Chapter 55: Felt Like A Roller Coaster Ride

716 31 1
                                    

Nang pumasok sa loob ng isang ekslusibong subdivision ang Toyota Sienna, kaagad na sumunod si Samantha doon. Siya ang may dala ng kotse ni Arem dahil hindi naman nila iyon pwedeng iwanan sa probinsya. Dinala na nilang lahat ang mga importanteng gamit na madadala nila.

Ang naiwanan sa bahay ay si Himawari at ang lolo at lola nito.

Nang tanungin si Samantha ng kanyang mother-in-law kung ano ang magandang gawin sa iiwanan nilang bahay, kaagad na isinuggest ni Samantha na patirahin na lang doon si Himawari kasama ang lolo at lola nito dahil pare-parehong itinakwil na ang tatlo ng mga tiyahin at tiyuhin ng bata.

Dahil napaghati-hatian na ng mga ito ang lupa na pag-aari ng dalawang matanda, wala na silang pakialam sa mga ito. Wala namang mag-aalaga sa tanimang naiwanan nila na nasa likuran ng bahay kaya magandang choice na ang dalawang matanda na sa kabila ng kanilang edad ay malalakas pa rin at mabibilis pa ring kumilos.

Napatitig si Samantha sa magandang bahay na nasa kanyang harapan. Dalawang palapag iyon at hindi naman kalakihan.

Napapalibutan iyon ng magandang hardin.

"Arya..."

Marahang tinapik ni Samantha sa hita ang dalagitang nakaupo sa shotgun seat. Ayaw nito pumayag na bumiyahe siyang mag-isa kaya naman sinamahan siya nito sa kotse. Tanging ang dalawang upuan lang sa unahan ang pwedeng maupuan dahil punong-puno na rin ng gamit ang trunk at back seat ng kotse.

Dahan-dahang nagmulat ng mga mata niya si Arya. Inaantok pa na napatitig siya sa magarang bahay na nasa kanilang harapan.

Magkasabay pa silang napatitig sa kaliwang bahagi ni Samantha noong may kumatok doon.

Ibinaba ni Samantha ang salamin ng bintana.

"Mom,"

"Are you okay, Sam? Are you tired?" Nag-aalalang tanong ni Ginang Aria sa kanyang daughter-in-law.

"I'm fine mom. Medyo inaantok lang po," ani Samantha saka ngumiti ng matamis sa nag-aalala niyang mother-in-law.

Magkasabay silang bumaba ni Arya sa sasakyan.

Bago pa sila makarating sa front door ay may nagbukas na noon. Lumabas ang may edad na babae at nakangiting tiningnan sila isa-isa.

"Y-yaya Loleng?"

"Señorita, naalala mo pa ako," emosyonal na wika ng matandang babae na sa kabila ng edad ay maiglas pa rin naman kumilos.

Nagpalipat-lipat ang tingin ng lahat kay Arya.

Noon lang nila na-realize kung gaano katalas ang memorya ng dalagita. Ilang taon na ang nakalilipas pero natatandaan pa rin nito si Ginang Siony na tumulong sa kanila noon, at pagkatapos naman ay si Yaya Loleng. Ilang taon lang sila noong alagaan ng may edad na babae, pero heto at natatandaan pa rin siya ng dalagita.

"Iilan lang naman po kase ang mga taong naging mabait sa amin. Hinding-hindi ko po makakalimutan ang mga taong 'yun, at kasama ka na po doon," malumanay na wika ni Samantha.

Lumapit siya sa may edad na babae saka nagmano dito. Kaagad namang sumunod sina Ariston at Arthur. Bilang paggalang, nagmano din si Samantha sa babae.

"Señorita Sam, naikwento ka po sa akin ni Ma'am Aria," nakangiting wika ni Yaya Loleng na nginitian lang ni Samantha.

"Good morning po," kiming bati ni Sam.

Inilibot niya ang kanyang paningin sa buong kapaligiran. Pamilyar sa kanya ang Subdivision. Hindi niya lang alam  kung bakit ganoon ang pakiramdam niya.

"Ate!"

Kaagad na sumunod si Samantha sa magkakapatid nang pumasok ang mga ito sa loob ng bahay.

Pagpasok nila sa loob ay may dalawang katulong pa na bumati sa kanila.

Hindi mapigilan ni Samantha ang manibago. Siguro dahil nasanay siya sa ilang buwang pananatili sa probinsiya na tanging ang triplets at mother-in-law niya lang ang palagi niyang kasama.

