Chapter 26: No Strings Attached

882 39 1
                                    

Noong umalis ang mga bisita nila na hindi naman welcome sa kanilang pamamahay ay saka  lang isinubsob ni Samantha ang ulo niya sa sandalan ng upuan. Pakiramdam ng dalaga ay mas lalong sumakit ang ulo niya at mas lalong lumakas ang pagpintig ng sentido niya.

Bahagyang napakunot-noo naman si Arem habang pinagmamasdan ang dalaga. Hindi niya maintindihan kung ano ang drama ng babaeng nasa harapan niya dahil kanina lang ay napakatapang nito habang inaaway ang mga walang kwenta niyang kamag-anak.

Wala sa loob na lumingon ang binata sa kanyang ina. Tila naman nahulaan ng Ginang ang gustong itanong ng panganay niyang anak.

Dahil hindi lang iyon ang ung pagkakataon na nakita ng ginang ang ganoong itsura ng dalaga sa ilang buwan na pamamalagi nito sa bahay nila, hindi na gaanong nag-alala si Ginang Aria.

Tumayo ito mula sa kinauupuan at umikot papunta sa pwesto ng dalaga.

"Samantha anak, masama ba ang pakiramdam mo?" Mahinang tanong ng ginang habang hinahaplos ang ulo ng dalaga. 

"Hmmm, pagkagising ko po kanina ang sakit-sakit na ng ulo ko," ani Samantha na hindi man lang nagdilat ng mga mata.

Sandaling napaisip si Ginang Aria.

Is it that day of the month already?

"Ugh, do you have medicine, mom? Parang binibiyak po ang ulo ko," Samantha murmurs. Kung hindi pa inilapit ni Ginang Aria ang tenga nito sa may bandang bibig ng dalaga ay hindi nito mauunawaan ang sinasabi ni Samantha.

"Nagpuyat ka siguro kagabi kaya grabe ang sakit ng ulo mo, ano?" Tanong ng ginang at saka tiningnan ng may kahulugan ang anak na si Arem.

Pinagtaasan lang ni Arem ng kilay ang kanyang ina.

Alam naman ng ginang na imposibleng may gawin na kababalaghan ang dalawa, pero alam din ng ginang na si Samantha ang tipo ng tao na hindi pwedeng matulog ng late sa gabi dahil siguradong katakot-takot na migraine ang aabutin nito kinabukasan.

"Hmm? Ano na nga ulit ang date ngayon?"

Napakunot-noo si Samantha. Masakit na ang ulo niya kaya  naman hangga't maari ay ayaw na niyang mag-isip pa nang kung anu-ano. Pero heto ang mother-in-law niya na hilaw. Parang nang-aasar pa yata.

Ano bang konek ng date ngayon sa pagsakit ng ulo niya?

"Fifteen of the month," Arem answered with a poker face. Nakatitig pa rin sa kanyang ina.

"Oh, so that's it. Do you still have pads inside your room?" mahinang tanong ng ginang habang tinatapik ang ulo ng dalaga.

Mas lalong nadagdagan ang kunot sa noo ng dalaga. May regla ba ang mother-in-law niya kaya naghahanap ito ng pads sa kanya? Ang pagkakaalam niya ay tapos na ito sa monthly visitor nito.

Tsk.

Kaloka naman.

Ang sakit-sakit na nga ng ulo niya ay kung anu-ano pang itinatanong nito.

Parang gusto tuloy ni Samantha ipadyak ang mga paa niya at maglupasay sa sahig. Pwede bang huwag ngayon? Hindi na niya kaya ang sakit ng ulo niya, hindi ba pwedeng bigyan muna siya kahit kaunting katahimikan sana?

"No more, Mom. I'll buy more kapag nag-grocery po ako ulit, okay?" ani Samantha na parang bumubulong na lang sa hangin.

Kahit gusto niyang magwala. Ayaw niyang gawin iyon sa mother-in-law niya na sobrang hinahon at maalalahanin.

"Tsk," napailing-iling ang ginang. Malakas ang pakiramdam ng ginang na nakalimutan na naman ni Samantha ang araw ng dalaw nito. Madalas si Arya ang unang magkaroon sa kanilang tatlo, pagkatapos ay siya o minsan pa nga ay nagkakasabay pa silang dalawa ni Samntha.

The DivorceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon