while I'm drunk," paano kung bulyawan na naman ako?
Hindi maidugtong ni Arem ang mga katagang 'yun.
"Heh, your wife huh. Sa pagkakatanda ko, sinabi mo noon na wala kang balak na seryosohin ang relasyon niyo?" Henri asked in a sarcastic tone.
"Oh? Did I say that?" Arem asked, acting dumb.
Henri's mouth twitched. He shakes his head with amusement.
"You have become something so unbelievable," ani Henri na hindi naman sinagot ni Arem.
Arem would never admit that he say those words before. Paano na lang kapag nalaman ni Samantha 'yun? Malamang baka wala ng paliwanagang mangyari. Baka mag-divorce na lang sila kaagad-agad kapag nagkataon.
"What a fraud," naiiling na saad ni Henri.
"Who's fraud?"
Lumingon ang business partner at kaibigan ni Arem na si Henri sa eighteen years old nitong kapatid na lalaki.
"Kumain ka na ba?" Tanong ni Henri sa kapatid na simula noong dumating sila sa Hotel ay nagreklamo na lang nang nagreklamo. Kaya naman inutusan niya itong magpunta sa buffet para makakain ng gusto nito.
"Yes. Aalis na rin ako mamaya kuya," ani Calvin saka naupo sa tabi ni Henri.
"Kailan ka pa naging baby sitter ng kapatid mo, Ri?" Nakangising tanong ni Felix kay Henri na kasama din nila sa China.
"I'm not a baby. Actually, I've finally found the girl that I want to be with for the rest of my life," excited na wika ni Calvin na tila ba bigla na lang naging excited.
"Tsk. Sinong maniniwala sayo Calvin? Heto nga at panay ang buntot mo sa kuya Henri mo," naiiling na saad naman ni Xin Lei, ang half chinese half british na business partner din ni Arem.
Mula first year college ay magkakasama na sila nila Henri at Felix sa University. Maging sa dorm ay sila din ang magkakasama kaya naman matatas na rin magsalita ng tagalog ang lalaki.
"Kuya Lei, totoo nga. Tingnan mo, nakita ko sa parking lot ng airport ang soul mate ko. Pag-uwi ko sa Pilipinas hahanapin ko talaga siya," seryosong saad ni Calvin at buong pagmamalaki pa na ipinakita kay Xin Lei ang isang larawan.
Curious na napatingin naman doon si Felix. Minsan lang makipagkwentuhan sa kanila ang introvert na kapatid ni Henri, kaya naman hindi niya mapigilang magkaroon ng interes sa babaeng napupusuan nito.
Kaya lang nang makita ni Felix ang larawan, kaagad itong napatingin kay Arem.
"What's wrong?" Arem asked in a nonchalant tone.
Tumikhim si Felix bago muling tiningnan ang larawan sa phone Felix. Hindi gaanong malinaw ang pagkakakuha sa larawan pero kilalang-kilala iyon ni Felix dahil naka-display ang larawan ng babae sa opisina ni Arem sa Spain.
"This boy likes your wife. He even took a photo," nakangising turan ni Felix na halos ikatigil ng mundo ni Calvin.
Lumapit naman si Henri sa kapatid. Kinuha niya ang cellphone nito at saka tiningnan din ang lawaran.
BINABASA MO ANG
The Divorce
No FicciónIn her past life, Samantha died at the hands of the person she trusted the most. Though he didn't kill her directly, he was the reason for her early demise. Upon waking up, Samantha promised to live her second life without regret. But first, she mus...