Chapter 45: Original Plan

847 42 4
                                    


Pagkaalis ng mga dela Vega ay muling bumalik sa kwarto nila si Samantha. Muli niyang kinuha ang wedding ring nilang dalawa ni Arem sa loob ng jewelry box. Ibinalik niya kay Arem ang para dito at kinuha niya naman ang para sa kanya.

Hindi na rin niya inalis ang singsing na binili ni Arem kahit na mumurahin pa iyon.

"What are you doing?" curious na tanong ni Arem.

Napatitig ito sa napakaraming alahas na nakalagay sa ibabaw ng higaan. Kilala niya ang mga iyon dahil noon pa man ay mahilig na siyang mangolekta ng mga antique.

Pero bakit nakay Samantha ang mga alahas na 'yun?

"Why did you lie to them?"

Sandaling tumigil si Samantha sa kanyang ginagawa. Hinawakan niya sa kanyang kamay ang isang kwintas na may pendant na ruby.

"When I was a kid, I accidentally heard my foster mother telling her husband that these are mine. They've found these inside the kiddie backpack that I'm hugging. Inside the bag is my name and a bundle of money. They said that they would return it to me where I grew up. But they never do that. When I checked that tattered bag, I surprisingly saw the jewelry box inside the bag that she gave me. I'm curious as well. I've been with them for the past twenty years but they never show interest in these things and now, when that person arrives, they suddenly want to look at it?"

Arem seriously looked at the jewelry.

Antique ang lahat ng iyon at kung ibebenta iyon ni Samantha, aabutin ng daang milyon ang halaga ng mga alahas.

Konektado sa mga de Ayala na nasa Capital ang mga alahas na isa-isang tinitingnan ni Samantha.

Base sa pagkakaalam niya, iisang tao lang naman ang mahilig sa mga antigong alahas sa prominenteng pamilya na iyon.

Ang panganay na anak ng mga de Ayala, na nasa main branch ng pamilya. Si Savannah Erin de Ayala.

Pero matagal na itong nawawala. At kasabay nitong nawala ang mga alahas na ngayon ay nasa kamay ng kanyang asawa.

Arem's eyes darkened.

Napatitig siya sa kanyang asawa na namumula pa rin at namamaga ang mga mata.

"Bakit ganyan ka makatingin? Bukod ba sa pagiging tanga, magnanakaw na rin ako sa paningin mo?" Asar na tanong ni Samantha.

Akala ba ng lalaking 'to ay nakalimutan na niya ang sinabi nito kanina? Syempre hindi niya nakakalimutan iyon.

Arem cough.

Sumabay lang naman siya sa trip nito kanina. Pero kung makatingin ito ngayon sa kanya, para bang napakalaki ng kasalanang nagawa niya rito.

"I didn't mean it that way. It's just acting,"

"Acting mong mukha mo," ismid na saad ni Samantha saka inirapan ang lalaking hindi kaagad nakakibo.

This is the first time that someone provokes him like that. But he cannot do anything. Who told this woman to be his wife?

"Oo nga pala, sa palagay mo ba pwede akong sumali sa competition na 'yun? If we need money, we can just sell these fancy looking things," ani Samantha saka itinaas ang isang alahas na may malaking diyamante.

"You're going to sell these? Hindi mo ba naisip na baka konektado ang mga ito sa birth parents mo?"

Seryoso si Arem ng itanong iyon. Dahil ano pa ang pwedeng maging dahilan kung bakit nasa kamay ng babaeng 'to ang collection ni Ms. Erin de Ayala?

And didn't she say her real name is Samantha Eclair de Ayala?

Nagkataon lang ba na pareho ang initial ng kanilang mga pangalan? Kung ang iniisip ni Arem ay ang siyang katotohanan, malaki ang posibilidad na sa divorce nga talaga magwawakas ang pekeng kasal nila. Imposibleng magkatotoo ang kasal nila dahil masyadong makapangyarihan at mataas ang estado ng mga de Ayala.

Arem shakes his head.

Bakit ba napunta doon ang isipan niya?

Divorce or not it shouldn't affect him that much.

She helps his family and in return, he will help her. And then they will peacefully divorce after their collaboration.

That's for the best.

Arem swallowed.

His mouth tastes a little bitter.

"What? Kung makatingin ka naman parang ninakawan kita ng salapi," ani Samantha. Habang tumatagal ay mas lalong lumalakas ang loob nito na sermunan si Arem. Ni hindi rin ito nakakaramdam ng takot tuwing iirapan at sisimangutan ang lalaking mas malamig pa sa North Pole. "Palagay ko, walang maghahanap nito. At hindi rin tayo sure kung konektado ba ito sa birth parents ko. Baka itinapon lang talaga ako at aksidenteng nadala ko ang bag na naglalaman ng mga alahas. Kase diba? Limang taon na ako nung pulutin ng mag-asawa. 27 na ako ngayon. 22 years na ang lumipas. Ni minsan ay wala akong nabalitaan na may naghanap sa akin," ani Samantha sa kaswal na tinig.

But Arem can see the shadow of despair and loneliness in her dropping shoulder.

She has been alone for all her life.

Somehow, he understands. And his heart aches for her.

"We still have money. You don't need to sell those things. And besides, you can ask Shopkeeper Magtanggol if they can help you participate. The jewelry shop's owner has a lot of connections abroad,"

Tumaas ang kilay ni Samantha. Matiim niyang tiningnan si Arem na para bang sa paraan na iyon ay makikita niya kung seryoso ito sa sinasabi o tsumitsika lang.

"I've investigated. That's how I know," Arem lowered his head, hiding his eyes.

He's afraid that the woman in front of him might see through his disguise.

"Hmm, then I'll keep these things for now. I'll ask Ninong tomorrow. Oh, oo nga pala, you should call him Ninong. If you don't call him that and keep on calling him Shopkeeper Magtanggol, parang napakawalang respeto naman natin," payo ni Samantha na tinanguan lang ni Arem.

Hindi siya napi-pressure o nahihiyang tawagin ito na ninong dahil alam ni Samantha kung gaano kalaking pera ang ipinapasok ng kanyang mga desenyo sa jewelry shop. At bukod pa doon, nakikita niya na mabuting tao ang mag-asawang Magtanggol kaya naman willing siyang tawagin na ninong at ninang ang mga ito.

"Sure. I'll do not. Anyway, why do you want to participate in that competition?" He asked curiously.

Syempre para sirain ang pangarap ng lalaking 'yun. Akala ba niya papayagan ko siyang manalo this time gamit ang mga designs ko? Hmp. In this lifetime, sisiguruhin kong ilalampaso ko siya at ibabalik ko sa kanya ang lahat ng ginawa niya sa akin noon.

"Well, for experience," ani Samantha sabay kibit balikat.

Syempre hindi niya sasabihin kay Arem kung ano ang nasa isipan niya. Paano na lang kapag nalaman nito na masama pala ang ugali niya? Baka bigla na lang siya nitong ipagtabuyan paalis.

Paano na lang ang plano niya na mapayapang divorce?

Ayaw niya syempre na makaalitan ito. Ayaw niyang sumama ang loob ng mga bata sa kanya. Kung maghihiwalay man sila, dapat maghiwalay sila ng maayos at hindi ipinagtatabuyan ang isa't-isa. Para na rin 'yun sa magandang reputasyon nila.

Ayaw niya pag-fiestahan ng madla ang triplets. Gusto niyang lumaking may self-confidence ang mga ito at walang bagay na ikinakahiya.

"Do whatever you want," ani Arem saka tumalikod.

Lumabas ito ng kwarto kaya naman naiwanan sa loob si Samantha na nakatitig sa likuran nito.

Today, she's thankful that he is by her side.

Because she finds comfort in his presence allowing herself to confront her past with a peaceful and focused mind.

Ngayon, mag-f-focus muna siya kung paano sirain ang credibility ng hudyong 'yun. At pagkatapos, paiimbestigahan niya kung ano ang tunay na pangyayari noong napulot siya ng mga dela Vega. At kung makakuha man siya ng lead patungkol sa birth parents niya, then, she'll meet them. Para masagot niya ang mga katanungan na nabuo na sa isipan niya sa nakaraang buhay niya pa.

Kung itatakwil man siya ng mga ito, at least, nasagot ang katanungan niya.

Anyway, hindi naman noon maapektuhan ang original plan niya sa buhay. Nasa unahan pa rin ng listahan niya ang pagbili ng maliit na Villa, bumili ng aso at pusa at mamuhay ng tahimik at mag-isa.

The DivorceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon