Chapter 24: Insult

833 39 0
                                    

Ugh!

My head!

Muling humiga si Samantha sa kama noong bigla na lang sumakit ang kanyang ulo na para bang binibiyak iyon.

After her rebirth, it was the first time that she had a headache like this!

Argh!

Mariing ipinikit ni Samantha ang kanyang mga mata. Okay, breathe in...breathe out...

Bagaman hindi pa rin humuhupa ang sakit ng ulo ay pinilit ng dalaga ang maupo sa flip chair bed.

Wala pa man ang binata ay nakahanda na si Samantha sa pagtulog na gagawin nila na magkasama sa iisang kwarto. Kaya naman bumili na siya noon ng flip chair bed. Matagal na niyang hinintay ang pagkakataong iyon para lang makausap ng sarilinan ang fiance' niya kuno.

Hello, hindi niya ito aayaing matulog sa iisang kwarto kung wala naman siyang nakahandang plano, ano.

Sandaling hinilot ng dalaga ang kanyang sentido. Masakit na masakit talaga ang ulo niya.

Pagkatapos nilang mag-usap ni Arem kagabi, nagpunta na sila sa kani-kanilang higaan. Kahit lagpas na sa oras ng pagtulog niya, hindi magawang makatulog ng dalaga. Ilang oras na ang nakalipas ay dilat na dilat pa rin ang kanyang mga mata. Siguro dahil may kasama siya sa kwarto kaya parang naninibago siya.

At dahil nga napuyat ng husto sa ngadanag gabi, hindi na nagtaka si Samantha kung bakit parang pinupukpok ng bato ang ulo niya ngayon.

Suot ang mahabang t-shirt at maiksing shorts ay lumabas ng silid si Samantha.

Maingay sa living room ng bahay kaya naman nagtaka si Samantha. May pasok ang triplets kaya sino naman ang mag-iingay sa mga oras na 'yun? Imposibleng ganoon kalakas mag-usap ang napaka-demure niyang mother-in-law at malamig pa sa yelong si Arem. Ni hindi nga ito masyadong nagsalita kagabi. Siya lang ang daldal nang daldal.


Hindi pa man nakakarating sa sala ay kaagad na niyang napansin si Auntie Helda na nakaupo sa pang-isahang malambot na upuan. Poised na poised ito na para bang isang reyna na nakikipagpulong sa kanyang abang nasasakupan.

"Nabalitaan kase namin mula kay mommy na umuwi ka na raw, kaya nandito kami para kamustahin ka sana, pamangkin," nakangiting turan ng ginang habang masayang-masayang tinitingnan si Arem.


"..."

Hindi mapigilan ni Samantha ang kilabot na nararamdaman nang marinig ang mga katagang lumabas mula sa bibig ng ginang. Pakiramdam niya ay may hindi magandang kinain ang may edad na babae dahil napakalambing nitong magsalita.

The fudge

Bigla na lang nagtayuan ang lahat ng balahibo ni Samantha sa katawan.

Nang titigan niya ng matiim ang ginang, hindi nakaligtas sa mga mata ng dalaga ang nakakauyam na ngiti sa gilid ng bibig nito.

Oh, so she's being sarcastic.

"Sobrang nag-aalala ang lolo at lola mo sa iyo kaya naman nag-presinta kami na bisitahin ka kaagad. But looking at you, you seem fine to me," the woman said and smiled crookedly.

Hmp! Hindi siguro mapigilan ng bruha ang ligayang nararamdaman nito lalo na at pinalayas si Arem nang dalawang matanda. Kadarating lang ni Arem kagabi pero heto sila at nakatingin ng nakakaloko sa kanyang mag-ina na parehong walang kibo.


Tsk.

Don't tell her na papayag ang mga ito na ma-bully ng matandang 'to?


Pakiramdam ni Samantha ay mas lalong sumakit ang ulo niya. Umiigting ang kanyang panga na lumapit siya sa kinaroroonan ng dalawa.

The DivorceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon