Chapter 22: Cannot Blame Her

825 38 3
                                    

Itinikom ni Arthur ang kanyang bibig. Hindi naman kumibo si Ariston. Nakasimangot naman si Arya at palihim na iniirapan ang nakatatandang kapatid. Para sa dalagita, napaka-arte nito.

"Ahm, anak. Malinis at masarap ang pagkakaluto ni Sam sa ulam. Huwag kang mag-alala, ligtas kainin 'to, okay?" Nakangiting wika ni Ginang Aria na siyang bumasag sa namumuong katahimikan.

Ayaw niyang makaramdam ng awkwardness ang magkakapatid sa isa't-isa.

Hindi niya rin naman masisi si Samantha kung nasaktan ito sa tono ng pananalita ni Arem.

"..."

Arem remained quiet, unsure of what to say to his mother. He felt that this wasn't a suitable meal for their family.

Huminga ng malalim ang ginang. Hindi niya alam kung paano aayusin ang sitwasyon. Nag-walk out na si Samantha. At iyon ang unang beses na ginawa iyon ng dalaga. Paano niya ito papakiusapan na bumalik sa hapag para kumain? Anong pagtatanggol ang gagawin niya para sa anak niya? Hindi ba at lalabas naman siyang napaka-bias kung ang side lang ni Arem ang kukunin niya.

"Tsk," iritableng binitawan ni Arya ang mga kubyertos na hawak niya.

"Oh, saan ka pupunta?"

Gulat na napatingin si Arya sa pinanggalingan ng boses. Napakurap pa ang dalagita noong makita ang kanyang ate Sam na may dala-dalang plato.

"Iihi ka ba?" Nagtatakang tanong pa ni Samantha kay Arya na hindi malaman kung paano sasagot. "Bakit hindi pa kayo kumakain?" Maang na tiningnan ng dalaga ang pinggan ng lahat.

"Ahh, hinihintay ka kase namin ate," nahihiyang sagot ni Arthur na hindi makatingin.

Ilang sandaling natigilan si Samantha.

Biglang kumislap ang mga mga niya pagkarinig sa sinabi ng binatilyo. She really like this family. They are so honest and easy to get along with.

Mabilis na lumapit ang dalaga kay Arem saka inilagay sa tabi niyo ang dala-dala niyang plato.

"Ham at itlog na lang ang nasa ref na madaling lutuin eh. Sorry, iyan na lang muna ang iulam mo ngayon. Bukas kung may gusto kang ulamin magpabili ka na lang kina Arthur para maluto ko," malumanay na sabi ni Samantha kay Arem.

Balewala sa dalaga ang inasal ni Arem kanina. Kumpara naman sa dati niyang mga costumer sa dating pinapasukang canteen in her past life, mas kayang tanggapin ni Samantha ang reaksyon ng binata.

Hindi ito nagwala.

Hindi siya nito binato ng hawak nitong pinggan.

Hindi siya nito pinaliguan ng mainit na sabaw.

Hindi siya sinigawan.

He simply asked Whyy are you eating this', and it's normal. Some people will like what you like and some will not.

Kaya sa halip na ipilit dito ang gusto niya, mas pinili ni Samantha na ipagluto ang binata ng pang-ulam na simple lang. Since, hihingi siya dito ng kasal at divorce, naisip ng dalaga na mas mabuting huwag siyang makipagtalo dito.

Wala namang mangyayari kung mag-aaway sila.

Mas nanaig pa rin ang kagustuhan ni Samantha na mamuhay ng busog at tahimik.

"Thanks,"

Ngumiti si Samantha kay Arem.

At naisip ng dalaga, napakalayo ni Arem sa description na ibinigay ni Daureen sa kanya.

Kaninang unang makita ng dalaga si Arem, naisip niya na subukin ito. Ang nasa isipan ng dalaga, kapag hinalikan niya sa pisngi ang binata at nag-react ito ng bayolente, sign iyon na masamang taon nga ito. Pero kung magiging kampante naman ito...

The DivorceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon