Chapter 28: Last Option

840 35 0
                                    

"Nabili mo ba ang lahat ng mga ipinapabili ko sa'yo?" Seryosong tanong ni Ginang Aria noong dalhin ni Arem ang lahat ng pinamili sa ibabaw ng kanilang kahoy na lamesa.

Bagong lamesa din iyon na yari sa matibay at mamahaling kahoy. Six seaters at mahaba ang lamesa.

"Yes," tipid na sagot ni Arem.

Of course, nabili ang lahat.

Kabilin-bilinan niya kay Shopkeeper Magtanggol na bilhin ng tama ang lahat ng nasa listahan. Kaya naman inutusan ng matandang shopkeeper ang isa sa mga cashier na pinagkakatiwalaan nito.

"Good. You're very good," proud na wika ng ginang.

Hindi kumibo si Arem. Alam naman niyang hindi nararapat sa kanya ang papuring iyon. Hindi siya ang bumili dahil una sa lahat, hindi niya alam kung nasaan ang palengke. Pangalawa, hindi niya alam kung ano ang pinagsususulat ng nanay niya. Pangatlo, wala siyang katiyaga-tiyagang magkumpara ng mga presyo.

Kabilin-bilinan ng kanyang ina ay piliin niya ang pinakamurang brand ng mga produktong pinabibili nito dahil ayon dito ay hindi na kagaya ng dati ang buhay nila. Hindi iyon magawa ni Arem dahil pakiramdam niya ay pagsasayang lang iyon ng oras.

Marami siyang pera.

Iyon nga lang ay hindi niya iyon mailabas. At hindi niya magamit sa sarili niyang pamilya. Huminga ng malalim si Arem. Sumama na namaj ang timpla niya. Kesa magmukmok ay minabuti niya na lang na magpunta sa likod at mag-igib ng tubig.

Nakita niya kaninang umaga kung paano punuin ng mga kapatid niya ang dalawang malaking drum sa banyo ganoon rin ang tatlong drum sa paligid ng poso na ipinagawa din ni Samantha.

Ilang beses na nagpabalik-balik sa pagtutungga at pagsasalin ng tubig si Arem. Mula sa balde hanggang sa pagdadala noon at pagsalin sa drum na nasa loob ng banyo.

"Kuya, kami naman,"

Habang nagtutungga sa poso ay lumingon si Arem sa mga kapatid na kauuwi lang galing sa school.

"Kami naman kuya," ulit ni Arthur sa sinabi ng kuya Ariston niya.

"No need. I'm almost done," he said calmly. "Just do your homework,"

Nagkatinginan si Arthur at Ariston. Hindi nila magawang kontrahin ang kuya nila.

Iyon ang unang pagkakataon na may umagaw sa trabaho nilang pag-iimbak ng tubig.

"Let me do it while I'm here. Next week I'll be working at the City," dagdag na sabi pa ni Arem sa mga kapatid.

Nakikita niya kase na para bang hindi mapakali ang mga ito.

"Magta-trabaho ka na ulit, kuya?"  Excited na tanong ni Arthur.

"Sa City?" Curious na tanong naman ni Ariston.

"Uhm,"

"Talaga? Saan doon anak?" Hindi naman mapigilan ni Ginang Aria na makisali sa usapan ng kanyang mga anak.

"Appraiser, sa AJS,"

"A-appraiser?"

"Umn,"

Sandaling natigilan si Ginang Aria.

Parang may bagay na sumasakal sa puso niya.

Bilang isang ina, alam niya kung ano ang potensiyal at kakayanan ng kanyang anak. He can easily dominate na business world. Hindi ito kagaya ng kanyang yumaong asawa na walang katalent-talent sa pagnenegosyo. Nakita ng ginang noon pa mang high school ang anak kung paano ito hangaan ng kanyang biyenan lalo na ng mga kaibigan ng matanda.

The DivorceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon