Chapter 31: Lunch Date

813 35 2
                                    

Pinagpapawisan ang mga kamay na muling binasa ni Shopkeeper Magtanggol ang text messages na natanggap mula sa number ng boss niya.

Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na nagbigay ito ng utos sa kanya gamit lamang ang text. At napagtanto ng may edad na lalaki na iisa lang ang impact noon sa kanya.

His boss' orders whether he says it personally or through text are just the same!

Parehong nakaka-nerbiyos at nakakapanlambot ng tuhod ang utos na nagmumula sa boss nila kahit na ginawa pa iyon sa magkaibang paraan.

Huminga ng malalim si Shopkeeper Magtanggol.

Pilit na inaalis ang nerbiyos na nararamdaman.

"Haah!"

Susmio, sino bang mag-aakala na ang hinahangaan niyang designer ay asawa pala ng boss nila?

Pakiramdam ng may edad na lalaki ay mas lalo lamang dumami ang butil ng pawis sa noo niya.

Mabuti na lang at hindi niya sinungitan at pinagtabuyan noong unang beses na nagtanong kung tumatanggap ba sila ng mga designs ang asawa ng boss niya.

"M-mabuti na lang talaga, haah!" Muling napabuga sa hangin ang loyal na tauhan ni Arem.

Muling tiningnan ni Shopkeeper Magtanggol ang text sa kanya ng boss niya. It's just a short message telling him to change the VIP Card into a Super VIP na kung saan walang restrictions sa lugar na pwedeng puntahan. Bukod pa doon, lahat ng items na bibilhin ng kanilang madam ay sasagutin ng AJS.

Ang total spending ng card ay one million a month!

One million!

Pakiramdam ni Shopkeeper Magtanggol ay magkaka-heart attact na naman siya.

Noong unang beses na naglabas ng ganoong uri ng Super VIP card ang management, iniisip niya na bukod sa kanilang boss, wala ng iba pang pwedeng gumamit ng card na iyon. Hindi niya inaasahan na ang unang gagamit noon ay ang asawa nito na siyang designer nila.

One million.

Imagine kung gaano kalaki iyon. Pero parang nagbibigay lang ng isang daang piso kada buwan ang boss niya.

Kabilin-bilinan pa nito na huwag na huwag sasabihin ang tungkol sa spending limit ng card.

Nanginginig ang mga kamay na dinampot ni Shopkeeper Magtanggol ang tasa ng tsaa sa tapat niya.

"Sir, nandito na po ang bisita niyo," magalang na saad ng isang waitress mula sa may pintuan.

Tumango lang ang may edad na lalaki. Noong makita nito si Samantha ay kaagad itong tumayo mula sa pagkakaupo at magalang na bumati.

"Miss Sam, good afternoon po," magalang na bati ni Shopkeeper Magtanggol kay Samantha.

"Magandang tanghali, Shopkeeper Magtanggol. May kailangan po ba kayo sa akin?" Curious na tanong ng magandang babae.

Noon lang ito nakita ni Shopkeeper Magtanggol na nagsuot ng make up. Usually kapag nagdadala ng mga designs nito sa shop nila ang babaeng kaharap, palagi lang itong nakasuot ng oversized t-shirt at baggy pants. Kaya naman hindi ito gaanong pinagtuunan ng pansin ng shopkeeper.

Pero ngayong nakaayos ito, ngayon niya lang na-realize kung gaano ito kaganda at masasabi ng may edad na lalaki na bagay na bagay ito sa boss Arem niya.

With her looks and bearing, the woman in front of him is on par with his boss. And that's why he can calmly and silently say that they are a perfect match.

"May importanteng bagay lang ako na ibibigay. Sobrang nagustuhan ni Boss ang Limited Edition na December Collection," nakangiting wika ni Shopkeeper Magtanggol.

The DivorceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon