Chapter 7: The Audacity

851 35 2
                                    

Tatlong oras na nagluto si Pepita at pinabayaan lang ito ni Samantha sa trip nitong gawin. Ilang beses itong naglagay ng tubig sa pinapakuluang bigas. Wala itong ibang inilalagay doon bukod sa tubig, tubig, at marami pang tubig.

"Miss, t-tapos na po,"

Tiningnan ito ni Samantha.

"Maghain ka na at pagkatapos ay gisingin mo na ang magkakapatid," walang emosyon na anas ni Samantha saka tumayo at nagtungo sa hapag kainan. Naupo siya doon at hinintay niya na makapaghain si Pepita.

Noong matapos itong maghain ay ginising naman nito ang magkakapatid. Halos magkasabay na bumukas ang pintuan ng dalawang kwarto.

Napaka-simple lang nang pagkakayari ng bahay. Pahaba iyon at ang mga kwarto ay nakalagay sa dalawang gilid, may makipot at madilim na daan sa gitna. Tatlong kwarto sa kaliwa at tatlong kwarto naman sa kanan. Nasa pinakadulong bahagi sa kaliwang banda ang kwarto ng mother-in-law ni Samantha. Katapat ng kwarto nito ang kwarto ng dalawang lalaking kambal. Nasa unahang bahagi sa right side ang kwartong tinutuluyan ng dalaga.

Sabay-sabay na naupo ang tatlo.

"G-good morning po," nahihiyang bati ng dalagita kay Samantha.

Tumango lang ang dalaga at itinuro ang sarili niyang bowl. "Let's eat,"

Hindi maselan sa pagkain si Samantha kaya walang problema kung lugaw man ang ihahain ni Pepita sa kanya.

Dinampot ng dalaga ang kutsarang nakalagay sa bowl. She scoop the porridge and blow it first before she put it inside her mouth. Nang malasahan ang pagkaing nasa bibig niya ay mariing napapikit si Samantha.

She really wanted to spit out the food but Samantha being a reborn person, she thought that she have to respect the food even though the taste is unpalatable.

Well, it's really horrible.

The fudge!

"Don't eat!" Samantha demanded. Kaagad namang binitiwan nang tatlo ang hawak nilang mga kutsara. Umupo sila ng tuwid saka tinitigan ng may takot si Samantha.

"Pepita!" Malakas na sigaw ni Samantha.

Gulat na napaigtad mula sa kinauupuan nila ang tatlo.

Pero kahit na malakas ang boses ay walang sumasagot sa tawag ni Samantha dahil ang tinatawag niyang si Pepita ay nagtungo na sa sarili nitong kwarto para matulog.

"Pepita!" malakas na sigaw ulit ni Samantha.

Hindi siya nag-aalalang maririnig siya ng kanyang mother-in-law. Dahil sinadya niyang iparinig iyon dito, wala siyang planong magpanggap sa harapan nito. Kaya naman ipaparinig niya dito ang mga gagawin niya sa salbaheng kasambahay!

Noon lang lumabas si Pepita sa kwarto nito. Bahagya ng namumula ang mga mata nito indikasyon na nakakatulog na ito.

"Yes Miss?" Iritable pang tanong nito na lalong ikinainit ng ulo ni Samantha.

"Maupo ka rito," turo ni Samantha sa isang bakanteng upuan.

Deep inside ay nagbibilang na hanggang limampu ang dalaga para lang hindi niya maitaob sa pagmumukha ni Pepita ang nananahimik na lamesa.

"Ah, hindi po ako kakain. Matutul—,"

Malakas na lagabog ang pumutol sa sasabihin pa sana ni Pepita.

Pakiramdam ng matabang katulong ay hindi lang puso nito ang tumalon kung hindi pati na rin ang kaluluwa nito. Maging ang tatlong magkakapatid ay hindi nakaligtas sa gulat at nerbiyos.

Walang sinuman sa kanila ang nag-expect na hahampasin ni Samantha ng malakas ang kahoy na lamesa gamit ang handle ng walis tambo.

"Anong sinabi mo? Ulitin mo dahil hindi ko narinig," Malamig na anas ni Samantha. Unti-unting nagdidilim ang magandang mukha habang nakatitig kay Pepita.

The DivorceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon