Magkahawak kamay na pumasok sa loob ng boutique si Samantha at Arya. May tatlong babae sa loob ng boutique, dalawang nag-aayos ng mga naka-display na damit at isang nakatayo sa harapan ng counter.
Kaagad na lumapit sa dalawa ang babaeng may kaliitan ang height.
"Good afternoon po, anong damit po ang hinahanap niyo Ma'am? Pang-casual occasion po ba or pang formal?" Nakangiti ito habang magalang na nagtatanong.
"Ahm, 'yung damit na nakasuot sa mannequin, gusto po sanang isukat ng ate ko," excited na bulalas ni Arya.
"Sige po, kukunin ko lang po sa mannequin, dito po kayo," magalang na iginiya ng babae ang dalawa papunta sa may changing room.
Hindi pa sila nakakalayo ay may mga costumers na naman na pumasok sa loob ng boutique. Suki na ang mga ito at excited na nilapitan ito ng isa pang babae.
"Ma'am Chandra, kailangan niyo po ng pam-party?" Nanunudyong tanong nito sa babaeng bagong dating.
"Hay naku, ano pa ba," kunwari ay naiinis na sagot ng babae na sinabayan nito ng pagtawa ng nakakaloko. "Ang magaling kong nanay at magpapa-party sa bahay dahil birthday ng kuya. Tsk. Ang tanda-tanda na noon eh, dapat simpleng celebration na lang ang gawin," maktol pa ng tinig.
Huminto sa paglalakad si Arya kaya naman napahinto din si Samantha. Maang na sinundan ni Samantha ng tingin ang direksyon na tinitingnan ng dalagita.
Nakatitig ito sa babaeng kanina pa ang paawa at pagpapa-cute habang nakaupo sa visitor's lounge.
There's something wrong with the way Arya looked at the woman, kaya hindi mapigilan ni Samantha ang pagtataka na nararamdaman.
Mukhang kaseng edad niya ang babae kaya naman imposibleng kaklase ito ni Arya.
Pero bakit punong-puno ng galit at hinanakit ang paraan ng pagtingin nang dalagita dito?
"You know her?" Mahinang tanong ni Samantha saka tinapik sa ulo ang dalagita.
Unti-unti itong tila ba nahimasmasan nang maramdaman ang marahang pagtapik sa ulo niya.
Kumurap-kurap si Arya.
At hindi naman mapigilan ni Samantha na lalong mag-alala dahil nakikita niyang unti-unting namumula ang mga mata ng dalagita.
Maya-maya pa ay isa-isa nang tumulo ang mga luha mula sa maamong mga mata ng dalagita.
"Hey what's wrong?" Nag-aalalang hinarap na ng tuluyan ni Samantha si Arya.
"M-may masakit ba sa'yo? Uuwi na tayo, sabihin mo kay ate, saan ang masakit?"
Nag-aalalang tumigil sa paglalakad si Samantha kaya naman nagtatakang huminto rin sa paglalakad ang babaeng nag-a-assist sa kanila.
"Ma-masak-kit d-dito, a-ate," may diin ang bawat pagbigkas ni Arya na sinasabayan nito ng marahan ngunit may pwersang pagdagok sa sariling dibdib.
"Hey!" Nanlalaki ang mga matang kinuha ni Samantha ang kamay ng dalagita.
Hindi niya maintindihan kung anong nangyari dito at bigla na lang itong nagkaganoon.
Huminga ng malalim si Arya.
"Arya, what's wrong?" nag-aalalang tanong ni Samantha. "Tell me, what happened?" Ulit na tanong pa ng dalaga.
Paulit-ulit na nag-breath in, breath out si Arya hanggang sa unti-unti itong kumalma.
Muli nitong tinitigan ang babaeng nakikipag-kwentuhan pa rin sa isa pang saleslady.
Punong-puno ng galit ang tingin na ipinupukol ni Arya dito na lalo lang nakadagdag sa pag-aalala at paglabahalang nararamdaman ni Samantha.
For the 10th time, Arya took a deep breath. Hindi nito inaasahan na makikita ang babaeng isa sa mga dahilan ng bangungot niya!
BINABASA MO ANG
The Divorce
Non-FictionIn her past life, Samantha died at the hands of the person she trusted the most. Though he didn't kill her directly, he was the reason for her early demise. Upon waking up, Samantha promised to live her second life without regret. But first, she mus...