Chapter 64: The Hungry and Irritated Sam

674 35 0
                                    

Ilang beses na kumurap-kurap ang assistant na si Ren habang tinititigan ang katulong na nasa harapan niya. Bigla na lang itong sumakay sa kotse na ginamit niya para maitakas ang double ni Samuella.

"Sinabi ko sa boss mo na tumakas siya doon, bakit ikaw ang pinapunta niya dito?" Nakakunot-noong tanong ni Ren.

Hindi ba alam ng babaeng 'yun na napakadelikado sa mansion na iyon? Ugh.

Sumasakit na ang ulo niya dahil sa sunod-sunod na problemang iniwanan ni Samuella.

Kapag hindi pa ito nagpunta sa Variety Show, siguradong iba-ban na ito ni Direk Tasha sa lahat ng mga projects na gagawin nito. Ang buong akala niya pa naman ay mapagkakatiwalaan ang double na nakuha niya para kay Samuella. Pero mukhang sablay pa yata siya ng pinili.

"May wet wipes ka?"

Sandaling natigilan si Ren nang marinig ang pamilyar na tinig. It really sounds like Samuella's voice. Kahit nagdududa ay mas minabuti ni Ren na iabot ang make up remover wipes.

Kaagad na kinuha iyon ng katulong at dali-daling kinudkod ang sarili nitong mukha. Ilang minuto pa ay lumitaw na sa paningin ni Ren ang mukhang ilang taon na rin niyang hinahangaan. It's so fresh looking and gorgeous! No wonder, ang daming make up brands and beauty products ang nakapila sa harapan ni Samuella. She's too pretty that no matter what kind of beauty products she will use, it will surely become a hit.

Bukod sa angking ganda, pumapalo din sa 20 Million ang followers ni Samuella sa social media. Pero dahil hindi naman mahilig manuod ng tv si Samantha, never niyang nakita na may kamukha pala siyang artista na sikat na sikat pa.

Kung noon pa marahil ay nalaman iyon ni Samantha, baka noon pa siya umalis sa poder ng mga dela Vega para mag-imbestiga.

"Sabi mo, gawan ko ng paraan para makatakas? It's the only solution I can make. Salamat kay Yaya Puring, nakaalis ako ng maayos sa mansyon," ani Samantha sa seryosong tinig. "So saan ang shooting?"

"Sa malayong probinsiya pa. Nandoon na silang lahat at bukas magsisimula ang shooting. Dadaanan muna natin ang driver na kinuha ko para ipag-drive tayo papunta doon. We're both not safe here as of the moment. Wala si Chairman at ganoon din si CEO Zobel,"

"Sure. Baka pwedeng bumili ka na rin ng pagkain? I'm starving,"

Tanghalian lang ang kinain ni Samantha sa mansyon ng mga Allejo. Dahil sa kahihintay niyang dumilim ang buong kapaligiran, hindi na niya nagawang bumaba para kumain ng hapunan.

Nang muling bumalik sa sasakyan si Ren ay may kasama na itong lalaki na may matipunong pangangatawan. Sa tabi niya naupo si Ren at may iniabot itong disposable tub na may laman na egg sandwich.

Dalawang slice lang iyon at feeling ni Samantha, hanggang lalamunan niya lang ang kayang marating ng naturang pagkain. Ni hindi iyon aabot sa sikmura niya para maibsan ang gutom niya.

"No rice?" Nakataas ang kilay na tanong ni Samantha. "Not even ulam?" Disappointed na dagdag niya pa.

Pumayag siya sa trabahong ito para kumita ng pera, hindi para gutumin ang sarili niya.

"You're on a diet," istriktong saad ni Ren.

"My metabolism was different from her. I can eat three plates of rice ng hindi nadadagdagan ang bilbil o timbang ko. If you don't feed me properly, baka bigla na lang akong humandusay sa harapan mo, Miss Assistant,"

Kaya naman pala ang payat-payat ng kakambal niya. Ginagawa itong kambing ng sarili nitong assistant.

"Ayoko niyan. Gusto ko ng kanin at ulam. Kung hindi mo ko pakakainin ng normal na pagkain, uuwi na lang ako sa amin. Hindi ako ginugutom ng asawa ko 'no," nakaingos na bulalas ni Samantha at saka inilapag sa upuan ang disposable tub.

The DivorceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon