Even without the alarm, Arem woke up at exactly 4 AM. Alas siyete pa ang flight niya pero dahil malayo-layo sila sa paliparan, nagkasundo silang dalawa ni Shopkeeper Magtanggol na magkikita sa shop ng 4:30 AM para hindi sila ma-late.
Madalang pa ang mga sasakyan kapag ganoong oras kaya naman naisipan niyang magpahatid kay Samantha. Dahil may ipinakiusap siya dito, natural na iiwanan niya ang sasakyan para hindi na ito mamasahe. Good thing na marunong na itong magmaneho.
Pinagmasdan ni Arem ang natutulog na si Samantha. Kagaya ng nakagawian na nito, nakasiksik na naman ito sa sulok ng kamang hinihigaan niya. Mas mababa ang tulugan ni Samantha at madalas, nagigisnan niya sa ganoong posisyon ang asawa.
She behaves well on her own bed, but on their wedding night, he will never forget her torturous behavior.
She keeps on tossing around the bed that he is awake from early night to midnight until the sun rises to the sky. Ni hindi man lang siya nakaidlip dahil sa pinaggagagawa nito.
Hindi lang siya nito ginawang teddy bear, ginawa pa siyang unan. Sa sobrang likot nito habang natutulog, naikot na nito ang buong higaan at natamaan na nito ang buong katawan niya maging ang parte na pinaka-sensitibo.
Pakiramdam ni Arem ay tinu-torture siya buong magdamag. At nang magising ito, ni wala itong maalala sa lahat ng pinaggagagawa nito.
Naiiling na kumuha ng towel si Arem saka nagtungo sa banyo. Kung noon ay sanay siyang maligo gamit ang maligamgam na tubig. Ngayon ay nagbubuhos na siya kahit na kaseng lamig pa ng yelo ang nakaimbak nilang tubig sa banyo.
Wala naman siyang magagawa.
Ayaw niyang mag-aksaya ng oras sa pagpapa-init ng tubig. Hindi kagaya sa pad or mansion niya, automatic na natitimpla niya ang tubig na ipapaligo.
Pero dahil isasama niya si Samantha at hindi ito naliligo tuwing umaga ng malamig na tubig, nagsalang na siya ng tubig sa kalan bago siya tuluyang pumasok sa banyo para maligo.
Walang kamalay-malay si Arem na nagiging natural na lang sa kanya na pagmasdan at tandaan ang bawat kilos ni Samantha.
Kaya naman sa tuwing may kailangan ito, isang tingin n'ya pa lang sa kilos ng asawa ay alam na niya kung ano ang gagawin.
He's not like this to anyone.
But ...
He himself is unaware that he is doing things voluntarily for her sake.
Saktong tapos nang maligo si Arem noong marinig niyang sumipol ang takure. Kinuha niya iyon at saka kumuha ng maliit na palanggana. Naglagay siya doon ng malamig na tubig pagkatapos ay hinaluan iyon ng mainit. Nang madama niyang sakto lang ang init noon para ipanghilamos ay nagtungo na siya sa kanilang kwarto para gisingin si Samantha.
Pupungas-pungas pa ito nang magmulat ng mga mata.
"Bakit?" She asked like a sleepy kitten.
"You promise to send me to the shop," Arem answered in his usual cold voice.
"Ow...?" Napakunot-noo si Samantha.
May nangyari bang ganun?
"Pupunta kayo mamaya sa farm at palayan kaya kailangan niyo ng sasakyan. Ihahatid mo ako sa shop dahil mamayang alas siete na ang flight namin ni Ninong Abel papunta sa kompetisyon,"
Lalong kumunot ang noo ni Samantha.
"Ohh," aniya saka tumayo. "Hilamos lang ako," antok na sabi pa niya.
Naghihikab na nagtungo sa lababo si Samantha. Naabutan niya ang palanggana na umuusok-usok pa.
Hmmm?
BINABASA MO ANG
The Divorce
Non-FictionIn her past life, Samantha died at the hands of the person she trusted the most. Though he didn't kill her directly, he was the reason for her early demise. Upon waking up, Samantha promised to live her second life without regret. But first, she mus...