Tabghali na ng makarating sa Rose Province sina Samantha. Sa isang bukirin ang shooting na gagawin kung saan mararanasan ng mga sikat at dating sikat na artista ang payak na pamumuhay sa maliit na Baryo.
Kaagad na hinanap ni Ren ang tent ni Director Tasha. Kasama niya ang refresh na refresh na si Samantha.
Pagkatapos nilang kumain sa isang simpleng restaurant kagabi ay natulog na ito kaagad pagkasakay sa sasakyan. Labing limang oras ang ibyinahe nila mula sa Capital, at ganoon din kahaba ang tulog na ginawa ni Samantha. As in, binawi niya ang lahat ng mga puyat niya nang nagdaang araw.
"Sorry Direk, nagka-emergency kase sa bahay nila Lala. Dinala sa ospital ang Lolo niya kaya kagabi lang kami nakaalis sa Capital," hinging paumanhin ni Ren.
"Sorry Direk," humingi din ng paumanhin si Samantha.
It's her sister's job. Of course, hindi niya sisirain ang imahe nito.
Bumuntong-hininga ang magandang direktor.
"Ipinasyal pa lang naman namin ang lahat ng mga participants at pinapili sila ng mga bahay na titirahan nila sa loob ng isang linggo. Kabilang ka sa grupo ni Miss Elena. Pasasamahan kita sa isang stuff. Miss Ren, hindi ka pwedeng sumama sa kanila. May isang bahay kami na nirentahan para sa mga personal assistant na kasama," kaagad na paliwanag ni Direk Tasha.
Nang umalis na si Samantha kasama ang luggage nito ay nagtungo na rin sa nirentahang bahay si Ren.
Kahit na kinakabahan siya sa mga kapalpakan na pwedeng magawa ng double ni Lala. Wala na siyang ibang choice.
Napakaikli lang ng araw na ipinag-practice at inaral nila, pero palihim siyang umuusal ng dalangin na nawa'y nakuha ni Samantha ang mga importanteng details na dapat nitong malaman.
"So you'll be in the same group with Miss Elena and Miss Aria. Kayong tatlo lang ang grupo na puro babae, ang ibang tatlong grupo ay may kasamang lalaki,"
Tumango-tango si Samantha.
She must stop being friendly.
Ren warned her. Because Samantha is always cold and aloof. Though she talks with her co-artists, it's not to the point that she'll be friendly with them.
Nang hindi na magsalita si Samantha ay hindi na rin kumibo ang stuff na naghatid sa kanya sa isang maliit at bahay na yari sa balat ng niyog. Ang bubong ay yari sa nipa.
Napakurap si Samantha.
Kung sa kanya ay walang problema kahit na sa tabing kalsada pa sila matulog at mag-shooting, pero paano naman ang kapatid niya? Lumaki itong prinsesa sa mansyon ng mga Allejo. Paano ito kikilos sa ganitong uri ng environment?
"Tao po! Nandito na po si Miss Lala, ang isa niyo pang kagrupo,"
Halos magkasabay na lumabas sa maliit st payak na bahay ang dalawang naggagandahang artista. Although they're not in their 30s anymore, they still looked gorgeous and active.
"Oh! Hi, ikaw pala 'yan, Lala," masayang bati ni Miss Elena.
Ilang beses na nitong nakatrabaho ni Samuella. At ito ang tinaguriang Reyna ng mga Kontrabida.
"Good afternoon," Samantha said casually.
Napatitig siya sa isa pang babae and she almost dropped her jaw upon seeing her good mother-in-law!
Damn!
Why is she here?!
Napalunok si Samantha. Parang gusto niyang maglupasay sa sahig.
What kind of joke is this?
Pero kahit na deep inside ay nagpa-panic siya, hindi siya nagpahalata sa dalawang kaharap. She also greeted her mother-in-law casually. Kitang-kita niya ang gulat at pagkamangha mula sa mga mata ng mother-in-law niya, pero hindi iyon pinansin ni Samantha.
BINABASA MO ANG
The Divorce
Non-FictionIn her past life, Samantha died at the hands of the person she trusted the most. Though he didn't kill her directly, he was the reason for her early demise. Upon waking up, Samantha promised to live her second life without regret. But first, she mus...