Madilim pa rin ang buong kapaligiran nang magising si Samantha. Ikinurap-kurap niya ang kanyang mga mata at pilit na inalala kung ano ang mga nangyari bago siya tuluyang mawalan ng malay.
Hmm?
I think I heard Arem's voice.
O baka naman guni-guni ko lang 'yun since I'm dying?
Napalunok si Samantha. Pagkatapos niyang marinig ang tinig ni Arem ay bigla na lang siyang nawalan ng malay. Kaya hindi niya masiguro kung halusinasyon niya lang ba iyon.
Tsk. Maybe I'm dying or worst, I'm already dead. Naiiling na wika ni Samantha sa kanyang sarili. Pero sa totoo lang, hindi niya rin maintindihan kung bakit boses nito ang narinig niya nang mga sandaling iyon.
Siguro ay dahil malaki ang expectations niya sa magiging relasyon nilang dalawa in the future. Dahil aminin man niya o hindi, deep inside, nangangarap din si Samantha na magkaroon ng sarili niyang pamilya. Iyong pamilya na matatawag niya talagang sa kanya. Walang pwedeng humusga na sampid lang siya sa relasyon na iyon o ipinagsisiksikan niya lang ang sarili niya. Because that person will be her better half. Her pillar of support. Her very own family. Because he promised that he will marry her witph her true identity.
Huminga ng malalim si Samantha.
Unti-unti na namang bumigat ang pakiramdam niya.
Siguro kahit ang tadhana ay nahihirapan kung paano siya bibigyan ng sariling pamilya. Dahil hindi pa man niya nakikilala ng lubusan si Samuella. At hindi pa man lumalalim ang interaksyon nilang dalawa ni Arem ay kinuha na siya.
Marahil nga mas mabuting mawala na lang siya.
Napakagat-labi si Samantha.
Bakit pakiramdam niya ay napakaiksi naman ng buhay niya?
May lungkot sa mga mata na inilibot ni Samantha ang kanyang paningin. Napakurap-kurap siya at muling pinasadahan ng tingin ang buong kapaligiran.
In the end, hindi niya mapigilan na mapakunot-noo.
Bakit parang kilala niya ang lugar na 'to?
Hindi naman ito paraiso at mas lalong hindi ito impyerno. Ito ang lugar kung saan siya nag-shooting ng variety show kasama ang kanyang pinaka-paboritong mother-in-law.
Pero bakit siya nandito?
Napatulala na lang sa tahimik at malinis na bahay-kubo si Samantha. Hindi niya malaman kung ano na ang iisipin sa mga sandaling iyon.
Hindi na niya alam kung ano ang paniniwalaan.
Kung lumiban na ba siya sa kabilang buhay, o baka naman...na-engkanto siya? Hindi kaya may kapre o malignong nagkagusto sa kanya sa kagubatang iyon at iginawa siya ng bahay na katulad na katulad nang tinirhan nilang dalawa ng mother-in-law niya?
Napakagat sa kanyang pang-ibabaw na labi si Samantha.
Pakiramdam niya ay nasisiraan na siya ng bait.
Noong bumukas ang pintuan ng bahay-kubo ay wala sa sariling napatitig doon si Samantha.
Ilang beses na naman siyang napakurap. Minamaligno nga siguro siya. Yes. That's the only explanation she can give herself. Malamang sa malamang, minamaligno siya at engkanto itong nasa harapan niya.
"You're awake? How do you feel?"
Mabilis na lumapit kay Samantha ang nag-aalalang nilalang. Napatitig na lang si Samantha dito. She bit her lower lip and looked at the person in front of her seriously.
Though may eyebags ang lalaking nasa harapan, hindi maitatago noon ang karismang taglay nito. Napalunok si Samantha. Maging ang tono ng boses nito ay nagbibigay ng kakaibang excitement at kaba sa dibdib niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/358274078-288-k575540.jpg)
BINABASA MO ANG
The Divorce
Non-FictionIn her past life, Samantha died at the hands of the person she trusted the most. Though he didn't kill her directly, he was the reason for her early demise. Upon waking up, Samantha promised to live her second life without regret. But first, she mus...