Kinakabahan at nanginginig pa ang mga kamay na iniabot ng may edad na lalaki ang account books sa lalaking nakaupo ng tuwid sa mamahalin at magarang upuan. Kasalukuyan silang nasa main office ng A's Jewelry Shop Main Branch.
"S-sir..."
Kahit na nakasuot ng kupas na maong at lumang polo shirt ang lalaking nasa harapan ng may edad to shop keeper, hindi niya magawang mag-relax dahil sa overbearing na aura nito.
"How's the shop, Shopkeeper Magtanggol?" the man asked without emotion.
Wala itong pakialam sa tingin na ipinupukol ng sarili nitong tauhan na para bang normal lang na ganoong uri ng pananamit ang dapat na suotin sa araw na pagbisita nito sariling sikat na jewelry store.
"G-good. I-it's good Sir. Mas lalong lumakas ang benta natin dito at sa iba pang lugar mula noong mag-submit ng mga designs niya si Miss S,"
"Where's her designs?"
"Wait lang po Sir Arem, kukuhanin ko lang po sa vault," kaagad na tumalikod ang shopkeeper na siyang pinakamatagal na tauhan ni Arem.
Ilang minuto lang ay muli itong bumalik dala-dala ang ilang puting papel.
Kinuha ni Arem iyon noong iabot ng may edad na lalaki saka isa-isang tiningnan ang mga drawings. All of it are elegant and sophisticated. Puro series ang ginagawa nang designer na natagpuan ni Shopkeeper Magtanggol. At lahat iyon ay bumenta ng malaki mula noong unang ilabas hanggang sa ilang buwan na ang lumipas.
"Lalaki o babae?"
"B-babae po,"
"Wala namang reklamo sa bayad mo?"
"W-wala po,"
"I want to see her contract,"
"H-heto po. D-dala ko na din,"
Arem looked at the contract seriously. Honestly, the one who was at a disadvantage was the designer. Even though they didn't give her the highest talent fee, she still accepted it.
Arem is satisfied. His shopkeeper did a great job. They've earned a lot from her designs.
He looked at the designer's signature and his eyes constricted when he saw the name.
Samantha Daureen Salvador.
Isn't this his soon-to-be wife's name?
He swallowed hard.
Para siyang sinapak dahil sa nalaman.
Ganito lang kababa ang bayad sa asawa niya pero sa loob ng dalawang buwan ay napakarami na nitong isinumite na mga designs. At lahat ng mga kinikita nito ay napupunta sa pamilya niya?
Biglang-bigla ay na-guilty siya.
Ang laki ng kinikita ng Jewelry Shop niya mula sa designs nito pero kakarampot lang ang nakukuha nitong komisyon?
"Change her contract," Arem said in an annoyed tone.
Naiinis siya sa sarili niya. Parang napakalaki niyang gago sa ginawa ng sarili niyang jewelry shop sa asawa niya. Although masasabing okay na rin ang ibinibigay nila dito, still, that's his wife! His soon-to-be wife!
He felt that they were bullying her.
Damn.
"C-change Sir?" Nauutal pa rin na tanong ni Shopkeeper Magtanggol.
"Yes. Aside from her commission, give her 20% of every sold jewelry,"
"P-per piece po?"
BINABASA MO ANG
The Divorce
Non-FictionIn her past life, Samantha died at the hands of the person she trusted the most. Though he didn't kill her directly, he was the reason for her early demise. Upon waking up, Samantha promised to live her second life without regret. But first, she mus...