Pagkalabas ni Samantha at Arya sa boutique ay kaagad na silang umalis sa Elegance. Hindi na nila pareho matagalan ang ambiance doon.
"Haah!"
Napabuga sa hangin si Samantha noong makarating na sila sa pinaka-sentro ng Siudad.
"I-i'm sorry ate,"
Sandaling lumingon si Samantha sa dalagita. Pagkatapos ay ngumiti siya ng pagkatamis-tamis dito.
"Why are you saying sorry? It's not even your fault. May mga tao lang talaga na habang tinitingnan mo ng matagal, masusuka ka," nakangiwing saad ni Samantha.
Bumalik na naman sa isipan niya ang masagwang ngiti nang lalaki.
Siguro iniisip niya na ang gwapo, gwapo niya sa ngiti niyang iyon. Eww!
"Well, nakabili na tayo ng wedding dress. May bagong shoes naman ako sa bahay na pwedeng i-pareha so let's go home. I want to wash my eyes!"
Nangingiting sumunod naman kaagad si Arya. "Okay ate!"
Nakahawak sa braso ni Samantha si Arya habang naglalakad sila sa may gilid ng daan. Hinahanap na nila ang paradahan noong biglang tumigil sa paglalakad si Arya.
"Bakit?"
"A-ate...may wedding ring na kaya na binili si kuya? H-hindi ba mahirap pa sa daga ang taong 'yun?"
Umigkas pataas ang kilay ni Samantha.
Pagkatapos ay humagalpak siya ng tawa pagkarinig sa huling sinabi ni Arya. Talagang wala itong pakialam sa nararamdaman ng kuya nito.
Nakikita ni Samantha na gustong-gustong mapalapit ni Arem sa mga kapatid, at tanging si Arya lang ang hindi nito makausap ng heart to heart dahil palaging umiiwas ang dalagita dito.
"Don't worry. Marami akong alahas sa bahay hindi ba? May nakita akong magkapares na singsing doon. Oks na 'yun kesa bumili pa ng bago. Ay oo nga pala, umorder tayo ng wedding cake, tapos letson... tapos," napaisip sandali si Samantha. "Aha!" Nangingislap ang mga matang tinitigan ni Samantha si Arya. Samantha claps her hand, and her beautiful face lights up.
Nagtatakang napatitig naman ang dalagita sa dalaga. Pero hindi nito mapigilan ang ma-excite sa sasabihin ng ate Sam niya. Panigurado, kung hindi masarap na pagkain ang iniisip ng bilas niya ay magandang bagay iyon.
"Magpa-catering na lang tayo. Kahit wala tayong bisita bukas, at least marami tayong kakainin. Tapos hindi pa tayo napapagod kase sila na rin ang mag-aayos sa gagawin nating venue," ani Samantha na para bang nai-imagine na niya kung ano ang kalalabasan ng kasal niya bukas.
Sunod-sunod na tumango naman kaagad si Arya. Syempre, sino ba naman ang tatanggi sa masarap na pagkain? Sino ba namang tatanggi sa alok ng ate Sam niya na kukuha na ito ng ibang maglilinis at mag-aayos ng venue. At least, makakapag-focus siya sa kanyang ate Sam bukas.
"Invite niyo ang mga close friends niyo. O kaya kung may malapit kayong kaibigan na kapitbahay, invite niyo rin," ani Samantha.
Para naman hindi nilalangaw ang unang kasal niya. Kahit man lang ba magkaroon ng tatlo o limang tao na magsi-celebrate ng kasal niya, okay na iyon sa dalaga.
Although they're not a real couple, it's still a real marriage. So the wedding must be legit kahit na magdi-divorce pa sila in the future.
"Okay, ate,"
Excited din si Arya nang marinig ang suhestiyon ng kanyang ate Sam.
Kung may tao man na pinakamasaya sa lahat, siya na yata iyon.
BINABASA MO ANG
The Divorce
Non-FictionIn her past life, Samantha died at the hands of the person she trusted the most. Though he didn't kill her directly, he was the reason for her early demise. Upon waking up, Samantha promised to live her second life without regret. But first, she mus...