Chapter 4: Asking For Pocket Money

1K 36 0
                                    

Tahimik na kumakain si Samantha. Hindi siya nakikisali sa pag-uusap ng mga taong kasama niya sa harapan ng mesa. Mas gusto niyang intindihin ang pagnguya dahil ang lahat ng mga pagkain na inilalagay niya sa kanyang bibig ay talaga namang masasarap. Halatang pinagplanuhan at pinaghandaang mabuti ng mga Salvador ang pagkain na ipapakain sa kanilang panauhing pandangal.

Bigyan ba naman sila ng fifteen million pesos. Kahit sino naman siguro kapag nakatanggap ng ganoon kalaking halaga ay ipi-please at ipi-please talaga ang taong nagbigay.

"Samantha Daureen, from now on they're going to be your new family. Love them and respect them just like how you loved and respect us," nakangiting paalala ni Ginang Salvador kay Samantha habang nilalagyan ng garlic butter shrimp ang pinggan ng dalaga.

Lihim na napangisi si Samantha. Hindi niya inaasahan na napakabilis pa lang mag-isip ng former parents ni Daureen. Nakaisip na kaagad ng bagong pangalan niya.

Para nga naman hindi malito ang mga tao kung ang itatawag sa kanya ay Daureen o Samantha.

"Yes mom," mahinang anas ni Samantha na para bang hiyang-hiya na makipag-interact sa ibang tao. She smiled with reservation in front of everyone.

The Syquia family felt relieved.

At least they've got themselves a meek daughter-in-law. Gustong-gusto talaga nila 'yung taong madaling pasunurin sa gusto nila. Sa ganoong paraan mas madali nilang maisasagawa ang kanilang mga future plans.

Hindi nakaligtas sa pag-oobserba ni Samantha ang pailalim na tinginan ng mga ito.

Huminto sa pagsubo si Samantha. Tumingin siya sa may babaeng nagplano ng kanyang kasal. Sa palagay niya ay hindi nalalayo ang edad nito sa mommy niya at kay Ginang Salvador.

Ilang beses niyang sinulyapan ito kaya naman hindi na marahil ito nakatiis.

"Yes Daureen? If you have something to tell me, just say it," nakangiting wika ni Ginang Syquia kay Samantha.

Lihim na napaismid si Samantha. Alam niyang umaarte lang ito dahil hindi nakaligtas sa mapag-obserbang dalaga ang palihim na irap na ginawa ng ginang.

"Ahm...ahem..." Tumikhim ng ilang beses si Samantha.

Naghintay naman sa sasabihin niya ang mga taong nakapalibot sa hapag-kainan.

"Ahm, Auntie, Uncle na-nasaan po ang fiancé ko? B-bakit hindi niyo po siya kasama? D-does he not like me?" Samantha make it sure that her voice is shaking and that she would look nervous in front of everyone.

Nagkatinginan ang mag-asawang Syquia.

Bahagyang kumunot ang mga noo nila, indikasyon na hindi nila nagustuhan ang tanong ni Samantha.

"Well, my cousin is a bit busy right now," ang mabilis na sumagot ay ang anak ng mag-asawang Syquia na mula ulo hanggang paa ay mukhang mamahalin dahil lahat ng suot nito sa katawan ay punong-puno ng mga diamonds.

"Dahil siya na ang bagong CEO ng Syquia Corporation, kailangan niyang i-manage hindi lang ang kompanya dito sa bansa kung hindi pati na rin 'yung nasa ibang bansa. Isang buwan na siyang nasa Spain dahil may malaking problemang kinakaharap ang kompanya doon. Sa susunod na buwan ay baka sa US naman siya bumisita," dagdag na sabi pa nito.

Napatitig si Samantha sa babaeng nagsalita. Sa palagay ng dalaga ay hindi nagkakalayo ang edad nila.

"Anyway, I'm Cynthia. Pasensiya ka na sa pinsan kong 'yun, cousin-in-law, medyo workaholic lang talaga siya. At isa pa, malaki ang expectations sa kanya ni lolo," nakangiting saad pa ng babaeng nagpakilalang Cynthia.

"Haaay!" Huminga ng maluwag si Samantha na para bang nawala ang nakabarang kung ano sa kanyang lalamunan. Pagkatapos ay sinabayan iyon ng pagtawa ng dalaga. "Akala ko ayaw niya sa akin, na napipilitan lang siya kaya hindi niyo siya kasama dito ngayon," sabi pa ni Samantha saka nahihiyang ngumiti sa pamilya Syquia.

The DivorceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon