Chapter 37: Wish

793 37 0
                                    

Marahil dahil sa ginawa nilang paglalakad p, nang magising si Samantha kinabukasan ay mataas na ang sikat ng araw.
Iyon ang pangalawang pagkakataon na gumising ang dalaga ng mataas na ang sikat ng araw. Nang tingnan niya ang wall clock sa loob ng kwarto nila ni Arem ay alas nueve na ng umaga. Pupungas-pungas pa na tumayo si Samantha at saka inikot ang tingin sa kanyang kapaligiran.

Maingay sa labas at malakas ang tugtugan.

There I was
Thought I had everything figured out
Goes to show just how much I know
'Bout the way life plays out
I take one step away

Then I find myself coming back to you
My one and only
One and only you
Ooh

Samantha's mouth twitch after listening to the song.

Para namang in love na in love nga sila sa isa't-isa kung makapagpatugtog kung sino man ang tinamaan ng magaling na iyon.

Mabagal ang mga hakbang na nagtungo si Samantha sa tabi ng cabinet at kinuha doon ang nakasabit na kulay puting bathrobe. Ayaw sanang gamitin iyon ng dalaga, pero kabilin-bilinan ng kanyang mother-in-law na isuot niya ang bathrobe na iyon pagkaligo at sa kwarto nito gagawin ang pagmi-make up sa kanya.

"Good morning ateee!"

Lumingon si Samantha sa pinanggalingan ng excited at masiglang tinig.

Nakasuot ng pambahay si Arya habang may hawak na board at board stand.

"Ano 'yan?" Curious na tanong ni Samantha.

Abalang-abala ang lahat pero hindi man lang siya nagising sa ingay.

"It's your wedding welcome signage,"

Curious na umikot si Samantha at sinilip kung ano ang nakalagay doon.

"Kamusta ate? Okay lang? Ipinasuyo ko lang 'to sa kaklase ko, siya na rin ang bumili nitong board stand

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Kamusta ate? Okay lang? Ipinasuyo ko lang 'to sa kaklase ko, siya na rin ang bumili nitong board stand. Wedding gift niya na daw," nakangiting kwento ni Arya habang kumikislap ang mga mata.

"Cute," ani Samantha saka nginitian si Arya.

Hindi niya magawang kontrahin ang dalagita dahil genuine na saya ang nakikita niya sa magandang mukha nito.

Hindi niya masabi na kaya siya nagpa-cater at nag-order ng lechon ay para naman magkaroon sila ng dahilan para kumain ng mga pagkaing karaniwang ihinahanda sa kasalan o iba pang malalaking okasyon.

Syempre, ayaw niyang magutom at mapagod sa araw ng kasal niya.

Okay lang kahit walang ayos ang bahay at wala ang ibang bagay, basta ang gusto ng dalaga ay may pagkain. Maraming-maraming pagkain.

Babawiin niya lahat ng gutom na naranasan niya in her past life. Magpapakabusog siya ngayon at sisiguraduhin niyang kakainin niya ang lahat ng mga pagkain na gusto niya mahal man iyon o hindi.

The DivorceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon