To Ylavory, thank you 🥰
*******
Huminga ng malalim si Ginang Aria habang tinitignan ang dalawa. Alam niya ang ikinababahala ng anak niyang si Arya, pero hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isipan ni Samantha sa mga oras na 'yun.
"Arya, hindi ka ba magh-hello sa kuya mo?" Pinagtaasan ni Ginang Aria ang kanyang bunsong anak. May kaunting pagbabanta sa paraan ng pagtingin niya dito.
"Oh, ah..." Dahan-dahang lumapit si Arya sa kuya niya na matamang nakatitig sa kanya.
Marami ang nagsasabi na ang panganay na anak ng Auntie Helda niya ang pinaka-gwapo sa lahat. At minsan ng nakita ni Arya ang pinsan niyang iyon. Pero habang tinitingnan niya ang kuya niya ngayon, lihim na napaismid ang dalagita. At naisip niyang talagang nanay lang ang bulag sa physical appearance ng sariling anak. Ano bang pinaka-gwapo ang pinagsasasabi ng mga ito? Eh walang-wala nga ang itsura ng lalaking 'yun sa itsura ng lalaking 'to na kuya daw niya.
"H-hello," nauutal na bati ni Arya. Napaka-awkward sa pakiramdam. Ngayon niya lang ito ulit nakita after how many years? Hindi na niya kinuwenta sa totoo lang. Dahil para kay Arya, buong buhay niyang hinintay ang pagbabalik ng kuya niya. Pero huli na nang dumating ito. May nauna nang tumulong sa kanila.
Anyway, hindi naman sila ganoon ka-close na dalawa.
Likas na takot sa tao si Arya.
Kaya naman hindi na nakapagtataka kung mas close ang dalawang kapatid niya dito kesa sa kanya. Walang maalala si Arya na memorable encounter with her oldest brother. "K-kuya..." Halos pabulong na dugtong ng dalagita.
Ni hindi ito tumingin sa mga mata ng kapatid. Sa isipin ng dalagita ay naglalaro ang maraming katanungan. Bakit ito umuwi? Ano ang nangyari dito?
Palagi itong mukhang mamahalin noong nakikita niya ito dati. Pero bakit mukhang basahan ang damit na suot nito ngayon? Napakunot-noo si Arya. Kung anuman ang agenda nitong magaling niyang kuya, hinding-hindi siya papayag na palayasin nito ang ate Samantha niya. Hmp! Sasama na lang siya o kaya naman mas mabuting umalis na lang ito ulit.
Arya pursed her lips.
Dahil nakayuko siya, hindi nahalata ng lahat ang emosyon niya.
"Sam, finally. Umuwi na si Arem. You're fiancé," masiglang saad ni Ginang Aria na nagpaangat sa paningin ni Arya.
Kaagad na lumingon ang dalagita sa kanyang sister-in-law.
Noong unang beses na makita nila ang lalaking napakagwapo ngunit nakasuot ng kupas na kupas na damit ay pareho silang napahinto at hindi nakaligtas sa paningin ni Arya ang gulat sa paningin ng kanyang ate Sam. Pero ngayong tinitingnan niya ulit ang kanyang future sister-in-law, wala na siyang mabakas na kahit anong emosyon mula sa magandang mukha nito.
Samantha smiled politely.
"Hi, I'm Samantha. Just call me Sam," anang dalaga.
Alam naman niyang alam ng lahat na arrange marriage lang ang mangyayari. Kaya hindi niya kailangang magpanggap na magkakilala sila ni Arem.
Although naa-awkward-an ang buong pamilya. Ipinagkibit-balikat lang iyon ni Samantha. Ang tingin niya rin naman sa fiancé niya ay wala itong pakialam.
Tumikhim si Arem.
Finally.
They finally meet each other!
Hindi niya inaasahan na sa kabila ng mataray at magandang mukha ni Samantha ay mayroon itong malambing na tinig. Ang lahat ng mga larawan na ipinakita sa kanya noon ay malayong-malayo sa demeanor na nakikita niya sa personal.
BINABASA MO ANG
The Divorce
Non-FictionIn her past life, Samantha died at the hands of the person she trusted the most. Though he didn't kill her directly, he was the reason for her early demise. Upon waking up, Samantha promised to live her second life without regret. But first, she mus...