Chapter 50: Doubt

777 40 2
                                    

SAN MARIANO PROVINCE

Tahimik na nag-aalmusal ang buong pamilya sa loob ng maliit na tahanan. Ang haligi ng tahanan, Si Mang Rodeo ay kape lang ang tanging nasa harapan.

"Itay, may kaunting kanin pa naman po, bakit hindi po kayo kumain?"

Napalingon si Mang Rodeo sa bunsong anak. Lima ang anak niya, apat na babae mula panganay hanggang pang-apat, at lalaki ang kanilang bunso. Singkwenta anyos pa lang si Mang Rodeo pero dahil sa kahirapan ng buhay, parang nasa 60 pataas na ang kanyang edad.

"Okay lang ako Rohan, anak. Busog pa ako,"

Tahimik na kumain ang magkakapatid. Mula sa kinauupuan ay hindi naman mapigilan ng may edad na babae ang pagbabago ng kanyang emosyon. Nanghahapdi ang kanyang mga mata, pero pinipigilan niya ang umiyak.

Ilang taon na silang naghihirap at nagdurusa. Pareho naman silang nagsisikap na mag-asawa pero bakit parang napakailap ng kahit kaunting kaginhawahan sa buhay nila?

"Hal, kainin mo na ang natirang kanin. Hindi ba at pupunta ka pa sa mansyon ng mga Azure?" Tukoy ni Mang Rodeo nang magsasakang si Mang Rodeo sa kanyang asawa.

Huminga ng malalim ang ginang.

48 years old pa lang ito pero katulad ng asawa, tila ba ay tumanda ito ng sampu.

"Hindi na, Mahal. Doon na lang ako kakain kapag nagutom ako. Ikaw, kailangan mo ng lakas dahil mag-aani kayo ngayon," anang ginang sa natural nitong malambing na tinig.

Tahimik lang na nakikinig ang kanilang mga anak sa kanilang mga magulang.

Bumuntong-hininga naman si Mang Rodeo.

"Matatapos na ngayong anihan ang utang natin sa mga Rivera. Kapag natapos ang anihan na ito, luluwas tayo sa Siudad. Maghahanap ako ng ibang trabaho. Makikituloy muna tayo sa pinsan kong nagtatrabaho sa talyer," mahinang wika ni Mang Rodeo.

Sandaling tumigil sa pagkain ang limang na magkakapatid. Ang pinakamatanda sa kanila ay labing walong taong gulang na babae, ang sumunod ay labing-anim, na sinundan ng labinglima, sampung taon naman ang pang-apat at anim na taon ang bunsong lalaki.

"Titigil na rin po ako sa pag-aaral itay. Maghahanap po ako ng mapapasukan doon," anang panganay na babae.

Sandaling itinigil ni Mang Rodeo ang pag-inom na gagawin niya sana sa malabnaw at matabang na kape.

Pero wala siyang maapuhap sabihin.

Dahil alam naman ng may edad na magsasaka, na kapag umalis sila sa lugar na iyon, ay hindi niya rin maipapangako sa kanyang pamilya ang magandang buhay sa pagluwas na gagawin nila.




*****

"Ate Sam, ano po 'yang binabasa mo?" Curious na tanong ni Arya.

Buong katawan at isipan ng dalagita ay sobrang excited sa road trip na gagawin nila. Kaninang alas siete pa sila bumabyahe, at dahil nagutom na sila, nag-ayang kumain ng lomi ang kanilang ate Samantha.

"Don't mind me. Kain lang kayo. Kapag kulang, order lang kayo doon," ani Samantha.

Kanina niya lang napansin sa sasakyan ang folder. Sa pagkakatanda niya, iniabot iyon ni Arem sa kanya. Tiningnan niya lang ang mapa na nakalagay sa bungad ng folder. At ngayong kumakain sila, saka niya pa lang inisa-isa kung ano ang laman noon.

Lahat iyon ay mga lehitimong titulo farm at palayan na halos isang buong barangay ang bawat laki.

Hindi lubos akalain ni Samantha na ganoon pala kalaki ang lupain na pag-aari ng kanyang mother-in-law.

The DivorceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon