Tulalang napatitig si Arya sa lahat ng mga pinamili ng bagong ate nila. Hindi niya inaasahan na mamimili ito ng ganoon karami!
"Hey Arya, help us please! Mamaya ka na magmuni-muni diyan," kantiyaw ni Samanta sa kanyang sister-in-law na kaagad namang nag-blush.
"S-sorry ate! Nandiyan na po!" mabilis na tumakbo ang dalagita papalapit kay Samantha at mga kuya nito.
"'Yung magaan lang ang kunin mo, Bunso. Kami na ang bahala sa mabibigat," ani Arthur na hindi maitago ang sayang nararamdaman.
Pinagtulungan ng magkuya na buhatin ang 50 kilos na bigas papasok sa loob ng bahay nila. Si Arya naman ay excited bitbitin ang mga prutas at isda na nakita niya sa mga plastic na nakalapag sa kalsada.
Noong iilan na lang ang natitirang plastic ay dinampot na ni Samantha ang mga iyon saka pumasok sa loob ng bahay.
Alas kwatro pa lang ng hapon, pinabayaan ni Samantha ang magkakapatid na ayusin ang mga pinamili nila.
"Arya, ibinili kitang tsinelas. Hindi ako sure sa size mo kaya hindi kita binilhan ng sapatos at mga damit. Bukas tayong dalawa naman ang aalis. Bibili tayo ng damit mo at mga damit ni mama,"
Nakangiting iniabot ni Samantha ang supot na may lamang islander na tsinelas kay Arya.
Nanginginig pa ang mga kamay na inabot iyon ng dalagita. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na may bumili ng gamit para sa kanya.
"Binilhan na kami ni ate Sam ng mga polo, P.E uniform at saka mga pang-alis. Kapag nakabili ka na ng sa'yo bukas, sabay-sabay tayong magsukat,"
Napatingin si Arya sa mga kuya niya.
Alam niyang ayaw ng mga ito na mapag-iwanan siya sa saya kaya hihintayin talaga ng mga ito na magkaroon muna siya ng kanya bago sila sabay-sabay na magsusukat. Nakangiting tumango si Arya.
"Kainin niyo na 'yung Jolly Belly na binili natin. Si mama hindi pwedeng kumain noon dahil mamantika 'yun, sabihin niyo sa kanya kung anong mga prutas ang mayroon sa ref at itanong niyo kung ano ang gusto niyang kainin, okay? Tatawagan ko lang ung foreman,"
"Hindi ka ba kakain ng JB ate?"
"Nope. Hindi ako mahilig doon. Kakain na lang din ako ng prutas mamaya kapag nagutom ako. Para sa inyong tatlo 'yun,"
Pumasok si Samantha sa kwarto na ginagamit niya. Kinuha niya ang de keypad na cellphone saka muling lumabas ng kwarto. Nagtungo ang dalaga sa likuran ng bahay. Noon niya lang iyon nakita. Kaagad na nahalina si Samantha sa duyan na nakasabit sa malaking puno ng mangga.
Naglakad doon ang dalaga at sinubukan kung matibay ba ang duyan. Nang masigurong hindi naman siya ibabagsak noon, tuluyan ng umupo doon si Samantha.
Mula sa bulsa ng suot niyang maluwag na jogging pants ay inilabas niya ang prepaid load at sim card na binili niya sa bayan. Pagkatapos i-insert ang sim ay sinunod namang inayos ng dalaga ang load.
Nang masigurong nakapasok na ang load ay kinuha niya naman ang number na ibinigay sa kanya noong may-ari ng Hardware. Dalawang ring lang ang hinintay ni Samantha bago may sumagot doon.
["Hello?"]
"Mang Solomon?"
["Oo ako nga 'yun. Sino po sila?"] Magalang na tanong ng matanda sa kabilang linya.
"Ah, ibinigay po ni Sir Martin ng Hardware ng Bayan ang number niya. Ipapa-ayos ko po sana ang bahay ng mother-in-law ko dahil tumulo na at inaanay na ang mga dingding. Wala po kase akong kakilala sa lugar na 'to at ikaw ang nireto ni Sir Martin. Kung okay lang po sa inyo, baka pwede niyo pong i-estimate ang bahay namin bukas o kung kailan po kayo bakante?" malumanay na sabi ni Samantha.
BINABASA MO ANG
The Divorce
Non-FictionIn her past life, Samantha died at the hands of the person she trusted the most. Though he didn't kill her directly, he was the reason for her early demise. Upon waking up, Samantha promised to live her second life without regret. But first, she mus...