Dinala ni Samantha sa mahabang sofa si Arya. Pinaupo niya ito doon at maingat na tinapik ito sa ulo.
"Stay here. Kahit malaki na ang ipinagbago ng itsura mo, hindi natin nasisiguro kung nakikilala ka ba ng pinsan mong 'yan. Dito ka muna habang nag-iisip ako kung ano ang magandang gawin. Hindi naman pwedeng basta ako sumugod hindi ba? Syempre hindi siya aaamin sa ginawa nila noon," maharang paliwanag ni Samantha sa dalagita. "Did you get what I mean, Arya?"
Marahang tumango ang dalagita.
Tinitigan nito ng may kasamang pagtitiwala ang kanyang sister-in-law.
"Dito ka muna, ako na lang ang titingin sa dress. Isipin mo na lang na hindi nag-i-exist sa ngayon ang taong 'yun, okay?"
Marahang tumango si Arya. Para sa dalagita, batas ang salita ng kanyang ate Sam. Bukod pa doon, wala itong sinabi na hindi nito ginawa kaya naman buong-buo ang pagtitiwala niya rito.
Nang masiguro na kalmado na si Arya ay saka lang tumayo si Arya. Nakiusap siya sa saleslady na tulungan siyang ma-check ang puting dress na nasa display.
Nagtungo silang dalawa sa harapan.
Ang saleslady mismo ang maingat na nag-alis ng damit. Pagkaalis noon ay kaagad nitong ibinigay kay Samantha ang puting dress.
Sinipat naman iyon ng dalaga. Gawa sa mamahaling tela. Simple lang ang pagkakagawa pero napakaganda para kay Samantha.
Itinapat niya ang damit sa katawan niya.
Base sa sukat at pagkakayari ng damit, hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Samantha. "I'll get this," aniya sa saleslady na kaagad namang kumislap ang mga mata.
"Kukuhanin ko lang po ang box niyang dress," excited na saad nito at saka nagtungo sa kanilang storage room.
Hindi na ito hinintay ni Samantha. Nagtungo na siya sa may cashier.
"Magandang araw po, 'yung card niyo po?" Nakangiting tanong ng magandang cashier.
Kaagad na inabot ni Samantha ang bagong Super VIP card na ibinigay ni Shopkeeper Magtanggol sa kanya.
"Miss! Wait!"
Magkasabay na lumingon si Samantha at ang cashier sa babaeng malakas na nagsalita sa kanilang likuran.
Kamuntik ng tumaas ang kilay ni Samantha pero mabilis niyang pinigilan ang kanyang sarili. In front of this person, she have to act naturally.
Sino nga namang mag-aakala na 'yung taong gusto niyang harapin sa ibang pagkakataon ay siya pang kusang ihinahain ang sarili sa harapan niya.
"I like that dress. Give it to me," walang paligoy-ligoy na sabi nito.
Tuluyan nang umangat ang kilay ni Samantha.
"I like this, so no," muling humarap sa cashier si Samantha. "Babayaran ko na," sabi niya sa cashier na hindi naman kaagad nakahuma.
Tinitigan nito ang babae na para bang may panghihinayang.
"Dodoblehin ko ang bayad,"
"Nah,"
"Miss, may binabagayan na okasyon ang damit na 'yan. Kung ako ang magsusuot, nasisiguro ko na mas babagay 'yan sa akin. I'll pay double,"
Hah!
Lihim na napaismid si Samantha. Hindi niya maatim ang aroganteng tinig ng babae. Palihim na napairap ang dalaga.
Hindi niya maintindihan kung paanong naligaw ang mother-in-law niya sa pamilya ng babaeng 'to na mukhang walang sinasanto. Kung makapagsalita parang nagmamando sa alila nito.
BINABASA MO ANG
The Divorce
Non-FictionIn her past life, Samantha died at the hands of the person she trusted the most. Though he didn't kill her directly, he was the reason for her early demise. Upon waking up, Samantha promised to live her second life without regret. But first, she mus...