Chapter 36: Washing My Eyes

805 37 0
                                    

Kinuha ni Samantha ang apron na nakasabit sa tabi ng refrigerator. Kapapalit lang niya ng damit kaya hanggat maaari ay ayaw niyang madumihan iyon.

Pagkatapos ayusin ang sarili ay kinuha naman ng dalaga ang mga pansahog na nakalagay sa loob ng ref.

Kumuha siya ng isang buong bawang, malaking sibuyas na kulay pula, shortribs beef, ilang malalaking patatas, tag dalawang kulay pula at green na bell pepper, at ang cheese na may bawas na.

Dinala ni Samantha sa kanilang lutuan sa likod ng bahay ang lahat ng kinuha niya. Matagal-tagal na lutuan ang magaganap kaya naman sa kahoy na lang siya magluluto para hindi maubos kaagad ang kanilang gasul.

Para saan pa ang sangkaterbang kahoy na inipon ni Arthur at Ariston kung hindi niya gagamitin ang mga iyon.

Nang mailapag sa kahoy na lamesa na nasa labas ang mga dala niya ay muling pumasok sa loob ng kusina nila na nasa loob ng bahay si Samantha. Kumuha naman siya sa ibabaw nang cupboard ng isang lata ng liver spread, tomato sauce na nakalagay sa plastic bottle, isang may kalakitang lata ng green peas, at ang lagayan nila ng paminta at asin.

"What do I do?"

Mula sa pag-aayos ng mga lulutuin ay nag-angat ng paningin si Samantha at pinagmasdan ang lalaking nagma-may-ari ng malamig na boses.

Samantha thought that the voice in front of her sounded good.

And aside from that...

This guy is drop-dead gorgeous. Tsk. Heaven must have worked very hard to create this person's attractiveness, in my opinion.

Walang kakurap-kurap na tinitigan pa ni Samantha ang lalaki na para bang nahihipnotismo siya sa angking karisma nito.

"Ehem,"

This kind of beauty...she will not get tired of looking at it all day long.

"Ehem!"

Kunot-noong tiningnan ni Samantha ng may pagka disgusto ang nilalang na kanina pa tikhim nang tikhim. Sa ingay nito, naudlot tuloy ang sightseeing na ginagawa niya.

Pero napakurap ang dalaga nang ma-realize na ang taong gumagawa pala ng ingay ay ang nilalang mismo na pinagpi-pyestahan ng kanyang mga mata.

"Why are you staring at me like that?"

Tuluyang nagising si Samantha dahil sa malamig at walang emosyon na tinig na nagmumula mismo sa bibig ng nilalang na tinititigan niya.

"Huh?" Is she being rude? Well, she can't help it though. He's really good-looking. Unlike that someone who's making her feel like she wishes to throw up everything inside her stomach. "Well, I'm just washing my eyes," seryosong sagot ni Samantha.

Tama.

Iyon nga ang magandang ikatwiran sa mga sandaling iyon.

"Washing your eyes by looking at my face?" amused na tanong ni Arem.

Sunod-sunod na tumango is Samantha. Kinuha niya ang baka at saka iyon inilagay sa maliit na palanggana.

"Yep. That's correct. By doing that, makakalimutan ko kaagad ang pagmumukha ng malignong 'yun," mabilis na pag-sang ayon ng dalaga.

Because what else can she say?

She loved taking a peek at good-looking people. Ayaw naman niyang garapalang sabihin dito na nahuhumaling siyang tingnan ang pagmumukha nito.

At isa pa, magandang dahilan din naman ang suggestion niya.

Sa tuwing maaalala niya ang pagmumukha ng malignong 'yun, mas mabuti ngang titigan niya na lang ang pagmumukha nito para mas effective ang pagkalimot na gagawin niya.

The DivorceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon