"A-arya..."
Marahang tinapik ni Arya ang balikat ng dalagita. Sa halip na lumingon ito sa kanya ay tinitigan lang nito ng masama ang mga bagong dating.
"Hindi namin kayo kailangan dito. Kaya naming mamuhay ng wala ang pera niyo. Sanay na kami sa gutom. Kaya kahit na kontrolin niyo pa ang buong mundo para walang tumanggap na kompanya sa kuya ko, kaya namin siyang pakainin three times a day, may kasama pang meryenda. Kaya lumayas na kayo. Mahihiya lang ang sahig ng bahay namin sa mga sapatos niyong ka-presyo na ng bahay sa isang subdivision. Halika na mommy. Nagpapahinga ka po dapat. Hindi nakikiharap sa mga taong 'yan," gigil na bulalas ni Arya na kamuntik nang palakpakan ni Samantha.
This little girl is turning into a spicy one, and she loves it.
Hindi na hinintay ni Arya na magsalita ang ina. Inalalayan niya ito papasok sa loob ng kanilang bahay.
"Ate, Kuya, wala tayong ipapakain sa mga 'yan. Baka magka-allergy din sila sa brandless na mga gamit sa loob," ani Arya bago tuluyang isinarado ang front door.
Samantha's mouth twitch.
Nagkatinginan na lang silang dalawa ni Arem na naiwanan sa labas.
Somehow, naiintindihan ni Arem kung ano ang sinasabi ng kapatid. He suddenly felt bitter. He looked at his grandparents, full of resentment.
Napakagat-labi naman si Samantha. Although, lihim niyang ipinagdiriwang ang pag-i-improve ng character ni Arya, hindi niya rin alam kung saan napulot ng dalagita ang script nito.
But it doesn't matter. Mas mabuti na rin na naglabas ito ng sama ng loob sa lolo at lola na nag-abandona sa mga ito.
Huminga ng malalim si Samantha habang nakatitig sa front door na nakasarado na ulit.
Hindi syempre pwedeng magpahuli siya. Hindi lang ang mother-in-law at ang sister-in-law niya ang marunong umarte, ano. Marunong din siya.
After what happened to her in her past life, Samantha decided to be the better version of herself.
Hindi na pwede ang ugali niya noon na napaka-inosente. Hindi na pwedeng siya lang ang palaging dinadramahan at inuuto. Dapat ay kaya niya ring gawin iyon sa mga taong mapagsamantala.
Kitang-kita ni Arem kung paano magpalit ng emosyon ang magandang mukha ng babaeng kaharap.
Wala itong kamalay-malay na kumislap ang mga mata nito habang pinagmamasdan ang babaeng nagpa-plano na naman siguro ng kalokohan.
Pero hindi siya kumibo at nagsalita. Sa halip ay hinintay niya lang kung ano ang susunod na gagawin ni Samantha.
"Patriarch, Matriarch, Aunthie Helda, Uncle...Cynthia... pasensiya na po kayo, hindi na namin kayo maiimbitahan sa loob. Ang pagkain po kase na nakahain ay hindi nababagay sa estado na meron kayo. Nakakahiyang pakainin po kayo ng pagkain na pangmahirap," nahihiyang wika ni Samantha saka nagyuko ng ulo.
Kumunot ang noo ng matandang Syquia.
Sa totoo lang, isang sorry lang mula sa apo nilang si Arem ay ibabalik nila ang lahat ng mayroon ito noon na inalis nila. Estado, pera at impluwensiya ng buong Syquia clan.
Pero ilang araw na ang lumipas ay hindi man lang ito umuwi sa kanilang mansion.
Is he still being rebellious?
"Arem, just say the word and we're here to pick you up," seryosong wika ng matandang lalaki.
Samantha gasp.
Nanlalaki ang mga mata na nag-angat ito ng paningin at tinitigan si Arem.
Bahagyang yumuko naman si Arem para tingnan ang asawa. He finds her interesting. Really interesting.
BINABASA MO ANG
The Divorce
Non-FictionIn her past life, Samantha died at the hands of the person she trusted the most. Though he didn't kill her directly, he was the reason for her early demise. Upon waking up, Samantha promised to live her second life without regret. But first, she mus...