Sa mansion ng mga dela Vega, Miss ang tawag sa kanya ng mga kasambahay. Although wala namang kaso sa kanya ang pagtawag ng mga ito ng Señorita, pakiramdam lang ni Samantha ay hindi na siya kabilang sa mundo na iyon.

Unti-unti nang umaayos ang pamumuhay ng mga ito.

At marahil, hindi na aabutin pa ng taon ang pananatili niya sa buhay ng mga ito.

Kailangan ko nang makaipon. Bago pa matagpuan ni Arem ang babaeng pakakasalan niya ng totoo, kailangang makahanap na ako ng bago kong titirahan.

Samantha narrowed her eyes.

Simula nang magtagpo ang landas nila ng abogadang si Gabrielle Pilar, hindi na siya mapalagay.

Samantha has been feeling uneasy lately due to the way Gabrielle talks about Arem. She can't forget the way Gabrielle's face lights up, and her eyes twinkle with excitement every time she mentions Arem's name.

Samantha can't shake off the feeling that there might be something more between them. Even though Samantha and Arem are in a convenience marriage, she can't help but feel worried that she might be in a disadvantageous position. Samantha wants to be prepared if there really is a relationship between Gabrielle and Arem, so she doesn't end up getting hurt. Therefore, she has decided to seek a peaceful divorce as soon as possible to avoid any further complications.

Samantha took a deep breath and looked around the spacious master bedroom.

Ito na ang bagong silid nila ni Arem.

Hindi na niya nadala ang higaan niya dahil ayaw naman iyong ipadala ng kanyang mother-in-law. Sa totoo lang, masaya siya para sa mga ito. Pero hindi mapigilan ni Samantha ang malungkot.

Hindi magtatagal at maghihiwalay na talaga sila ng landas. Ngumiti ng mapakla si Samantha. Simula nang makausap nila ang abogada na 'yun, ang bigat-bigat na ng pakiramdam niya.

Muling huminga ng malalim si Samantha.

Ipinilig niya ang kanyang ulo at saka inayos sa walk in closet ang mga damit na dala-dala niya. Hindi niya mapigilang mapatigil nang makitang ang dami ng mga bagong damit na nakalagay doon para sa kanya.

Sa vanity table ay may nakalagay na note.

To my beloved daughter-in-law, Sam.

Samantha looked up. She's trying her best not to cry or to be sentimental. Even though her eyes and nose felt sour, she did her best not to cry.

Please, accept everything. Simpleng regalo lang ang mga ito, anak. Salamat. Kung hindi dahil sa'yo baka kung saan na kami pinulot. Please, stay with us. Let us be a family for eternity. Love, Mom.

Sa hindi na mabilang na pagkakataon ay muling huminga ng malalim si Samantha. Sa totoo lang, noong nakaraang araw pa parang roller coaster ang pakiramdam niya. Hindi niya maipaliwanag at hindi niya rin alam kung paano iha-handle ng maayos dahil sa totoo lang, wala naman sa plano niya ang ma-attach ng labis sa mga ito.

Pumili ng isang summer dress si Samantha.

Nasa Capital na rin lang naman siya, naisip niyang maghanap ng ibang trabaho para mas madaling makaipon. Kahit na malaki ang kinikita niya sa jewelry shop, pakiramdam ng dalaga ay hindi sapat iyon.

Lalo na ngayong may posibilidad na may love interest talaga ang asawa niyang si Arem.

Mukhang hindi na siya tatagal ng ilan pang buwan.

Hindi na niya hihintayin na magmakaawa ito sa kanya. Kailangang makahanap na siya ng matutuluyan para siya na ang kusang aalis.

Mahinang tinampal ni Samantha ang magkabila niyang pisngi. Ipinilig niya ang kanyang ulo at saka nagtungo sa banyo.

Baka kulang lang siya sa ligo.

Siguro hindi na sapat ang isang beses na paliligo sa maghapon. Dapat yata tatlo o limang beses niyang gawin iyon para naman mahimasmasan siya. She's not like this in the past. She must not give up her original plans.

Dahil iyon lang naman ang pamumuhay na nababagay para sa kanya lalo na kung katahimikan at kapayapaan ang gusto niya. Walang kahit na sinong magri-restrict, walang kahit na anong iisipin at iintindihin. Sarili niya lang.



The DivorceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon