Huminga ng malalim si Samantha noong makarating siya sa main door ng bahay. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ay bigla na lang siyang kinabahan.
Ang kamay naman niyang hindi pinagpapawisan ay mamasa-masa na ngayon.
Muling humugot ng malalim na paghinga si Samantha.
This is it!
Since hindi na matutuloy ang pagiging stepping stone niya para sa walanghiya niyang ex, na siyang dahilan ng paghihirap at pagdurusa niya in her past life, her next move would be getting her revenge.
Hindi siya papayag na hindi nito pagdusahan ang ginawa nito sa kanya kahit na sa unang buhay niya pa nangyari ang bagay na iyon. Dahil sigurado si Samantha, kung hindi niya ginawa ang pakikipagpalit kay Daureen, mauulit at mauulit ang masaklap niyang kapalaran noon.
Mariing pumikit si Samantha.
Sa pangatlong pagkakataon ay huminga siya ng malalim. Pilit na pinapakalma ang buong sistema niya. Pilit na iwinawaksi ang masamang ala-ala nang kanyang nakaraan.
Mahigpit na hinawakan ni Samantha ang door knob.
Nang buksan niya iyon ay nakangiting mukha ni Arya ang bumungad sa kanya. Iniabot nito sa kanya ang isang simple pero magandang wedding bouquet.
"You're so pretty ate!"
Nakangiting kinindatan ni Samantha ang mahilig mang-uto niya na sister-in-law. She really liked this kid.
Mag-isang naglakad si Samantha sa daan na sinabuyan ng triplets nang flower petals. Kaunti lang naman ang nilakad niya dahil mabilis niyang narinig ang garden na pinagtulungan pa nilang apat ng triplets na pagandahin matapos ma-renovate ang bahay noon.
Although wala naman gaanong mga halamang nanumulaklak na nakatanim doon, maganda pa ring tambayan ang hardin nila dahil presko ang hangin doon at maganda ang pagkakatanim nila sa mga halaman.
Nang marating ni Samantha ang pagdadausan ng kanilang wedding ceremony, tulalang napahinto sa paglalakad ang dalaga.
Nanlalaki ang mga matang napatitig siya sa backdrop na nasa likuran ng napaka-gwapong si Arem.
Ang unang pumasok sa isipan ni Samantha ay hindi kung gaano kaganda ang backdrop design sa likuran ni Arem, kung hindi saan piyon nanggaling at gaano kalaki ang nagastos ng mga ito eh wala namang hinihinging pera sa kanya.
Don't tell her na hiniram lang iyon sa kapitbahay?
Kulang na lang ay malaglag ang panga ng dalaga. Talaga namang E is for effort ang sister-in-law niyang si Arya. Hindi tuloy mapigilan ni Samantha ang maging sentimental. She's so touched.
It's supposed to be a simple wedding.
So simple na halos hindi nga siya nag-isip ng kahit anong ayos ng pagdadausan ng ceremony, o kung saan ilalagay ang mga pagkain. As long as may pagkain, fight na. Hindi na baleng wala ang kahit na anong ayos sa venue basta may handaan.
BINABASA MO ANG
The Divorce
Non-FictionIn her past life, Samantha died at the hands of the person she trusted the most. Though he didn't kill her directly, he was the reason for her early demise. Upon waking up, Samantha promised to live her second life without regret. But first, she mus...