Chapter 58: Someone Who Looks Like Her

722 38 6
                                    

Kaagad na huminto si Samantha sa unang bar na nakita niya.

She's on the East side of the Capital.

Nag-park lang siya sa parking area at pagkatapos ay pumasok na siya sa loob.

Hindi naman talaga siya umiinom kapag stress siya o may pinagdadaanan. Pero sa pagkakataon na iyon, wala naman siyang ibang pupuntahan. Ayaw niyang tawagan ang kaibigang si Adrienne dahil siguradong aasarin lang siya nito. Wala siya sa mood makipag-asaran sa kaibigan niya sa pagkakataong 'yun.

"Do you have Raspberry Martini?" Kaagad na tanong ni Samantha sa bartender noong magtungo siya sa unahan.

"Yes, Ma'am,"

Nag-order ng isang inumin si Samantha at saka tumingin sa unahan. Nagsisimula pa lang na kumakanta ang lalaking nakaupo sa stool na nakalagay sa make shift stage. Kinakanta nito ang bagong sikat na kanta ngayon.

Ang Fallin' ni Janno Gibs. Madalas nang marinig ni Samantha ang kanta na iyon, lalo na at hilig ni Arthur ang mag-practice ng gitara, minsan siya pa ang ginagawa nitong vocalist.

Pumailanlang sa buong paligid ang malamyos na tinig ng lalaking singer sa bar.

True, yeah
Yeah, yeah

Our little conversations
Are turning into little sweet sensations
And they're only getting sweeter every time
Our friendly get-togethers
Are turning into visions of forever
If I just believe this foolish heart of mine

Hindi lang maintindihan ni Samantha kung bakit, pero iba ang dating sa kanya ng lyrics sa mga sandaling iyon.

I can't pretend that I'm just a friend
'Cause I'm thinkin' maybe we were meant to be

I think I'm fallin', fallin' in love with you
And I don't, I don't know what to do
I'm afraid you'll turn away
But I'll say it anyway
I think I'm fallin' for you (fallin' in love with you)
I'm fallin' for you (fallin' in love with you)

Anak ng.

Kasalanan 'to ng magaling niyang kaibigan eh. Kung hindi dahil sa mga pinagsasasabi nito kanina, hindi naman siguro papasok sa isipan niya ang ganito...

Na may pagtingin nga siya kay Arem.

Whenever we're together
I'm wishing that goodbyes would turn to never
'Cause with you is where I always wanna be
Whenever I'm beside you
All I really wanna do is hold you
No one else but you has meant this much to me

Napalunok si Samantha. Nagmamadaling dinala niya sa kanyang bibig ang inorder na Martini.

I can't pretend (no)
That I'm just a friend (I'm just a friend)
'Cause I'm thinkin' maybe we were meant to be

Well, kung wala siyang nararamdaman para kay Arem, bakit siya nab-bother sa presensya ni Attorney Pilar?

I think I'm fallin', fallin' in love with you (oh, yeah)
And I don't, I don't know what to do (yeah, yeah)

Bakit siya bitter nang malaman niyang may kontak ito kay Arem habang siya ay wala? Ni hindi niya nga alam na may cellphone ang damuhong 'yun.

I'm afraid you'll turn away (I'm afraid you'll turn away)
But I'll say it anyway (yeah, yeah)

The DivorceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon