Habang naglilibot sa Bayan, hindi nakaligtas sa paningin ni Samantha ang mga mata ng kambal na hindi malaman kung saan ibabaling.
"First time niyo dito?"
Huminto sa pagmamasid ang dalawa. Tumayo ng tuwid at nahihiyang tumingin sa mga tsinelas na suot nila.
Wala sa sariling napatingin din doon si Samantha. Noon niya lang nakita na nakasuot lang ng de sipit na tsinelas ang dalawang binata.
Napakunot-noo siya.
Kaagad na napansin ang dalawa ang reaksyon sa magandang mukha ng bagong ate nila, sa hiya ay napaatras ang mga ito.
"Pambahay at pang-alis niyo ang tsinelas na 'yan?" Tanong ni Samantha sa mahinang tinig.
Unti-unting nabura ang mga ngiti na kanina ay nakapaskil sa magandang labi ng dalaga.
Nang mga oras na 'yun, pakiramdam ni Samantha ay gusto niyang manapak. Kung kanina ay gusto niyang sampolan si Pepita, ngayon ay ang amo naman nitong magaling ang gustong patikimin ni Samantha ng mga palad niya.
Sinusubukan talaga ng mag-among 'yun ang pasensiya niya!
"S-sorry ate. I-ito lang kase ang gamit na mayroon kami," nahihiyang wika ni Arthur na hindi malalaman kung saan ipapaling ang mga paang nakasuot ng lumang-lumang tsinelas.
"Anong ginagamit niyo kapag pumapasok kayo sa school?" Sa halip na sagutin si Arthur ay nagtanong ulit si Samantha.
"I-ito din po," kinakabahan man ay mas pinili ni Arthur ang sumagot ng tapat.
Gustong-gusto niya ang bagong fiancé ng kuya niya. Bukod sa ipinagtanggol sila nito sa mangkukulam na si Pepita, napakahinahon din nitong makipag-usap sa kanilang tatlo. At isa pa, ito ang kauna-unahang nagdala sa kanila sa Bayan.
Noong una ay naririnig lang nila ang salitang Bayan sa bibig ng kanilang mga kaklase. Ini-imagine na lang nila kung nasaan ang bilihan ng gamit sa school, gamit sa bahay, at ang palengke. Kung ano ang itsura ng Jolly Belly at Mac Daniel's na fast food restaurant. Sikat na sikat iyon sa mga kaklase nila. Dahil sabi ng mga ito, kapag daw sumusweldo ang mga magulang ng mga ito, pumupunta sila doon para kumain isang beses sa isang buwan. Iyong iba namang nakakaangat ay kumakain doon ng isang beses sa isang linggo.
Kaya lang, mukhang hindi na sila magugustuhan ng bago nilang ate dahil sa kanilang mga itsura. Ang mga kaklase nga nila ay iniiwasan silang makatabi. Dahil kahit na bagong ligo pa sila, sinasabihan sila ng mga ito ng mabaho, pulubi at taga-squatter dahil sa ayos nila palagi.
Samantha pout her lips.
Isang tingin niya lang kay Arthur ay alam na kaagad niya kung ano ang iniisip nito.
Ayon kay Arya, simula noong magkaisip silang tatlo, hindi na sila nakakalabas ng bahay. Kahit na noong nakatira pa sila sa mansyon ng mga Syquia, nasa loob lang sila at hindi sila lumalabas dahil wala namang mag-aalaga sa kanila at wala ring kasama ang nanay nilang may sakit.
Kaya hindi na nakakapagtaka na lumaking insecure ang mga bata at walang self-confidence.
"Let's go," tumalikod na ang dalaga sa dalawa.
Dahil lumaki ang mga ito na walang tiwala sa sarili at sa iba, naisip ng dalaga na mas mabuting ipakita niya na lang sa gawa kung paano ang tamang pag-aalaga ng isang nakatatanda sa kanyang nakababatang kapamilya. Mas kapani-paniwala ang gawa kesa sa salita lamang.
Lupaypay ang mga balikat na sumunod ang dalawa. Iisa ang nasa isip ng kambal.
Ayaw na sa kanila ng ate Samantha nila. Nakakahiya sila kaya mas gusto nitong umuwi na lang sila sa kanilang bahay. Sabagay, sino ba naman talaga ang makakatagal sa kanila? Ang mga kaklase nga nila ay ayaw silang kaibiganin dahil mga mukha daw silang pulubi.
BINABASA MO ANG
The Divorce
Non-FictionIn her past life, Samantha died at the hands of the person she trusted the most. Though he didn't kill her directly, he was the reason for her early demise. Upon waking up, Samantha promised to live her second life without regret. But first, she mus...